Message!?

157 8 0
                                    

Though walang nagrequest, gusto ko lang gawing part 2 ito ng recent update ko na "Jealous or Grumpy, Jaki?!" Official Part 2 ito ah mga moots!

If you haven't read it yet, I highly recommended to read it before you continue to read this. No ViceJack ID, No entry! Charr! O loko! Sige na, basahin niyo na. Balakayo! Hahaha





Jaki's PoV

"Ah talaga? Si Ms. Mj Lastimosa ang TagoHula today? Waaa!" rinig kong sabi ng isang staff

"Oo nga, feeling ko nga mga beauty queen puro guest keme eh. Haha" sabi naman nung isa

Nainis naman ako sa balitang yun kaya nagtungo na lang ako sa DR namin nila Ate Neri. Naiinis ako sa ideang yun ah, hmm. Baka mamaya,  si Vice.. Aish! Kasi diba kaka-ayos lang namin tapos.. Aish!

"O Jaki, maling DR ata napasok mo, diba dun ka na kay Meme. Anyare?" bungad na sabi sa akin ni Ate Neri

"Bawal na ba ako magpunta dito? Hindi naman diba?" birong sabi ko

"Sira ka talaga. Oh eh bakit nga?" tanong nito

"Wala po Ate, pwedeng dito muna ako saglit, naiinis lang ako talaga today" sagot ko

"Sige na, sige na. Pero kasi mapagalitan tayo, ay ako lang pala ni jowa mo, si Meme" sabi naman ni Ate Neri

"Yaan mo siya ako ang bahala dun. Actually, dun ako naiinis eh" sambit ko

"Kanino? Kay Meme? Bakit naman? Naku Bebe, for sure hinahanap ka na nun" sabi naman ni Ate Neri

"Sabihin mo, pag nagpunta dito, wala ako. Bahala siya dyan" sagot ko naman

Pero teka, bakit nga ba talaga ako naiinis kay Vice? Aish! Kasi nga diba beauty queen na naman ang ano, basta. At ito na naman po tayo, umiiral na naman ang pagiging childish at selosa natin

Hanggang sa marinig ko yung boses ni Vice, malapit dito sa DR na tinatawag ang pangalan ko

"Hmm, ayan na Jaki. Hahaha" sambit ni Ate Neri

"Neri, andyan ba si... Hoy! Kanina pa kita hinahanap na babae ka, bakit ka ba nandito?" bungad na sabi nito

"Pasensya na Meme, makulit talaga itong si Jaki" sabi naman ni Ate Neri

Nagpaalam naman na ako kay Ate Neri saka ako lumabas ng DR at nakasunod lang naman si Vice hanggang sa makarating kami ng DR niya, at dun niya ako sinimulang interviewhin

"Woy, kanina pa kita hinahanap ah. Bakit ka ba nandun?" tanong nito

"Wala lang, pinuntahan ko lang si Ate Neri" sagot ko

"Hmm! Naiinis ka ba o ano? Why?" sunod na tanong nito

"Oo nga, naiinis nga ako kasi beauty queen na naman ang TagoHula today si Ms. Mj Lastimosa baka mamaya ano... Basta! Aish!" mahinang sagot ko pero sapat yun para marinig niya

"Don't worry! Promise, di na ako mag-entertain today" sagot naman ni Vice

Tumango lang naman ako sa kanya saka niya ako niyakap. Yumakap naman ako pabalik sa kanya

"Promise ah, dito ka lang sa tabi ko" sabi ko naman

"Opo, baby" sagot niya saka niya hinalikan ang uluhan ko

Ilang sandali pa ay sabay kaming nagtungo sa stage to sing the Theme Song and to read some spiels. At yun nga, hindi nga siya umalis sa tabi, though may distance sa aming dalawa
"Sayawin mo nga yung ginagawa ni Neri. Hahaha yung Boom, Boom. Dali Baby" sabi niya sa akin without the mic

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now