Signing of What?!

166 4 0
                                    


Vice's PoV

Kararating namin ni Jaki ng studio saka kami dumiretso sa DR ko. Habang inaayos niya ang gamit namin, agaw-pansin naman ang outfit niya today. Ito na naman po tayo, binibiro ko lang naman siya sa mga outfit niya pero ang ganda-ganda niya, galing niya magdala ng outfit kaya. Hahaha

"Astig mo today" sabi ko sa kanya

"Bakit na naman?" tanong niya

"Yang outfit mo, astig" sagot ko saka niya sinuri ang sarili bago niya ako sinamaan ng tingin

"Nagsisimula ka na naman. Bahala ka dyan" saad niya sa akin

Sasagot pa sana ako kaya lang, tinawag na kami ng isang staff kaya naman sabay kaming nagtungo ng stage together with the other hosts

After ng pagkanta namin ng Theme song ay pagbasa naman ng spiels. Saktong si Jaki na ang magbabasa nito ay napatingin na naman ako sa kanya

"Jaki, my God Jaki ah" sabi ko pa

"Bakit?" pagtanong naman nito

"Alam naman naming HipHop ka pinararamdam mo pa sa outfit mo" saad ko at siya namang sama ng tingin sa akin

"Yeah! Yeah!" sabi pa ni Vhong at saktong pagtugtog ni MOD ng beat

"Yeah, Yeah! Jipjapdyurey, yeah!" sabi ko pa

"Yan ang totoong Jaki" singit na sabi ni Teddy

Natawa na lang din ako at ilang sandali pa ay binulungan ako ni Jhong
"Ayan na, may bulungang nagaganap na naman" sabi ni Jaki habang nakatingin siya sa dako namin

"Hindi, tinatanong lang ni Jhong kung saan mo daw kaya iniwan yung skateboard mo?" natatawang sabi ko

Natawa naman ako at ganun din ang mga kasama namin at kahit si Jaki pero ititigil ko na talaga, baka mamaya mainis na naman ito

"Ang ganda, mukha kang may jowa na fraternity" saad ko

"So member ka ng Frat brad?" pambibirong tanong naman ni Vhong

"Oh bakit ako?" pagtanong ko naman

"Eh jowa ka ni Jaki eh. Jaki, sige na, gantihan mo na ito, ako ang bahala" sabi pa ni Vhong kay Jaki

"Bahala ka dyan Jaki" kunwaring naiinis ako

"Hayaan mo na siya Kuya Vhong, ako na lang gaganti dyan mamaya" sagot naman ni Jaki

"Pero ang ganda ah" sabi ko pa

"Ay!" sambit naman ni Jaki

"Break it down" sambit ko. Hahaha sabi ko ititigil ko na pero bakit ayaw? Hahaha

Pero itinigil ko na nga ito dahil magbabasa siya ng spiels at after nito ay nagpatugtog ng masayang music si MOD at habang sumasayaw-sayaw ako ay nakita ko ang sarili ko sa screen. Hahaha ito na ang ganti

"Pero oo nga noh, katerno ko nga yung stage eh, nakita ko sa screen" sambit ko

"Ang bilis ng karma" sabi ni Teddy. Hahaha

"Naging back to you Ma" singit na sabi ni Kim

"O loko, chumekerd ka. O loko sahig ka ngayon" pambara ko sa sarili ko

"Jaki, anong masasabi mo Jaki?" tanong ni Karylle kay Jaki

"Ayy!" sabi ni Jaki. Eto na, humanda ka na self. Hahaha

"Sige Jaki" pagbabantang sabi ko. Hahaha

"Vice sikat yan" saad niya referring sa suot ko

"Sikat bakit?" tanong ko sa kanya

"Yung may ginaganun na ano, na mga barya" pagsagot niya with action pa. Kaya natawa na lang ako at ganun din ang mga kasama ko

"Ah talaga Jaki?" tanong ko

"Hindi, sosyal yan, maganda. Yung tela pang-ibang bansa" sagot naman niya

"Dala ko pa man din yung kontrata mo today. Di kita papa-pirmahin" sabi ko pero biro lang naman

"Kontrata ng ano?" tanong ni Jhong

"Kontrata ng bahay namin Jhong. Kainis ito" natatawang sagot ko naman

"Loko ka, tinatanong ko lang. Ano nga kasi?" sabi nito

"Basta! Kontrata ng kasal, happy?" sagot ko

"Oyy! Eh bakit hindi mo siya papa-pirmahin? Jaki oh, di pa sigurado sa iyo" sabi naman ni Vhong

"Isa ka rin eh, o loko" sambit ko

"Yaan mo siya Kuya Vhong magpakasal siya mag-isa" singit na sagot naman ni Jaki saka nagmake-face sa akin

"Sira ka talaga Vhong. Oy Jaki, sigurado ako sa iyo noh, binibiro ka lang, di pwedeng ako lang. Hahaha, syempre papa-pirmahin kita, future kita tapos.. Hahaha" sagot ko habang nakatingin kay Jaki. Nakitan ko naman ang pagtango niya sa akin

"Excited ako dyan Ma" singit na sabi naman ni Kim

"Abangan niyo na lang po yun mga madlang people ang pag-iisang dibdib namin ni Future.. Future wife" sabi ko kay Jaki saka ko siya kinindatan. Kinilig naman ang Ate niyo

Halla! Kinilig din ako. Hahaha! At nagpatuloy na nga ang show at after nun ay umuwi na kami ni Jaki sa aming new house. Syempre, pinaghandaan ko itong bahay na ito noh, lalo na malapit na ang kasal.. Charr. Haha so excited

"Oy Baby, sorry na kanina ah. Binibiro lang naman kita. Lahat ng damit bagay sa iyo kaya sorry na" saad ko

"Oo na, kaya lang minsan, sumusobra ka, ayan tuloy na-back to you ka kanina" sabi nito, nakurot pa ako sa tagiliran

"Ouch! Kaya nga sorry na" sambit ko saka ko siya niyakap, yumakap naman siya pabalik

"Oo na po" sagot naman niya

After nun ay nagdinner kami at after nun ay nanonood kami nung Movie ni Kim, yung U-Turn at itong kasama ko, nagsiksik na sa akin, kulang na lang, pumasok siya sa loob ng damit ko

"Baby, naki-kiliti ako. Bakit hindi ka ba nanonood? Akala ko, gusto mo ito?" sambit ko

"Di ko naman alam na ganyan pala siya, na sobrang nakakatakot. Ikaw na lang manood" sagot nito

Pi-nause ko muna ang movie na yun saka ako humarap sa kanya and then I cupped her face

"Okay ka lang? Kung sobrang natatakot ka, di na lang ako manonood" sabi ko

Tumango lang naman siya sa akin pero niyakap ko siya. Hahaha matatakutin ang Ate niyo, ramdam ko ang pagbaba-taas ng balikat niya. Nakakatakot naman kasi talaga itong U-Turn Movie ni Kim. Hahaha grabe!












Author's Note:

Rawr! Eyy! What's sup mga moots? Kamusta kayo? Stay safe mga moots. Though I didn't watch any Horror Movies, hahaha nasingit ko lang yung U-Turn Movie ni Kim

Huwag masyadong kiligin ha. Hahaha charr lang, baka nga nabwiset ko pa kayo. Hahaha! Any similarities to actual sequel was didn't by the author and its purely coincidental

Free to vote and comment mga moots. Stay safe and PRAY mga moots. See ya on next update

#ViceJackLangAngHopia
#DitoLangMayForeverAngViceJack

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now