Missing You ft. Baguio

299 11 5
                                    

Vice's PoV

Maulan ngayong araw, pero I love the weather like this. Maulan, malamig, sobrang ganda lang. Pero nag-alala ako kasi hanggang ngayon, sa mga oras na ito, wala pa rin si Jaki

Kasi nga, nasa Baguio siya with her family. Hindi ako sumama kasi gusto kong ilaan niya yung oras niya dun with her family. Hindi naman ako mahigpit sa ganun. Hahaha! Birthdsy kasi ng Kuya niya kaya nagbakasyon, bakasyon talaga? Haha namasyal sila dun. At ngayong araw ang balik nila, nag-alala na ako kasi maulan tapos. Aish!

Dahil nami-miss ko na si Jaki, napakanta na lang ako dito sa DR ko. Hahaha, singer ka?

"Nasaan ka na ba? Kanina pa ako nag-iisa"

Pagkanta ko and after nun, nagpost ako sa IG ko ng one of the photo ni Jaki dito sa phone ko with a caption

@praybeytbenjamin :
"Miss you like crazy" @jackiegirlg ♥😐

[ Insert photo. Charr. Kung malakas ho sagap ng imagination niyo, masisilip niyo ito. Hahaha ]

After nun ay lumabas na ako ng DR ko kasi tinawag na ako ng isang staff. Hay! Sana makahabol siya ngayong araw

Bahagya akong napangiti ng makarating ako sa stage, buti nakahabol siya. Yes! Hahaha pagod pa sa byahe ang Baby ko. Haha

After ng opening song ay nagbasa na nga kami ng spiels, at after niyang basahin yun ay nabiro ko na naman siya. Namiss ko lang kasi siya

"Oy sabi, sabi ng boots ni Jaki" pagbibiro ko sa kanya, ngumiti lang naman siya sa akin. Apakabungisngis talaga

Napatingin naman sa kanya lahat ng mga kasama namin

"Cute kaya ni Jaki" sabi pa ni Karylle

"Taray" sabi ko pa

"Umulan kasi ee" dagdag na sabi pa ni Jugs

"Umulan nga kasi" singit na sabi pa ni Vhong

Ang cute nga sa outfit niya today. Hahaha ba't ganun?

"Anong oras ka lumuwas galing Baguio?" medyo may halong birong sabi ko

"Hoy hindi. Pangtag-ulan yan" sagot niya. Nilakihan pa ako ng mata nito. Hahaha takot po ako

"Galing Baguio, SM Baguio pala" sabi ko pa pero palihim akong nagpeace sign sa kanya

Nagtawanan naman ang mga kasama namin at kahit pati siya.

"Malamig ee" sambit ni Jugs

"Kamusta yung mga kabayo dun?" pagbibirong sabi ko sa kanya. Wala lang gusto ko lang kamustahin mga ka-uri ko

"Tama ito, sa taglamig" nakatawang sagot ni Jaki sa akin

"Maganda, maganda suot mo" sabi ko sa kany with matching kindat. Ayun, kinilig na naman ang Ate mo

Napuno ng tawanan ang mga sandaling yun hanggang sa naglaro na nga kami ng Name It To Win It, magka-Team kami syempre, hanggang sa inaasar-asar ko na naman siya. Kaya feeling ko, unti na lang maiinis na ito sa akin. Syempre din, nanalo kami sa segment na yun. Lucky Charm ko kasi yang si Jaki. Galing kasi nito. Hahaha

"Joke lang, ito naman ee. Namiss kasi kita talaga" mahinang sabi ko

"Miss mo mukha mo. Namiss mo lang akong asarin ee" sagot niya

Natawa na lang ako at natapos ang segment na yun nang kami ang nanalo. Sabay kaming nagtungo sa DR ko at pinili nitong magpahinga saglit at nahiga siya sa sofa ko rito

"Gisingin mo ako pagbabalik na tayo sa stage" saad pa nito habang nakapikit

"Yes po, pahinga ka lang dyan. Maya na lang tayo ulit mag-usap" sagot ko ss kanya

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon