Still You

128 7 10
                                    

Jaki's PoV

Hindi nga sana ako papasok today pero naisip ko, anong gagawin ko sa condo kaya pumasok na lang din ako, tsaka pinilit ako ni Ate Neri

Habang naghihintay dito sa DR para sa paninimula ng show ay naalala ko na naman yung gabing huli kaming nag-usap ni Vice. It was the last time we talk, after nun wala na kaming communication sa isa't-isa kahit na parehas kami ng pinapasukang trabaho

Alam ng mga tao, nag-uusap pa rin kami ni Vice, sa harap ng TV, oo pero behind the camera, hindi. Hay
















"Ang sakit lang kasi Vice. Pucha! Minahal kita, Vice. Minahal kita ng sobra, hinintay kita. Ikaw, minahal mo ba ako?" sabi ko sa kanya with my cracking voice

"Of course!" mabilis na sagot niya sa akin

"Liar! Kung minahal at mahal mo talaga ako, hindi tayo aabot sa ganito. Tangina, paano mo ba nagawa sa akin ito? Ha?!" sabi ko sa kanya

"I'm just confused! Confuse ako sa sarili ko, sa nangyari, sa lahat, sa buhay ko!" sagot niya

"Really? Sana man lang sinabi mo sa akin yung totoo, tatanggapin ko naman eh, hindi naman ako magagalit. Nakakagalit lang kasi Vice, kasi sa iba ko pa nalaman" sambit ko at nagpunas ng luha ko

"I'm sorry" crack na sabi niya

"So kailan pa naging kayo? Kailan niyo pa ako niloloko? Ha? Walang hiya kayo" galit na sabi ko

"I'm really sorry, Jaki. Promise! Na-confuse lang talaga ako and I'm sorry kung hindi ko nasabi sa iyo, natakot ako eh" sagot niya sa akin

Ramdam ko naman na, noon pa, na hindi niya talaga ako mahal at minahal. Siguro, pumayag na lang siya na maging kami kasi ako lang ang may gusto nun at ang may gusto sa kanya. Ang sakit sakit lang kasi

Ngayon, ramdam ko na rin na wala ng patutunguhan itong pag-uusap na ito kaya hindi na ako sumagot sa sinabi niya at tinalikuran siya. Pero nakaka-ilang hakbang palang ako ay tinawag niya ang pangalan ko at hinawakan ako sa braso para pigilan ako kaya pareho kaming napatigil

"Bitawan mo ako Vice, dahil tapos na tayo!" matigas na sambit ko sa kanya at dahan-dahan naman niyang binitawan ang braso ko kaya nagpatuloy na ako sa mabagal kong paglalakad

"If that's what you want, I'll understand but don't ever forget this.. I love you and I'll wait for you even if it took too long" rinig ko pang sabi niya

Mas lalo akong naiyak nung marinig ko sa kanya yun. Kaya para akong tanga na naglalakad habang nagpupunas ng luha




















"Hoy, ano na 'Te girl? Pasko na hindi ka pa tumatayo dyan. Halika na, dalian mo, kanina pa nagsisimula ang pagkanta ng Theme song kaya dalian mo, habol ka na" medyo naiinis na sabi sa akin ni Ate Neri

Nagpeace sign lang ako sa kanya pero hindi na niya ako pinansin. Lagot tayo nito. Hahaha at madali na lang akong nagtungo sa stage. Binati at marahan pa akong tinawanan nung nasasalubong kong mga crew at staffs dito sa ST

Nagulat pa ang ibang hosts sa pagdating ko at tinawanan nila ako pero nagpeace sign na lang ako sa kanila at saktong line na ni Ate Anne at sa akin naka-assign yun para kantahin

Kaya after ng pagkanta namin sa Theme Song ay ako na naman ang pulutan today, bukod sa damit ko at yung nangyaring nahuli ako today. Hahaha

After nun ay FUNishment na ng Team Vice kasi natalo sila sa Name It To Win It

Habang nakatingin lang sa Team Vice habang pinaparusahan ay nagsalita si Ate Neri

"Awa ka dzai? Titig na titig ah" sabi nito sa akin

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें