The Epitome of Talk & Kiss

134 10 0
                                    

Jaki's PoV

"Ako yung nauna, pero siya ang wakas"

Rinig kong tugtog mula saan. Kakainis din eh, malungkot na nga yung tao, tutugtog pa yun. Bakit kasi Ms. Moira, naisip mo pa yung kanta na yun eh. Aish!

"Sana okay lang din yung nagpapatugtog" sabi ko kahit wala akong kausap at lumabas ako ng DR at nagtungo sa malapit na cafe dito

"Jaki" pagtawag sa akin ng isang pamilyar na tao, sa boses palang, kilala ko na

Si Vice... at kasama niya si Ion. Mali ata na nagpunta ako dito, nawalan na ako ng gana

"Anong ginagawa mo rito?" pagtanong niya sa akin

Halla! Sila lang ba may karapatang pumunta dito? Na-late ang dating sa akin ng balita na kanila pala ito. Haha

"Bibili, hindi lang naman kayo ang may karapatang magpunta dito, diba?" sagot ko

"Halla siya, parang tinatanong ka lang. Galet ka na n'yan?" sambit niya

"Ewan ko sa iyo" sabi ko naman saka umorder ng iced coffee

Hindi ko na sila pinansin, kahit na tinatawag pa ako ni Vice at mabilis akong bumalik sa studio at nagtungong muli sa DR namin nila Ate Neri, saktong nandito siya

"Oh saan ka galing?" tanong nito

"Ah dun sa cafe, oh, binilhan din kita" sabi ko naman at inabot ang iced coffee niya

"Thank you Bebe. Pero teka, anyare dyan sa mata mo? Umiyak ka na naman ba?" sabi nito

"Aish, wala, nasobrahan lang ako sa tulog" sagot ko

"Hmm, kilala kita. Anyare nga? Kwento mo na, tungkol na naman kay ano, kaya ka umiyak. Hay, sabagay nga naman, mas bagay kayo pero bakit hindi ikaw yung pinili niya. Huwag mo na ngang isipin yan" sabi ni Ate Neri

Tumango lang naman ako sa kanya at niyakap siya at after nun ay tinawag na kami ng isang staff dahil magsstart na ang show

Mabilis naming inubos yung iniinom namin at sumunod dun sa staff at nagtungong stage. Pansin ko namang magkalayo si Vice at Ion, na parang akala mo, hindi ko nakita sa cafe kanina. Ano naman ito? Baka may something?

After ng pagkanta namin ng Theme songa ay pagbasa naman ng spiels at after ni Ion, ay ako na ang babasa

"Present din sa kulitan kasama ng ating mga ka-batch na bagets sa Showtime Online Ü" pagbasa ko dito

"Yes!"rinig kong sabi pa ni Vice

Hindi ko yun pinansin at ngumiti lang

"Ang kinis-kinis naman nitong batang ito" sabi nito sa akin

"Ang puti, ano" sabi naman ni Ate Karylle

"Taray, mukhang nagpa-foot spa ng balikat" pambirong sabi niya

Ay wow! Grabe! Hahaha

"Ang ganda ni Jaki" sabi na naman ni Ate Karylle

"Foot spa ng balikat" sabi ni Vice at natawa na lang din ang mg kasama namin

At nagpatuloy ang biruang yun at napunta sa damit. Kainis talaga itong si Vice

"Ayan, masama tuloy loob ni Jaki" pambibirong sabi na naman ni Vice

Ano? Hindi naman eh. Hahaha. Fake news. Hahaha

"Why?" tanong nila Ate Karylle

"Bakit?" sabi naman ni Kuya Vhong

"Yan daw kasi isusuot niya ngayon, inagaw mo na naman" sabi ni Vice kay Ate Kim at natawa na lang din kami

"Cute na cute si Jaki" sambit ni Ate Karylle

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon