I Can Love You

117 10 6
                                    


Vice's PoV

"Oh Meme, okay na. Pogi, pogi naman yan" sabi ni Buern

"Ayos ba? Thank you Buern" sabi ko naman

"Your welcome Meme" sabi nito

At ilang sandali pa ay tinawag na ako ng isang staff dahil magsstart na ang show

Pagkalabas ko ng DR ay saktong nakita ko siya. Lalapitan ko pa sana siya kaya lang umalis na siya. Halata sa kanya na malungkot siya. Lagi na lang, sa tuwing nakikita ko siya, wala na akong ibang nakita sa kanya kundi kalungkutan pero when she's with me, at pag nag-uusap kami, parang wala siyang pinagdadaanan

Pagtungo ko sa stage ay siyang pagkanta at pagbasa namin ng spiels. Sumenyas pa ako sa kanya at tinanonh kung okay lang siya, okay lang naman daw siya kahit hindi naman

Binibiro ko lang siya para malaman niya na nandito ako, kami para mapasaya siya, yun ang way ko para pasayahin siya

"Oh tignan niyo yung outfitan ni Jaki" sabi ko

"Ganda" sabi naman ng mga kasama namin

Lahat naman kasi ng damit na sinusuot niya, bagay sa kanya. Ang galing magdala yan eh

"Si Jaki parang yung may anak na in-enroll sa mamahaling Pre-School" pambibirong sabi ko sa kanya at ngumiti lang naman siya

"Tapos?" pagtanong ni Jhong

"Tapos nakapang-asawa ng mayaman" pagtuloy na sabi ko

At natawa na lang din si Jaki pati ang mga kasama namin. Hahaha joke lang naman, para happy lang

"Pero hindi siya mahal" sabi ko

"Ay! Ay! Hahaha" sabi naman ni Jhong
"Grabe" sabi naman ni Vhong

"Joke lang. Joke lang Jaki. Pero kahit hindi ka niya mahal, nandito lang kami, nandito ako" sabi ko naman

"Naks naman! Pero tama si Vice, Jaki" sabi pa ni Jhong

At after nun ay nagtungo na nga sa Name It To Win It at magpipilian na kung sino ang magkaka-Team

"Ako nanggigigil talaga sa iyo" sabi ko kay Vhong kasi natalo ako sa Bato-Bato Pick, rinig ko naman ang pagtawa ng mga kasama namin

"Oh sa akin si Kuys Jhong" pagpiling sabi ni Vhong

"Oh sige" sabi ko naman

"Oh sige" pag-ulit niya sa sinabi ko

"Tignan mo yung Team ko" may pride na sabi ko

"Sige" sambit ni Vhong

"I'm here, I'm here already" sabi ni Jugs. Minsan kasi, si Jugs ang una kong pinipili for my Team, pero this time, lagyan natin ng twist

"Jaki" pagpiling sabi ko at tinuro pa si Jaki

"Yey!" masayang sabi naman niya

"Oh Jugs" sambit naman ni Vhong

At sinunod ko naman si Ion at Karylle, at ang napunta kay Vhong ay si Teddy

"Nagalit tuloy si Jugs" rinig kong sabi ni Karylle

"Ate why?" pagtanong pa ni Jugs sa akin

"Nagalit si Jugs kasi hindi na siya first fic" sambit ni Karylle

"Alam mo, minsan sa buhay meron tayong desisyong kailangang gawin para lang may mapatunayan" makahulugang saad ko

"Ay, hugot" rinig kong sabi ni Kim

"Statement" sabi naman ni Karylle

"Ano ba yung gusto mong mapatunayan?" pagtanong sa akin ni Vhong

"Gusto kong mapatunayan, kahit wala ka, basta may Jaki mananalo" sabi ko. Lucky charm ko yan, kaya lang minsan, nakakalimutan ko

At nagpatuloy na nga ang segment na yun and guess what, we won. Sabi sa inyo, lucky charm ko yan eh, si Jaki




~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~



Naupo ako saglit nang matapos kong ayusin ang gamit ko at nagscroll lang sa Twitter, saktong nakita ko yung tweet ni Jaki at feeling kong kaka-break lang nila ng jowa niya

"Malungkot nga siya" sabi ko pa at mabilis na dinampot ang sling bag ko at sinara ang pinto ng DR ko at mabilis na hinanap si Jaki, at nagbabakasaling nandito pa siya

Saktong nakita kong nakabukas ang DR nila kaya agad akong lumapit dito at nakita siya, nag-aayos din ng mga gamit niya

"Jaki!" pagtawag ko sa kanya

"V-Vice? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin

Hindi ako sumagot sa kanya at lumapit lang sa dako niya at niyakap lang siya, ramdam ko naman ang pagyakap niya

"Hindi mo man aminin sa akin na hindi ka talaga okay, pero huwag mong kalimutan na nandito ako" sabi ko sa kanya at tinap-tap ang likod niya
"Ayaw ko kasing mag-alala ka kung sinabi ko man sa iyo" sagot niya

"Ngayon kaya, hindi ako nag-alala? Mas lalo akong hindi mapalagay na makita kang malungkot" sabi ko naman

"Sorry" sabi naman niya

"Huwag mo ngang sabihin yan, wala ka namang kasalanan" sabi ko at mas hinigpitan ang yakap niya at ilang sandali pa ay bumitaw na rin ako sa yakap na yun

"I can love you at your worst and I saw your worth" sabi ko sa kanya

"Ha? Ano?" nagtatakang tanong niya

"Diba, yun yung tweet mo? You hope na may magmahal sa iyo at your worst" sagot ko

"Ah! Wala lang yun, mema lang—" sambit niya at di ko na tinapos pa ang sasabihin because I cutted her off with a kiss pero bumitaw rin agad ako

"Bakit mo ginawa yun?" tanong niya

"Ah. Sorry! Sige, mauuna na ako" sabi ko sa kanya at naglakad palabas ng DR niya, pero hindi pa ako nakakalayo ay may sinabi siya

"Love you, Vice!" sabi niya kaya napatigil ako at nilingon siya. Lumakad naman siya palapit sa akin

"Sabi mo kasi, you can love me at my worst, sinagot ko lang" sambit niya

"Hmm, akala ko, arte-arte. Akala ko nagalit ka kasi kiniss kita" sabi ko naman

"Medyo! Pero pwede namang ulitin" sabi niya at mabilis akong hinalikan at namalayan ko na lang na tumutugon na pala ako sa halik na yun. Aminin ko, Jaki is a sweet and gentle kisser











Author's Note:

Eyy! What's sup mga moots? Kamusta po kayo? Update ako ulit. Hahaha

Kinikilig ako nung tina-type ko ito pero huwag po masyado, imagination ko lang po ito and any similarities to actual sequel was didn't mean by the author and its purely coincidental

Free to vote and comment po. Stay safe and always PRAY mga moots. See ya on next update po ☺

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن