Single No More

122 9 2
                                    



Jaki's PoV

Reminiscing the moment nung una naming magkita ni Vice, dito yun sa Balesin. It was a year ago at natutuwa ako sa t'wing sumasagi sa isip ko ang moment na yun





•••  FLASHBACK  •••


Gustong-gusto kong magpunta sa Balesin noon at ngayon, natupad na ang dream ko kaya kahit mag-isa ako, walang makakapigil kapag gusto ko. Hahaha

Hindi naman sa bitter ako ano, pero respeto naman sa mga single oh, oo na, kayo na may jowa. Hahaha pero akala ko, lahat ng nakita ko, may jowa pwera lang dito sa Kuya na katapat ko sa bench. Nandito kasi ako sa mini camp ng Balesin, pero mali ata na pumunta ako dito

"Respeto sa mga single oh" sabi ni Kuya

Luh! Single siya? Hindi halata ah. Hahaha

Nagkatinginan na lang kami nang makita naming nagkiss ang katabi naming couple at bahagya pa kaming natawa

"Grabe sila, hindi na nirespeto ang mga single" mahina niyang sabi, sapat na yun para marinig ko

"Oo nga, get a room please" sagot ko sa kanya kahit na hindi ko siya kilala o whatever, medyo feeling close kasi si Kuya, ay ahahaha! Pero parang may maliit na bagay talagang nagko-connect sa aming dalawa

"Respect single, mahirap bang intindihin yun? Hahaha" sabi pa niya

"Yaan mo na lang" sabi ko naman

"Hindi man lang ako na-inform na ganito na pala sa Balesin, edi sana sa Boracay na lang ako nagpunta" sambit niya

Mareklamo ang Kuya. Hahaha at parang ako, hindi. Hahaha

"Hay naku, yaan mo na lang. Tsaka hindi mo din naman malalaman na ganito kung wala ka dito diba, paano kung ganito din sa Bora, oh" tugon ko

"Sabagay" sabi naman niya


•••  End of 1st Flashback  •••




At naalala ko rin yung moment, sa Balesin pa rin at same day. Yung moment na ayaw akong papasukin sa isang cafe dahil mag-isa ko lang. Hindi talaga ako na-inform na ganun pala dati sa Balesin, Pilipinas mismo ah. Grabe, hahaha





•••  2nd FLASHBACK  •••


"Ay Ma'am, pasensya na po talaga, bawal po ang isa lang eh. Dapat dalawa" sabi ni Kuyang guard at sumenyas pa na dalawa

"Kuya, grabe ka naman, wala nga akong kasama, mag-isa lang akong nagpunta dito sa Balesin, sige na Kuya" sagot ko

"Ma'am hindi talaga pwede" saad niya

"Ambot sa iyo Kuya. Ang damot mo—" sabi ko pa at naputol ang susunod kong sasabihin dahil may narinig akong nagsalita at napalingon naman ako sa likuran ko kung saan galing ang boses, si Kuya lang pala yung Kuyang feeling close, ay ✌

"Kuya ako! Kuyang guard kasama niya po ako" sabi niya at agad naman kaming pinapasok ni Kuya sa cafe at sabay kaming umorder at sabay din kaming naghanap ng pwesto at nang makahanap kami ay agad akong umupo at nagsalita

"Itigil na dapat ang discrimination sa mga single" sambit ko

"Single ka? Single ka din?" bigla niyang tanong, muntik ko pang mabuga yung iced coffee ko

"Luh siya, siguro papa-pasukin naman ako kung may kasama ako diba" sagot ko

"Ay sorry na, hindi halata sa iyo na single ka" sambit niya

"So it's a tie pala, akala ko din kanina may jowa ka, parehas lang pala tayo" saad ko at ngumiti lang naman siya

"Ah Vice nga pala" pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya

"Jackie" sabi ko sabay hawak din sa kamay niya

After nun ay nagka-jive talaga kaming dalawa, ayun ang daming napagkwentuhan, kung bakit single. Hahaha

Hanggang sa pauwi from Balesin ay nakasabay ko si Vice. Ilang araw din ako sa Balesin, ibang lugar naman. Charr hahaha

"Sana makita ulit kita sa ibang tourist spot dito sa Pilipinas" sabi niya sa akin nung nasa airport kami

"Walang imposible, magtiwala ka lang" sabi ko naman sa kanya saka ako pumasok sa loob ng eroplano, mas nauna kasi ang flight ko kesa sa kanya




•••  End of 2nd Flashback  •••















Sobrang saya lang balikan ang mga moments namin noon, yung tipong pag nagkasama talaga kaming dalawa, hindi mo na kami mapaghihiwalay

"Ano yang ngini-ngiti-ngiti mo dyan?" tanong sa akin ni Vice

"Wala, naalala ko lang yung una tayong nagkita dito sa Balesin" sagot ko sa kanya

"Hmm, na-starstruck ka ba sa akin nun?" pagtanong niyang muli

"Oo, kasi ang gwapo-gwapo mo tapos single ka pala that time" sagot ko sa kanya, honest lang ako. Hahaha

"Grabe siya. Ikaw nga eh, nagulat din ako nun, na single ka pala" sabi niya

Natawa na lang din ako nung muli ko na namang maisip yun. Hahaha kaka-miss, pero nandito kaming muli sa Balesin, not single anymore, at least bumalik kami dito, kami na! Hahaha

Yumakap naman siya sa akin mula sa likuran at pareho naming pinagmasdan ang kabuuan at kagandahan ng dagat at ang palubog na araw

"Ang galing ano, dito tayo nagkita tapos nandito ulit tayo pero as a couple na" sabi niya pa sa akin at hinalikan ako sa uluhan

"Oo nga, kaka-amaze" sabi ko at umikot para harapin siya. Hinawakan ko naman ang dalawa niyang kamay at tumitig sa kanya

"Buti na lang at nagpunta ako sa Balesin nung time na yun at nakita, nakilala kita dito dahil kung hindi, malamang, ang lungkot-lungkot pa rin ng buhay ko and I'm not experiencing this again. You made me special, Vice" sabi ko sa kanya

"Pere keng shere!" pambiro niyang sabi at napabitaw naman ako sa pagkakahawak ko sa kamay niya at nahampas siya

"Seryoso ako tapos ganyan ka, umayos ka" sabi ko sa kanya

"Joke lang, oh ito na, aayos na. Buti na lang din at hindi ako ssa Boracay nagtungo nun, dahil kung hindi, hindi kita makilala at hindi ka makakasama dito. Thank you for the chance you gave and I promise, I'll always made you, extra special" sabi niya at napangiti naman ako

"I Love You!" sabay naming sabi at hinalikan niya ako sa noo and then he kissed me passionately

After ng moment na yun ay nagtake kami ng maraming photos sa phone niya pati na rin sa phone ko

Dito sa Balesin, dito lang pala matatapos ang pagiging single ko, wow. Hahaha! Dito lang pala sa Balesin, dito ko lang pala matatagpuan yung totoong magmamahal sa akin. Wiiee! Happy yan eh



























Sana ol. Hahahaha tara na nga sa Balesin. Charr

Author's Note:


Eyy! What's sup mga moots? Published ko lang ito, wala naman akong ginagawa. Hahaha naol

This is pure imagination mga moots ah. This is only for 'pakilig' purposes only. Huwag masyadong ano. Hahaha

Free to vote and comment mga moots kung anuman po ang reactions, suggestions niyo. Stay safe and always PRAY mga moots

See ya on next update ☺

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon