Meet Again

117 13 2
                                    

Jaki's PoV

Hindi ko alam kung bakit ako bumalik sa lugar na ito. Siguro may dahilan naman kung bakit ako ulit narito, nagpatangay ako papunta rito

Hindi ko alam kung anong taon yun nung nagpunta ako dito and then I meet someone. Yung tipong nagkasama kami nung gabing yun, naggala kami, pinuntahan ang masasayang lugar pero at the end of that day, hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung anong pangalan niya. Ganun din siya sa akin, hindi niya ako kilala at hindi alam ang pangalan ko.

Wala kaming contact sa isa't-isa pero kahit ganun, ang gaan niyang kasama and I think, he's the one

Nung natapos ang sandaling yun, may hiniling ako

"Okay, ganito po self. Kapag nagkita kami ulit nun, ni Kuya, promise, I'm destined with him"


Mga katagang binitiwan ko nung gabing yun. At muli akong nandito, hindi naman sa umaasa ako, gusto ko lang mag-unwind ngayon

Pero may sinabi din yung Kuya na yun eh, wait lang

"Sige, ganito. Magkita tayo ulit dito kapag naka-100 M Views ang music video na ito" sabi ni Kuya at pinakita ang isang music video ng isang kanta

That song was nice, pero mukhang wala gaanong tumatangkilik

"Call!" sagot ko


Naalala ko yun at agad na kinuha ang phone ko at pinunta ko sa Youtube ko at sinearch yun. Nagulat ako sa nakita ko at muntik ko pang mabitawan ang phone ko

"Omaygad! Naka 200 M na!" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin dun kaya naman agad kong binulsa ang phone ko at nag-isip ng kung ano

"Hindi na talaga miracle kapag magkita kami nun ngayon, destiny na talaga. Pero sure akong di yun magpapakita ngayon at hindi yun pupunta dito" pangusap ko sa sarili ko

Saglit pa akong naglibot at naglakad sa lugar na ito at naupo sa isang bench. Nakaka-ngalay din kasi. Hahaha, di naman ganun karami ang tao dito, minimal lang

After ng saglit na pahinga ay naglakad akong muli hanggang sa may nakita akong familiar na tao, yung taong tipong, ang tagal mong hinintay

"Wait, parang yun yung Kuya ah" pangungusap ko sa sarili ko

Saglit ko pa itong tinignan at ow-em, papalapit siya sa akin kaya tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad, pero nakaka-ilang hakbang palang ako ay may pumigil sa akin kaya napatingin ako kung sino ito

Halla, bakit ang gwapo niya? Kainis! Saglit pa kaming nagtitigan at ilang sandali ay umayos kami at binitawan na rin niya ang pagkakahawak sa akin

"Ah—Hi?!" nahihiyang sabi niya

"H-Hi" sagot ko naman. Nakakahiya naman ito

Nagtinginan lang kami at bahagyang natawa nang wala na kaming masabi sa isa't-isa

"Paano mo nalaman na magte-trend yung music video ng kanta na yun?" pagtanong ko sa kanya at nagstart na kaming maglakad

"Hmm, guess ko lang yun and see, nagkita ulit tayo" sagot niya

Hindi ito coincidence lang or miracle, the time and tadhana ang nagdala sa amin dito. Waaa!

"Ako kasi, hindi ko nalaman na trending na pala yung MV ng kanta, tsaka hindi rin ako magpupunta dito, talagang napadaan lang ako dito actually hanggang sa maisip ko yung sinabi mo" saad ko

"Oow! Baka naman naisip mo na nandito na ako kaya ka nagpunta dito" sambit niya

"Luh! Assuming ka dzai, hindi ah. Iniisip ko nga na hindi ka pupunta dito eh" sagot ko

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now