Jaki feels Annoyed

144 8 0
                                    

Vice's PoV

Nainis ko na naman si Jaki today. Pero tinitigil ko din, hindi ko kaya yung whole day ko siyang iniinis kasi hindi ko talaga kaya. Hahaha hanggang biro-biro lang kasi ako rin naman sumusuyo sa kanya 'pag malalang inis na talaga

"Oh eh bakit ka nga naiinis?" pambirong sabi ko dito kay Jaki

Halata na talaga sa mukha niya na naiinis na siya sa akin. Ititigil ko na rin ito baka mamaya, sa labas ako patulugin nito. Hahaha

"Ewan ko sa iyo!" naiinis na sagot niya
Halla! Hahaha

"Eh bakit nga? Sabihin mo sa akin, dali. Tell me" sabi ko pa

"Wala! Mas gusto mo pa ata siyang maka-Team kaysa sa akin, lagi na lang siya yung una mong pinipili" sagot niya

Eh kasi naman, niloloko ko lang siya na si Ion na naman ang una kong pipiliin mamaya sa Name It To Win It, ayan, nagseselos na naman

"Akala mo kasi, hindi ako nagseselos. Aish!" sabi niya pa

Tumabi ako sa kanya and then I hugged her. Aguy, aguy! Grabe naman ito. Hahaha

"Don't be jealous, laro lang naman yun eh" sabi ko saka ko hinalikan ang uluhan niya

Niyakap na lang niya ako pabalik at ilang sandali pa ay tinawag na kami ng isnag staff at sabay kaming nagtungo sa stage

After ng pagkanta ng Theme Song at pagbasa ng spiels ay diretso na agad sa Name It To Win It. Yes Sir!

Tumingin muna ako kay Jaki at halata sa kanya na gustong-gusto niyang piliin ko siya, lagi ko namang ginagawa yun. Hahaha

"Jaki, andyan si Jaki, Vice" sabi ni Vhong

"Pick me, pick me!" rinig kong sambit ni Jaki with her sweet voice

"Pick me, pick me daw" singit na sabi naman ni Karylle

"Ay Teddy pa ako" sabi ko

"Sa'kin na si Teddy" sagot naman ni Vhong

"Ha?" hakdog, pagtanong kong muli

"Nasa akin na si Teddy" pag-ulit na sabi ni Vhong

"Ako na lang" napangiti ako nung narinig kong sabi ni Jaki

"Ha? Ayaw ko nga. Hahaha" birong sabi ko sa kanya sabay peace sign

"Joke lang, Jaki ko. Anong ako na lang? Wala ng choice, magkasama talaga tayo" sabi ko

"Oh akin na si Ion ah" sabi naman ni Vhong

"Edi iyo. Hahaha ikaw kasi, nakaharang ka dyan eh" reklamong sabi ko kay Jaki pero muli akong nagpeace sign

Hahampasin pa sana niya ako pero I mouthed na baka mahalata, sumusunod naman kamo sa mga safety protocols. Hahaha natawa naman sa amin yung iba naming kasama

"Ah nakaharang pala ah, edi kunin mo siya, palit na lang kami. Kainis ito" rinig kong sabi ni Jaki without using her mic

"Joke lang, ito naman" I mouthed

"Oy share niyo naman yan, ViceJack!" rinig kong sabi ni Jhong

"Wala, wala. Okay na kami. Hahaha" sagot ko and then I look at Jaki, ngumiti naman siya

At nagpatuloy na nga ang Name It To Win It and I pick Jaki para sa Guess List

Sobrang galing niya talaga. Hahaha pero umiral na naman itong pagiging makulit ko, kaya asarin natin siyang muli. Sa last part ay dinedescribe ko sa kanya kaya lang kulang na sa oras

"Ano hindi mo alam?" pambibirong tanong ko

"Hindi!" diretsahang sagot niya

"Panghugas?! Kamay?! Ingles?! Lahat binigay ko na, hindi mo pa rin maintindihan, paano tayo mananalo?" sabi ko sa kanya

"Ang dami" sagot niya, pero natawa na lang din ako pati siya. Nakatawa lang eh pero naiinis na ito, ramdam ko

"Parang kuya, nagalit ka sa kapatid mo" sabi naman ni Vhong

Natawa lang naman kami ni Jaki at ganun din ang mga kasama namin

"Aray Vhong, grabe yung Kuya ah. Hahaha" reklamong sabi ko

"Ay sorry, sorry!" sabi naman nito

Ilang sandali pa ay nagcommercial break muna kaya nandito ako sa Dar ko ngayon at mas nauna sa akin si Jaki na nagpunta dito

Pagkapasok ko ay nadatnan ko siyang nakahiga sa sofs ko rito pero nakatakip ang mukha niya ng towel niya

"Sara mo yang pinto" rinig kong sabi ni Jaki

Ha? Hakdog! Omay! Bakit ko isasara? Charr! Agad ko namang sinunid ang sinabi at after nun ay naupo ako sa bakanteng upuan. Akala ko ba, natutulog ito?

"Bakit mo pinapasara yung pinto?" tanong ko sa kanya

"Para walang makakita sa atin" sagot niya. Nagulat naman ako sa sinagot niya at agad ko ding inalis sa isip ko yung thought na naiisip ko

"Okay! Naiinis ka ba sa akin?" sambit ko

"Hindi ba halata? Kaya nga nauna akong nagpunta dito kasi kanina pa talaga ako, naiinis sa iyo. Aish!" sabi nito

"Sorry na pala kung nainis ka na naman dahil sa akin. Binibiro lang naman kita pero sorry!" nakayukong sabi ko

"Hmm! Anong feeling Love, pag naiinis mo ako?" tanong nito

"Iiiiiee! Baby naman eh, sorry na nga" sabi ko pa, padyak-padyak pa, parang bata!

"Pag inulit mo pa talaga itong pambibwiset mo sa akin, yare ka talaga! Hahablutin ko talaga yang, buhok mo" sabi ni Jaki

Agad akong lumapit sa kanya at tinanggal ang towel na nakaharang sa mukha niya

"Sorry na talaga, huwag mo namang gagawin yun, Baby! Sorry na" pagmama-kaawang sambit ko

Ngumiti lang naman siya sa akin and then he cupped my face at pinanggigilan ito

"Promise mo lang talaga, kundi gagawin ko talaga yun, hmm?!" saad niya

Tanging tango na lang ang naging tugod ko sa kanya at ilang sandali pa ay inayos na niya ang gamit namin and then I decided na umuwi na, para makapagpahinga pa












Author's Note...

Eyy! What's sup mga moots? I pray that you're okay and safe mga moots! Kamusta naman itong chapter na ito? Hahaha, sabaw na naman, huwag kayong kiligin ah, imagination ko lang po ito. Hahaha! Any similarities to actual sequel was didn't mean by the author and its purely coincidental

Free to vote and comment mga moots! Stay safe and always PRAY mga moots!

See ya on next hopia update! Agad-agad! Hahaha

#SaViceJackLangHohopia
#DitoLangSaWattyMayForeverViceJack

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now