Jackie Ko ft. Halloween

161 13 8
                                    




Jaki's PoV

Paalis na kami ni Vice para pumasok. Nandito at nakasakay na ako sa sasakyan niya, hinihintay na lang siya para makaalis na kami

Habang naghihintay sa kanya ay muli kong sinuri ang sarili ko. Ayos lang ba talaga itong suot ko? Pagtanong ko pa sa sarili ko

"Okay na ba lahat? So let's go" biglang sabi ni Vice

Nakangiting tumango lang naman ako sa kanya and then he start the car saka kami umalis

"You look so beautiful today. You look like a kid today" sabi pa ni Vice habang naka-focus sa pagda-drive

"Talaga? Pero maganda naman ba itong suot ko? Hindi pangit?" tanong ko

"Syempre hindi. Ang ganda mo magdala ng outfit eh. Kahit ano pa ang isuot mo, bumabagay sa iyo, pati ako bagay sa iyo" sambit niya

Pakilig naman ito. Hahaha nagda-drive lang eh, nagpapakilig pa

"So damit ka? Ewan ko sa iyo, magdrive ka nga lang dyan" sagot ko

"Oh bakit? Anong mali sa sinabi ko?" tanong pa nito

"Walang mali" sagot ko naman

After a drive ay nakarating na nga kami sa studio ni Vice at saka kami nagtungo muna sa DR niya. Agad naman kaming binati ng mga staffs ng Showtime

"Vice sunod na lang kayo ah" bilin na sabi sa amin ng isang staff

"Sige sige" sagot naman ni Vice

Nang maiayos ko na yung gamit namin ay sabay kami ni Vice na nagtungo sa stage. Magsstart na pala. Hahaha

After nun ay nagpatuloy na nga ang show at ayun, kanina naasar na naman ni Vice yung suot ko, kakainis talaga kahit kailan. Hahaha akala ko talaga okay lang sa kanya. Ayun, binibiro lang naman daw ako

TNT Segment na at nandito ako sa audience's seat at nanonood ng mga performance ng mga contenders syempre hanggang sa nasabi ni Kuya Jhong na kamukha ko daw yung contender, hindi naman

"Jaki, si Jaki" sabi ni Kuya Vhong

"Ano? Ano?" sambit naman ni Vice

"Si Jaki" pag-uulit ni Kuya Vhong

"Jaki? Kamukha ba ni Jaki?" tanong pa ni Vice

"May hawig sabi ni Jhong ee" sambit ni Kuya Vhong

"Wala" bigla kong sabi. Hahaha nagtinginan pa sila Vice sa akin saka natawa

"Ewan ko kung anong tinitignan ni Jhong. Hinanap ko tuloy wala akong nakitang Jaki noh" sagot ni Vice habang nakatingin kay Kuya Jhong bago sa contender

"Sinabi ko bang Jaki natin?" birong sagot naman ni Kuya Jhong

"Sino ba Jaki?" natatawang sabi ni Kuya Vhong

"Jaki mo?" tanong pa ni Vice

Hahaha. Nakakaloka talaga itong tatlong ito. Hahaha kaya kahit kami rito ay natatawa na lang din, kahit din sila mismo

"Jaki mo lang? Sino ba yang Jaki mo?" sambit pa ni Vice

"Jackie Chan" singit na sabi naman ni Kuya Vhong

"Suot ko. Hahaha" natatawang sagot ni Kuya Jhong

Muli na naman kaming natawa dahil sa kakulitan nilang tatlo

"Eh ikaw? Sino ba yang Jaki mo?" tanong ni Kuya Jhong kay Vice

"Jaki ko? Ayan oh, yang nanonood sa akin. Hi!" nakangiting sabi pa ni Vice habang nakatingin sa akin

Kumaway pa si Bakla, kumaway naman ako pabalik sa kanya

"Nag-eenjoy ka ba?" tanong pa nito

Nagthumbs-up lang naman ako sa kanya saka siya muling ngumiti sa akin

"Oy! Oy! Nice naman" sabi ni Kuya Vhong

Ilang sandali pa ay nagpatuloy na nga ang TNT hanggang sa natapos na naman ang show saka kami nagdecide ni Vice na umuwi na, syempre kailangan pa naming magprepare for Halloween, though tradition niya ito, nadamay lang ako. Haha

"Baby, sino bang Halloween outfit inspired natin? Huwag yung masyadong ano, natatakot ako" sabi ko sa kanya nang makauwi na kami

"Don't worry, di tayo magcostume ng nakakatakot. Par mas nakakakilig, mag-Aladdin tayo, gusto mo?" sambit naman ni Vice

"Ayy, gusto ko yan. Thank you Baby" sabi ko sa kanya saka ako humalik sa pisngi niya

"Oh sige na. Tawagin na natin si Buern, tsaka si Erna para ayusan na tayo" sabi pa ni Vice

After naming magshower ni Vice at ilang sandali pa ay pumwesto na nga kami ni Vice nang dumating ang Team Vice dala ang mga damit namin at sinimulan na nga kaming ayusan

After an hour ay natapos na rin ang pag-ayos sa amin for our Halloween Outfit inspired by Aladdin

[ Mga moots, kung malakas ang sagap ng imagination niyo, makikita niyo ito. Hahaha I pray na makita niyo ah ]

Sinimulan na nga kaming picturan ng Team Vice at kahit si Vice ay nagsimula na rin

"Baby, happy halloween and again, happy birthday" sabi ni Vice saka niya ako hinalikan sa labi, smack lang naman

"Thank you, thank you for making happy today. Love you" sambit ko sa kanya

"You deserve that, hmm! For me, ito yung pinakamasaya kong sinelebrate yung Halloween because of you. Sobra din akong thankful kasi napapasaya kita" saad naman ni Vice

"Thank you talaga for making happy hmm! Sige na picture na tayo, my Prince Ali" nakangiting sabi ko

And then we took a photo saka niya pinost ito sa IG account niya at saktong nagpapatugtog si Mama Buern ng "A Whole New World", ayun sing-along. Syempre, nagpost din ako ng photo namin ni Vice sa IG account ko

"A whole new world, a thrilling chase" pagsabay namin ni Vice sa kanta

"For you and me" nakangiti naming pagsabay sa kanta saka naman siya humalik sa pisngi ko

"I love you" sabay naming sabi. Hahaha pareho pa kaming kinilig. I'm so happy today, syempre kasama ko siya, na-celebrate ko ito with him
















Author's Note :

Eyy! What's sup mga moots? Kamusta po kayo? I pray you're still safe today. Ingat kayo ah, tsaka nga pala kamusta naman itong chapter na ito ? Huwag niyo po masyadong ano ha. Hahaha. Any similarities to actual sequel was didn't mean by the author and its purely coincidental

Hay sa wakas, nakapag-update din. Hahaha ang hirap kasi mamili dun sa mga ganap na napanood na gawan ng OneShots ee. Hahaha oo nga pala, may upcoming story ako, kaya stay tune lang kayo ha. Hahaha

Free to vote and comment, mga moots. See ya on next update mga moots

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now