Photography's Feeling

89 8 0
                                    

Vice's PoV

It's been a year simula nang makahiligan ko ang pagpo-photograph. Naging hobby ko lang siya nung una hanggang sa nakahiligan ko talaga at dun na nagstart ang photographing career ko.
Ang kinaibahan ko lang sa field na ito, hindi ako kumukuha ng photos ng mga persons, basta person inclined hindi ko kinukuhanan. I've my reasons kung bakit, basta! Pero may kumukuha naman sa akin na ilang customers at yung photos na kinuhanan ko ay nilalagay nila sa books, magazine at binabayaran naman nila ako dun at credits for me

"Vice!" pagtawag sa akin ni Jaki, kasama ko sa pagpo-photograph

Nameet ko siya nung minsang umattend ako ng seminar about photography and then yun, dun nagstart ang aming friendship. Sumasama ako sa kanya kapag may kinukuha siyang photographer sa iaang party, tapos ako yung place lang ang kinukuhanan ko ng photo

Dun na rin nagsimula na mahulog ang loob ko sa kanya. Hindi niya alam na may gusto ako sa kanya, hindi ko pa maamin eh

"Bakit? Saan ang punta mo?" tanong ko sa kanya

"Samahan mo naman ako sa Balesin" sabi niya habang inaayos ang bitbit sa cam niya

"Ano namang gagawin natin dun? Magbe-beach?" tanong ko sa kanya at nakatos naman niya ako

"Ouch! Ang sakit nun ah" indang sabi ko

"Oh sorry, ikaw kasi eh, pilosopo mo. May party akong pupuntahan at dun gaganapin. Samahan mo ako, please" sabi niya with matching puppy eyes

Hindi naman ako maka-hindi sa kanya, syempre. I can't say no with her charm

"Oo na, oo na. Ngayong oras na ba?" sabi ko

"Actually, mamayang 2 PM pa, syempre magba-byahe pa tayo" sagot niya

"Okay, let's go" sabi ko sa kanya at nagtungo kami sa airport. May ticket na pala siya actually at nabilhan niya na rin ako, ready talaga

Nung nasa airport na kami ay yun na rin yung time ng flight namin, sabi ni Jako, sa Balesin na lang daw kami magla-lunch

Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa Balesin at sobrang daming tao

"Oh saan daw ang venue nila? Sa beach o villa?" tanong ko kay Jaki habang naglalakad kami sa isang hallway papuntang dagat

"Villa daw eh, pero mamaya pa naman. Maglunch muna tayo, treat ko ito kaya don't worry" sagot sa akin ni Jaki at hinila ako at naglakad kami pabalik

May mga resto kasi dito sa Balesin kaya lang, sa dami ng tao, wala pa kaming nakikitang pwesto kung saan pwedeng kumain

"Ayun, ayun may pwesto na tin tayo, finally" sabi ni Jaki at hila-hila pa rin ako

At saktong unti ang tao dito ay madaling naka-order ng pagkain si Jaki at after naming kumain ay naglakad-lakad kami habang ako ay kumukuha ng mga photos

"Bakit kasi hindi ka kumukuha ng photos ng mga tao?" pagtanong muli sa akin ni Jaki

Natanong niya na kasi ito sa akin before, ayan na naman siya

"Wala lang, ayoko lang. Saka na ako kukuha ng photo ng tao kapag naramdaman ko na yung excitement or right feeling sa tao na kukuhanan ko" sabi ko at tinutok ko sa kanya yung camera ko

Gusto ko na sanang i-click kaya lang pinipigilan ko lang ang sarili ko, saka na talaga. At binaling sa iba ang camera

"Tss, dami mong alam Vice" sabi nito

"Nagtanong ka, sinagot ko lang" sabi ko naman

Nagmake-face lamg naman siya sa akin at napangiti naman ako at ilang sandali pa ay tumawag na sa kanya yung kumuha sa kanya as photographer kaya naman nagpunta na kami sa venue

Pagdating namin sa venue ay namangha ako, hindi ko alam na may ganito pala sa Balesin, hahaha. At bisita nila ay limited lang base sa nakikita ko

"Oh dyan ka muna, bantayan mo itong gamit ko" biling sabi sa akin ni Jaki at tumango naman ako sa kanya saka siya pumwesto dun sa isang place para kumuha ng mga photos

Hindi ko namang maiwasang mapangiti dahil sa ginagawa niya kaya naman niready ko din ang camera ko at kinuhanan din siya ng mga stolen photos

Ilang sandali pa ay natapos na ang party kaya nagtungo ako sa isang place at saktong may bench dito kaya naupo ako habang hinihintay si Jaki. Inabot niya pa kasi ang printed pictures dun sa nagparty eh

"Vice, nandito ka lang pala" rinig kong sabi niya at umayos naman ako

"Okay na? So ano?" tanong ko sa kanya

"Okay na po. Anong ano? Akin na yang gamit ko" sabi naman niya

"Hindi na, ako na ang magdadala nito" sagot ko naman

"Okay, ako na lang maghawak ng camera mo" sabi naman niya at inabot ko naman ito sa kanya

We decided na mamaya na umuwi at ito kami, mabagal na naglalakad sa isang hallway papuntang dagat, manood muna kaming sunset daw sabi niya, at saktong may mga bench dito at dun kami naupo. Bumili rin kami ng pagkain, oh diba, ang taray ng Ate niyo

Saglit pa kaming natahimik bago nagsalita si Jaki

"Oh? May photo ako dito sa cam mo?" tanong niya sa akin

Saglit pa akong natahimik at ganun din si Jaki at nabalot na nga ng katahimikan ang sandaling yun. Mukhang naalala niya yung sinabi ko sa kanya na kukuha lang ako ng photo ng tao kapag nalaman ko na sa sarili ko yung interest and love

"Vice, naalala ko lang yung sinabi mo about sa pagcapture ng photo ng isang tao" sabi niya sa akin

At natahimik lang naman ako sa sinabi niya

"You haven't interested capturing people diba, pero bakit may photo ako dito?" tanong niya sa akin

"Tama ka, I'm not interested kasi wala yung interest ko dun at hindi ko pa nararamdaman yung right feeling, pero kanina, naramdaman ko na yung feeling na yun kaya I captured a photo of you" sagot ko

At napatingin naman sa akin si Jaki saka ngumiti

"I'm interested at that person na kasi, kaya I captured a photo of you. Gusto kasi kita, Jaki" sabi ko sa kanya at pag-amin ko sa kanya

Hindi naman siya nagulat sa sinabi ko at ngumiti lang naman siya sa akin

"Gusto kita Jaki —" sabi ko sa kanya pero hindi na natuloy because she cutted me off with a kiss

"Dami mong sinabi, enough na, na malaman kong gusto mo ako. Gusto din kasi kita Vice" nakangiting sabi niya and then she hugged me, tumugon naman ako sa yakap na yun

Witness ang paglubog ng araw at ang Balesin sa ganap na ito. Finally, nasabi ko na rin sa kanya yung matagal ko ng gustong sabihin sa kanya

















Kaya ikaw, umamin ka na rin. Charr!

Author's Note:

Eyy! What's sup mga moots? Sorry for my delayed update. Medyo busy lang talaga. Hahaha

Free to vote and comment mga kaps. Stay safe and always PRAY po

See ya one next update ☺♥

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon