Date ?!

232 10 0
                                    


Vice's PoV

Mahirap man sa panahon ngayon ang lumabas-labas at date date na yan pero gusto kong gawin. Hahaha wala lang, gusto ko lang ulit ma-experience yung yayayain mo siyang lumabas, yung ganun ba. Hindi niyo pa kasi nata-try kasi wala naman kayong mga jowa

[ Aray! Mapanaket ka talaga! Sumbong kita sa jowa mo, kay Jaki akala mo ]

Sinong jowa? Hahaha joke lang. Hindi na kayo mabiro ah. Sige na nga. Ito na nga! Gusto ko lang ma-experience yung date ngayon sa 'New Normal' nga nilang sinasabi

Habang hinihintay si Jaki dito sa DR ko ay naghahanap na ako ng isang resto na pwede kaming magdate. Sshh! Huwag kayong maingay

Ilang sandali pa ay dumating na din siya, galing kasi siya ng DR nila, sabi ko dito na lang siya. Nang makapasok na nga siya dito sa DR ko ay agad niya akong niyakap

"Baby sandali, isara lang natin itong pinto para walang makita sa atin. Alam mo na, social distancing" sabi ko kaya naman lumayo ako sa kanya saglit and then I closed the door saka ko siya niyakap

"Baby, do you have plans ba mamaya?" pagtanong ko sa kanya

"Wala naman, baket? May pupuntahan ba tayo?" sagot niya

"Hmm, meron. Balak ko sanang yayain ka later, magdate" medyo nahihiyang sabi ko at napabitaw naman siya sa yakap na yun

"Talaga? Gusto ko yan, sakto Friday naman ngayon. Thank you" sambit niya saka niya ako hinalikan sa pisngi

"Aaaah, aaahh bakit sa pisngi lang? Dito pa oh" sabi ko sabay turo sa labi ko

"Ayan! Ayan ang ayaw ko, social social distaning ka pa dyan tapos kung makahirit ka para ka---" hindi na niya natuloy ang sinabi niya kasi I cutted her off with a kiss pero smack lang at nakatikim naman ako ng hampas sa kanya

"Langya ka talaga, bahala ka talaga, hindi ako sasama sa iyo mamaya" sabi nito na may kasamang irap

"What's wrong with that? Marami ka kasing nasasabi na kaya I kissed you" sagot ko

"Bahala ka talaga. Kainis ka" parang batang sabi nito

Halla ka! Niyakap ko na lang siya mula sa likuran saka pinatong ang baba ko sa balikat niya

"Ang tampuhin talaga ng Baby ko. Sorry na, pero huwag mo namang sabihin na hindi ka sasama mamaya ngayon na lang ako ulit nag-aya tapos hindi ka sasama, sino kasama ko?" sabi ko

"Ikaw kasi, pero sige na. Sasama naman talaga ako sa iyo, panakot ko lang yun" sagot naman niya

"Wiiee. Thank you" saad ko sabay halik sa pisngi niya

Ilang sandali pa ay bumitaw na ako sa yakap na yun at siya namang tawag sa amin ng isang staff, buti hindi kami naabutang magkayakap. Hahaha

Sa stage na kami at nagsimula na nga ang show. After ng opening song ay pagbasa na naman ng spiels at si Jaki na ang magbabasa. Nakatitig lang naman ako sa kanya kasi ang ganda-ganda niya lalo na sa outfit niya today. Ang liit ng bewang. Pakak! Nang matapos niyang mabasa ito ay nakatingin lang ako sa kanya

"Ang ganda ni Jaki ngayon" sabi ko, proud Boyfie here!

Tumingin naman siya sa akin with matching smile. Sang-ayon naman sa akin ang mga kasama kong hosts, hiya na naman si Jaki oh. Hahaha

"Ang ganda mo, mukha kang makikipagdate. Diba?" muling sabi ko

"Oo" sang-ayong sabi naman ni Jhong

"Yung suot niya yung makikipagdate kasi day-off" birong sabi ko pa

Natawa naman si Jaki, ganundin ang mga kasama ko

"Ay grabe ka" sambit naman ni Karylle

"Kapag day-off sa work talagang magpapaganda ka kasi hinintay mo yan ee" medyo proud na sabi ko kasi ang ganda talaga ni Jaki ngayon

"Kasi nga Friday na" sambit naman ni Jaki

"Pati yung blouse mo makikipagdate. Yung kain-kain muna tapos diretsong sine" sabi ko pa, hindi ko napansin yung damit niya mismo ah, sobrang bagay pala talaga sa kanya

Ayun. Kilig-kilig na naman itong mga kasama ko. Narinig ko pa yung sabi ni Vhong na 'Gandang-ganda na naman daw ako kay Jaki' buti na lang mahina ang pagkakasabi niya. Aba't talaga, jowa ko yan ee. Wiiee. Hahaha

"Yung may pa-pusod, tapos pag nakita ng jowa mo, miss mo?" sabi ko pa

Natawa lang naman sila sa sinabi ko at ganun din si Jaki. Nabiro ko na naman, baka mamaya, di talaga sumama yan. Nagpatuloy na nga ang show

Hanggang sa TNT, yung ipapakita ni Jaki yung result ay nabiro-biro ko siya. Halla! Hahaha lagot ako nito

"Niloloko lang kita pero ang ganda mo" sabi ko at palihim ko pa siyang kinindatan. Ayun! Halatang kinilig si Jaki. Hahaha

Pwede talagang pang-endorser itong si Jaki. Ang ganda! Lord thank you talaga kasi binigay niyo sa akin ang isang jowang maganda. Haha

After ng show ay mas nauna siyang nagtungo sa DR ko para ayusin ang gamit namin at nakasunod lang naman ako sa kanya. Ilang sandali pa ay lumabas na siya bitbit ang bag naming dalawa. Naiinis ito sa akin, ramdam ko. Hahaha

"Baby galit ka?" tanong ko pa

"Hindi ah, kahit na binibiro mo ako. Hindi ako galit sa iyo" sagot niya

"Talaga?" pagtanong ko ulit

Tumango lang naman siya sa akin saka niya ako hinalikan sa labi. Halla! Pakilig ang Ate niyo. Hahaha

Nang makarating kami ng parki g lot ay agad kong pinaandar ang sasakyan saka namin nilisan ang building

"Dadaan pa ba tayo ng bahay? Maaga pa naman ah" sabi niya

"Hmm, hindi na tayo dadaan ng bahay ee, sorry Baby. Nakapagpa-reserve na ako" sagot ko

"Ha? Hindi mo man lang ba ako pagpapalitin ng damit? Okay na sa iyo ito?" tanong nito

I look at her pero agad ko ding binalik ang tingin sa daan

"Baby kahit ano pa ang suot mo, ikaw pa rin ang maganda sa akin. Tsaka mas bagay mo yang suot mo ngayon and ayaw ko ng masyadong ano yang ipapalit mo" sagot ko

"Aaaww! Thank you Baby. Sige na, sige na, susunod po ako sa iyo" sagot niya

After a minute drive ay nakarating na kami sa resto kung saan ako nagpareserve. Bago kami bumaba ay syempre, suot Face Shield at Face mask muna and then she took some pictures. Loko talaga, saka kami bumaba. Buti wala gaanong tao. Hahaha











Author's Note:

Eyy. What's sup mga moots! Kamusta po kayo? Hehehe salamat po sa inyo na mga nagbabasa ah. Enjoy reading, huwag niyo po masyadong totohanin ito ah. Any similarities to actual sequel was didn't mean by the author and its purely coincidental

Free to vote and comment kung anuman po ang reactions, suggestions niyo mga moots

See ya mga moots on next OneShot

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum