From Take To A Date

102 10 2
                                    

Jaki's PoV

"Pangako, uliting saktan ka pa niya, hindi ako magda-dalawang-isip na kunin ka sa kanya. Promise! Last mo na ito, last mo ng iiyak sa kanya at hindi ako papayag na maulit pa yun"

"Hmm, wiiee, talaga?"

"Oo, kilala mo ako Jaki, I keep my words. Basta!"

Naalala ko na naman yung mga sinabi at promises niya sa akin nun. He witnesses my heartbreaks kasi, with the same person. Though hindi lang naman siya nakakita nun, pero siya lang kasi yung laging nagbibigay ng advice sa akin, na minsan nananawa na rin siya at ganun din ako

Pero this time, muli niyang na-witness ang pag-iyak ko, parang last week ata at sabi niya, last ko na nga daw talaga ito. Ahaha

Paglabas ko ng DR namin ni Ate Neri ay nakita ko yung taong sobrang nanakit sa akin ng ilang beses. Shunga rin kasi ako, pumayag akong saktan niya ako, o loko!

"Jaki mag-usap naman tayo" bungad na sabi nito

"Para saan pa ang pag-uusapan natin, di pa ba malinaw sa iyo? Kasi sa akin, malinaw na malinaw na. Diba sinabi ko sa iyo na hindi na maayos ito at tapos na tayo" sagot ko

"Jaki, pakinggan mo muna ako, please" sabi nito

"Ayaw ko! Umalis ka na, wala na tayong pag-uusapan" sagot ko pero pinigilan niya ako, akala ko siya lang ang pumigil sa akin pero dalawa pala sila

"Vice" bulong ko sa sarili ko

"Bitawan mo siya! Hindi mo ba siya naiintindihan? Mahirap bang intindihin na ayaw niya" sabi ni Vice

Bumitaw naman sa akin si Tom at lumapit naman ako kay Vice at pareho naming sinaksihan ang paglisan ni Tom

"Last mo na nga talaga, yung pag-iyak mo last week. You did a great job, Jaki" sabi ni Vice sa akin

"Hmm, thank you" maikling sagot ko

"Oh, paano ba yan, tama yung sinabi ko sa iyo last time diba" sabi nito

Natigilan naman ako at muling naisip yung sinabi niya sa akin, last time

"Diba sabi ko sa iyo, I'll keep you" saad niya

"Oh?!" sagot ko

"I'll keep you, literal, ibubulsa kita. Hahaha, joke lang. Pero totoo yung sinabi ko na yun" sambit naman niya

"Hmm, oo na. Pumapayag na ako" sagot ko sa sinabi niya

"Talaga? Ikaw ah, pamigay ka din eh" pambirong sabi niya sa akin

"Kung ikaw lang din ang pagbibigyan, bakit hindi, akala mo dyan ah" sagot ko naman

Halla! Kinilig naman si Bakla. Hahaha! Sasagot pa sana siya kaya lang, nakita kami nung isang staff at pinapunta na kami sa stage. Lezzgoo, trabaho muna

After we sang the Theme song and read our spiels, it's Playtime. Hahaha! Name It To Win It na kasi ang next segment. Sobrang excited ko kasi for sure, pipiliin ako nitong si Vice. As what he said nga, lucky charm niya ako. Wow naman. Hahaha

"Ay bagong outfit mo, Jaki" sabi ni Kuya Vhong

La, Kuya Vhong, limot na agad? Hehehe napili na po ako ni Vice

"Oy nakuha ko na siya" sagot naman ni Vice

"Taken na" rinig kong sabi ni Ate Karylle

"Ha?" takang tanong pa ni Kuya Vhong

"Sa atin si Ryan" sambit naman ni Kuya Jugs

"Wala na Kuya Vhong" sabi ko naman

"Oo. Pero sandali, sabi mo Vice nakuha mo na si Jaki, saan mo siya nakuha? Dito sa game o may iba pa?" saad ni Kuya Vhong

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now