Drunk & Uncontrollable

163 14 4
                                    

Vice's PoV

"Baby sige na, payagan mo na ako, sila Ate Madc naman kasama ko eh" nagmamaka-awang sabi ni Jaki sa akin

Kanina pa siya nagpapaalam na aalis sila with her friends, ayaw sabihin kung saan eh kaya hindi ko pinapayagan

"Sabihin mo muna kung saan, mamaya anong mangyari sa inyo, tapos hindi ko kayo mapuntahan kasi hindi ko alam kung saang lugar. Sabihin mo muna kung saan, dali" sagot ko sa kanya

"Iieee, payagan mo muna ako" sagot niya agad sa akin

"Ay, walang aalis. Sasama na lang ako sa iyo pag ganyan, ayaw mong sabihin" sabi ko naman

"Kainis naman ito, ngayon na lang ulit hihiling, ayaw pumayag" naiinis na sabi niya

Hindi ko naman na siya pinansin at mas nagfocus na lang ako sa cellphone at nagtingin kunwari ng mga photos namin

"Parang dyan lang sa bar na pinuntahan natin nung nakaraan eh, tapos ayaw mo pang pumayag. Kasama ko naman sila Ate Madc eh" bulong niyang sabi, enough na para marinig ko

Bahagya kong hininto ang ginawa ko at marahang sinilip siya. Kanina pa yan nakabihis ah, excited masyado

"Palitan mo muna yang suot mo, mamaya sundan kita dun nang wala sa oras. Dali na" utos na sabi ko sa kanya at ginawa din naman niya

Nagpalit siya ng isang pink faded T-shirt at tokong with her sneakers. Ang porma talaga, kahit kailan

"Good, masunurin pala ang Baby na yan eh" sabi ko sa kanya matching tap-tap ng ulo niya

"Tss!" inis na sabi nito

"Ay, babawiin ko yang pagpayag ko" sabi ko sa kanya at agad naman siyang yumakap sa akin

"Joke lang Baby, ito naman. Joke lang yun, bait mo talaga. Promise, babawi ako sa iyo" sabi niya sa akin

"Hmm, oo na. Ihahatid ita dun ah para sure ako" sambit ko

"Yes po!" nakangiting sagot niya sa akin. At ilang sandali pa ay hinatid ko siya dun sa BW, yung bar na pinuntahan namin last time at saktong nandun na din sila Madc at ilan niya pang kaibigan

"Text me pag may nangyari o ano ah. Ingat kayo, huwag masyadong ano, lagot ka talaga sa akin" sabi ko sa kanya

"Yiiee, oo na, masunurin ako. Yes po! I'll text you, bye!" sabi niya and then she kiss me

"Ang ikli naman nung kiss" reklamong sabi ko

"Edi hindi na ako naka-alis" sabi naman niya

"Sige na nga, bye na" sabi ko sa kanya at kumaway sa kanya nang makababa na siya

"Oh Madc, kayo na ang bahala dyan ah, ingatan niyo yan, tatamaan din kayo sa akin. Hehe joke lang" bilin na sabi ko

"Ay promise po talaga Meme, iingatan po namin itong si Jaki" nakataas ang kamay na sabi ni Madc

Tumango lang naman ako sa kanila at nagpaalam na and then I drive back to way home

At pag-uwi ko ay nagtungo sa kitchen para kumain ng dinner, kasama ang Team Vice

"Oh Meme, saan ka galing?" tanong sa akin ni Buern

"Ah dun sa bar, hinatid si Jaki. Kasama naman niya ang mga friends niya, hinatid ko lang" sagot niya

"Okay, kain na tayo" sabi naman ni Erna

Pumwesto naman ako and then we started to eat our dinner









~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

2:28 AM











THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang