ViceJack @Balesin

139 10 0
                                    

Jaki's PoV

After ng It's Showtime ay agad kaming umuwi ni Vice para mag-ayos ng gamit at makapagpalit na rin. Nagyaya kasi itong si Vice at ang Team Vice na magpunta ng Balesin Island.Actually kahapon nagpunta na kami dun, bumalik kami dito sa Manila para sa It's Showtime

Kahit na malakas ang ulan dahil sa bagyo, ay tuloy pa rin. Hahaha walang makakapigil

We're own our way patungo dun at syempre, drive safely si Manong dahil sobrang basa ang kalsada dahil nga sa ulan at ito, katabi ko ngayon si Vice at sobrang naka-kapit ako sa kanya

"Takot na takot? Akala ko ba, you love rains?" pambibirong tanong nito

"I love rains, pero yung hindi ganito kabigat. Grabe ka! Yung sakto lang" sagot ko naman

"Huwag ka matakot, dito naman me!" sabi niya and then he hugged me so tight at yumakap naman ako sa kanya. Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa uluhan ko

Bahagyang huminto ang ulan at agad kaming lumipat sa isang plane papuntang Balesin. First time kong pumunta dun ah, kahapon was my first day at sobra akong na-amaze sa lugar

Magkatabi kami ni Vice, syempre at tinutok sa amin ang phone niya IG story pa Vice. Hahaha

"Saan tayo pupunta Baby?" tanong niya

"Sa.. Hahaha, saan nga ba?" nakatinging tanong ko sa kanya

"Dyan lang kami pupunta, madlang people. Ipapa-anod ko lang po si Jaki--Aray!" sabi niya at nakurot ko naman siya sa tagiliran

"Ipa-anod ka dyan. Sira, matagal na akong inanod, kaya nga ako napunta sa iyo eh" sambit ko

Halla! Kinilig ang bakla. Hahaha nahalikan tuloy ako sa pisngi

"Pakilig siya ano, mga Madlang people? Kaya love ko ito eh" sabi niya

Napangiti na lang ako saka niya in-upload yun as his IG story, sabog na naman notif namin nito. Hahaha!

Ilang saglit pa ay muli kaming nakarating ng safe here in Balesin at hindi ganun kalakas ang hangin at agad naman kaming nagtungo sa isang Villa para ayusin ang gamit namin

"Magandang gabi po Sir Vice at Ma'am Jaki. Thank God at safe po kayong nakabalik dito" sabi ng isang staff ng villa

"Magandang gabi din. Nag-ingat naman po kami. Thank you po" sabi naman ni Vice

Ilang sandali pa ay kumain na kami ng dinner at after nun ay lumabas kami ng villa ni Vice at sumakay ng golf car. Parang kahapon lang, nagpool kami kahit mahangin kahapon

"Baby ngiting-ngiti, bakit?" sabi ni Vice

"Wala lang, it was my first time kasi dito yesterday. Thanj you for bringing me here" sabi ko and then I kissed him on his cheeks at niyakap siya

"Sweet sweet naman" sabi niya saka niya pina-andar ang golf car

Pansin ko lang lately, ang clingy at ang possessive niya lalo na kahapong nagpool kami. Pinagpalit niya kasi ako ng suot. Haha! Pero mas clingy ako sa kanya lalo ngayon. Nilabas ko naman ang phone ko at binalak na mag-IG story

"Tahimik yung driver ko. Siguro lugi sa pasada" pambibirong sabi ko sa kanya habang nakatapat sa amin ang phone ko

"Wala pang boundary" sambit niya

"Wala pang boundary kasi buong isang araw, ako lang ang sakay niya. Well, subukan niyang magsakay ng iba, masusunog itong sasakyan" sambit ko, natawa lang naman siya

"Hindi talaga ako magsasakay takot ko lang sa iyo, baka hindi mo ako patabihin mamaya" sambit niya at nahampas ko naman siya

"Pilyo ka talaga" sambit ko

Natawa lang naman siya at ilang sandali pa ay inend ko na ang pag-IG story saka kami bumaba ng golf car at naglakad kami ni Vice papuntang dagat kasama ang Team Vice

Dati talaga, takot talaga ako sa dagat but then, nung nakasama ko si Vice, naalis yung takot na yun

"Malamig ba? Suot mo muna ito oh" sambit ni Vice saka sinuot sa akin ang jacket niyang suot. Medyo malakas kasi ang hangin

"Paano ka? Lalamigin ka" saad ko

"Okay lang ako Baby, hmm!" nakangiting sagot niya at niyakap niya ako mula sa likod, parehas lang naming tinitigan ang kabuuan ng dagat

Ilang sandali pa ay bumalik na kami sa villa dahil sinabihan kami ng isang staff, buting nakabalik kami agad dahil kung hindi, naabutan kami ng malakas na ulan at hangin. Mas lumakas pa ito kaya pinalipat kami sa kabilang villa

"Baby nasira na siya oh" sabi ko dun sa part na nasira dun sa villa

"Oo nga, buti nakalipat tayo dito agad. Okay ka lang?" alalang sabi ni Vice

Tumango lang naman ako sa kanya saka kami naupo sa sofa at kasabay nun pagkawala ng kuryente, nagulat pa ako at agad na hinanap si Vice

"Baby, saan ka?" pagtanong ko pa at bigla na lang niyang tinutok sa akin ang flashlight

"Dito lang ako" sagot niya at niyakap ko naman siya at sabay kaming nagpray na maging ligtas kami dito at ganun din ang mga mamamayan sa ibang lugar









•••









Nung umaga ay humina na ang ulan pero may hangin pa rin, kita dito mula sa villa na malaki talaga ang alon. Buti naka-save kami ng battery ng phone kaya nakapag-update pa si Vice

Tinawag naman kami nung isang staff for our breakfast at medyo humina na ang hangin kaya naman nag-impake na ako ng gamit namin ni Vice

"Are you done? Akin na and let's go" sabi naman ni Vice, sumunod pala siya sa akin

Napagdesisyunan naman ng iba naming kasama na maiwan dito, pinagbilinan naman namin sila na mag-ingat dito at ganun din ang mga staffs dito. Balik na lang kami ulit ni Vice dito sa weekends and then we leave the Balesin Island

Safe naman kaming nakauwi dito sa Manila at medyo nalungkot ako sa nangyari sa ibang mamamayan na nabalitaan namin ni Vice na nalubog sa baha

"Naisip ko na ito, later after ng show, magpack tayo for donations,okay. Don't worry na" sabi ni Vice and then he hugged me











Yun nga ang nangyari, pagkauwi namin ni Vice sa new house ay nagpack na kami para sa ido-donate na mga pagkain para sa mga residence. Dinala namin ito sa Sagip Kapamilya, naabutan din namin ang ibang celebrity stars na tumulong din at after nun ay umuwi na kami ni Vice

"Oo basta, ingat kayo dyan" sabi ni Vice, kausap niya yung other half ng Team Vice

"Ingat po kayo dyan" sabi ko

"Kayo din dyan, Meme at Ate Girl" sabi nila and then they end the called

After nun ay kumain muna kami ng dinner saka nagpahinga lalo itong si Bakla, pagod. Hahaha








Author's Note:

Eyy! What's sup mga moots? Ayos lang ba kayo? I pray that you're safe!

Wala akong makuhang idea para sa part na ito, at dahil nagandahan ako personally sa Balesin Island, ito na lang. If ever na may VI sib na nakakabasa nito, sorry po ah pero this was made by the author's imagination, no copyright infringement, promise! Any similarities to actual sequel was didn't by the author and its purely coincidental

Free to vote and comment mga moots. Stay safe and always PRAY mga moots. See ya on next update

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Onde histórias criam vida. Descubra agora