Sweetie Couple

156 8 1
                                    

Jaki's PoV

Nandito ako sa DR ni Vice nakatambay at hinihintay ang Team niya para sabihin kong ganun na muna yung hairstyle niya. Ang pogi pogi niya kasi. Wow! Hahaha Tutoy ko yan eh

"Baby ganyan na muna ang buhok mo ah. Bagay naman sa iyo" sabi ko sa kanya

"Hmm, baka mamaya pagsisihan mo" sagot niya

"Ha? Bakit ko naman pagsisisihan?" tanong ko

"Baka ito ang maging reason, syempre ganito ang hairstyle ko, oh baka mamaya maraming magkagusto sa akin oh" sambit niya

"Edi magkagusto lang sila" may pride na sabi ko

"Ano? Hahayaan mong may magkagusto sa aking iba?" tanong niya

"At least gusto lang, hindi ka naman mapapasa-kanila, unless kung magpapa-kuha sa kanila. Hindi ako papayag" sagot ko

Narinig ko naman ang paghagikgik niya dahil sa sinabi ko

"Ay tignan mo ito, talagang magpapa-agaw ka siguro noh" saad ko

"Hindi ah, natutuwa lang ako kasi may ganyan ka palang ugali" sabi niya

"Ah talaga! Hindi ako papayag, pero ganyan muna hairstyle mo, yaan mo silang magkagusto sa iyo, ako ang bahala" sabi ko sabay kindat sa kanya

Halla! Kinilig si Bakla. Hahaha kindat palang yun ah, pakasalan kita dyan eh. Hahaha

"Pakilig ka ah" saad niya

Ngumiti lang naman ako sa kanya at ilang sandali pa ay dumating na rin si Mama Buern

"Mama B, gusto ko yung hairstyle ni Vice nung Magpasikat, kaya yun ang hairstyle niya today, pwede ba yun Ma?" sabi ko

"Oo naman Ate Girl, ako ang bahala dyan kay Meme" sagot naman ni Mama B

Tumango lang naman ako at ilang sandali pa ay inaayusan na nga siya ni Mama B at nandito lang naman ako, nakaupo sa sofa niya rito

Habang inaayusan siya ay kinuhanan ko naman siya ng photo saka ko nilagay for my IG story, matching tagging him pa

Ilang sandali pa ay natapos na siyang ayusan at saktong pagtawag sa amin ng isang staff kaya agad naman kaming nagtungo sa stage

"Jackie girl, birthday girl" rinig kong sabi ni Kuya Jhong

Haha! Sayaw-sayaw pa. Hahaha

"Go Jaki, go Jaki" dagdag na sabi pa ni Vice

Talaga ba Vice?! Hahaha

"Gwapo oh" rinig kong sabi ni Kuya Jhong referring to Vice habang kumakanta kami ng Theme song

Oo nga, sobrang gwapo, tinignan ko siya sa screen. Awiiee! Hahaha

After ng kantahan ng Theme Song ay pagbasa naman ng spiels, at after nun ay commercial break

Habang commercial break ay nagpa-order na si Vice ng lunch namin for today, sabi ko ako na ang magbayad nun pero ayaw niya, di na ako umangal pa, mamaya mainis na naman siya. Hehehe

"Thank you ah" sambit ko

"Your welcome, basta ikaw. Tsaka itabi mo na muna yang pera mo, ako ng bahala" sabi niya saka siya kumindat sa akin

"Luh! Pakilig" sambit ko

"Luh! Kinilig" sabi naman niya saka siya tumawa

Kainis talaga ito! Hahaha, ilang sandali pa ay dumating na nga si Mama B bitbit ang pagkaing pina-order ni Vice

"Meme, di na ako sasabay sa inyo ah" saad ni Mama B

"Sira ka, sumabay ka na sa amin, samahan mo na kami" yayang sabi naman ni Vice

"Oo nga Mama B, hindi ka na iba sa amin. Lika na" singit na sabi ko pa

"Kunwari ka pa dyan, para kang ano" pang-aasar na sabi ni Vice

Lumapit na nga si Mama Buern sa pwesto namin at tumabi pa siya kay Vice

"Salamat Meme at Ate Girl" sambit ni Mama B

Tumango lang naman kami ni Vice sa kanya and then we started to eat at ilang sandali pa ay tinawag kaming muli ng isang staff at sabay kaming nagtungo ni Vice at nagtungo siya sa stage at ako naman ay sa audience's seat

At oras na para ipabasa kay Vice ang result card na ako ang nagdadala nito

"Medyo maluwag ata yung sandals niya kaya ganun siya maglakad" sabi ni Vice with matching action pa yun ah

"Ay! Alaga ka ba ng frat?" pambibirong sabi nito sa akin. Natawa pa sina Kuya Vhong at Kuya Jhong

"Nag-aalaga ng ano?" pag-ulit ni Kuya Vhong

"Alaga ng frat" sagot naman nitong si Vice

"So member ka ng frat, Vice?" tanong naman ni Kuya Jhong

"Bakit ako magiging member ng frat?" pagbabalik na tanong naman ni Vice

"Eh syempre, ikaw ang nag-aalaga dito kay Jaki, so frat ka?" natatawa na sabi ni Kuya Vhong

Napailing na lang ako saka ako tumingin kay Vice

"Kainis ka" I mouthed to him, natawa na lang siya, narinig naman niya siguro

"Syempre, jowa ko ito eh, dapat lang na alagaan pero hindi ako frat noh. Haha! Nagyoyosi kayo bago kayo matulog no?" sabi pa ni Vice

"Ha? Idamay mo pa si Jaki sa bisyo mo. Hahaha!" sambit ni Kuya Vhong

"Ha? Hahaha oy tinigil ko na ang pagyoyosi noh" sagot ni Vice

Natatawa na naman ako dahil sa trip nitong trio na ito. Hahaha power trip talaga

"Tinigil ko na ang pagyosi, yung ano na lang, yung vape stick na lang pero madalas na lang din kasi pinapagalitan ako nito oh" sabi ni Vice saka niya ako tinuro

Medyo nahiya pa ako nung ituro ako ni Vice. Halla! Uwu!

"Ay! Masunurin ka talaga Vice, tsaka mabait kasi itong si Jaki" sambit naman ni Kuya Vhong

"Tama Kuys, nag-iba na talaga itong si Vice since nung makilala niya si Jaki" dagdag pa ni Kuya Jhong

"Basahin mo na" I mouthed again kay Vice

"Hmm, basahin ko na nga, alam kong ngawit ka na dyan" birong sabi pa niya

And then he read the result  at ilang sandali pa ay natapos na ang show. Buti hindi masyadong nang-asar ito, buti at nakinig siya. Hahaha! We're on our way home, sa bagong bahay namin should I say, pero bago yun ay dumaan muna kami sa isang drive-thru fast food chain, nake-crave daw siya

"Thank you" saad ni Vice sa isang crew saka kami gumora na talaga at habang nagda-drive siya ay sinusubuan ko naman siya nitong cravings niya

"Gutom na gutom Baby?" pagtanong ko pa

"Hindi naman, na-crave lang talaga ako bigla" sagot niya

"Next time sabihin mo sa akin kapag nake-crave ka" sambit ko

"Why? I mean..." sabi nito

"Sabihin mo sa akin para ako na lang ang gagawa n'yan for you. Though, unti lang alam ko sa pagluluto, I'll try my best para gawin yan" sagot ko sa kanya

He bet stopped and look at me, saka ulit nagfocus sa daan. Uwu! Ang bakla, kinilig na naman

"Okay, next time, sasabihin ko na sa iyo" sambit naman niya

Ngumiti lang naman ako saka ko siya muling sinubuan nitong cravings niya, nag-shawarma si Bakla.

"Ngiting-ngiti?" tanong niya

Tumango lang naman ako sa kanya at muling sinubuan ng pagkain niya.Hindi ko naman matago itong ngiti ko 'pag kasama siya, hanggang sa nakauwi kami ay nakangiti ako, nang-asar tuloy ito. Hahaha










Author's Note :

Eyy! What's sup mga moots? Kamusta naman ang chapter na ito? Sabaw sorry kaya huwag masyadong ano, ha? Any similarities to actual sequel was didn't mean by the author its purely coincidental

Free to vote and comment mga moots. Stay safe and always PRAY mga moots

See ya on next Hopia Update!

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now