Taking Care

100 8 1
                                    

Jaki's PoV

Maaga akong nagdrive papunta dito sa new valur ni Bakla. Nagkasakit kasi, kailangang alagaan. It was already 6:30 in the morning nang makarating ako dito sa bahay niya

Nang makapasok ako sa loob ay agad akong sinalubong nung isang kasama niya dito sa bahay niya

"Ang aga niyo po ah" sabi nito sa akin

"Ay hindi naman po, sakto lang. Pero nasa kwarto po ba si Vice?" sabi ko naman

"Opo Miss Jaki, hanggang ngayon mainit pa rin po siya eh" sabi nito

"Ganun po ba? Sige po, ako na po ang bahala sa kanya. Magprepare na lang po kayo ng warm water with towel tsaka po pa-prepare na lang ng soup. Salamat po" sambit ko

"Sige po Ma'am. Dun ko na lang po sa kwarto dadalhin" sabi nito at tumango na lang ako kay Manang

Pagkapasok ko sa kwarto ni Vice ay pansin kong naka-off ang aircon niya at walang fan or kahit ano tapos nakabalot siya ng kumot

Nilapag ko ang bag ko sa side table at lumapit sa kanya. Agad kong nilapat ang likod ng palad ko sa noo at leeg niya, grabe sobrang init niya nga. Buti na lang nandito yung thermometer niya kaya agad kong nilagay ito sa bandang kili-kili niya, nung tumunog na ito ay nagulat pa ako sa temperature niya, umabot ng 41°

"Miss Jaki, ito na po yung pina-prepare niyo" rinig kong sabi ni Manang, medyo nakabukas kasi yung pinto para marinig ko siya. Tinulungan ko siyang bitbitin ang mga gamit

"Salamat po ah" sabi ko

"Wala po yun Ma'am. Sige po, lalabas na po ako" sabi nito at lumabas na nga siya

Muli akong bumalik dun sa side table at piniga ang towel with warm water para ipunas kay Vice, para kahit papaano, bumaba na yung lagnat niya. Dinampian ko ng bimpo ang noo at mukha niya, leeg at mga braso

Dahan-dahan lang, baka kasi magising siya, masigawan pa ako. Hahaha! After nun ay nilagay ko muna sa noo niya yung bimpo

Ilang sandali pa ay muling pumasok ng kwarto si Manang, dala ang soup na pina-prepare ko din

"Manang akin na po. Maraming salamat po ah" sabi ko at nilapag ito sa side table

"Walang anuman po Ma'am. Sige po, labas na po ako ulit" sabi nito at tumango lang ako

"Vice, Vice. Gising ka muna saglit" sabi ko habang marahan siyang tinatapik

Dahan-dahan naman niyang minulat ang kanyang mata. Medyo nagulat pa siya nang makita ako pero napangito na lang siya. Halata sa kanya ang malamlam niyang mata, at medyo wala rin siyang gana, pero ngumiti pa rin. Aayos pa sana siya ng upo pero pinigilan ko kaya bumalik siya sa pagkakahiga

"Good morning" sabi ko sa kanya

"Good morning din. Kanina ka pa ba dito?" sambit niya

"Medyo" sagot ko. Ilang sandali pa ay nagpumilit siya na umayos ng upo kaya hindi na ako umalma, kinuha ko lang yung soup para kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya

"Si Manang nagprepare nito habang pinupunasan kita ng bimpo with warm water" sabi ko sa kanya at tumango lang naman siya

Nang makailang subo siya mg soup ay muli siyang nagsalita

"Thank you ah, kasi nagpunta ka dito to take care of me" sabi nito

"Wala yun. Tsaka sa susunod, mag-iingat ka, nag-aalala ako sa iyo eh" sagot ko

Eh kasi naman, kaka-uwi nila galing Baguio, naambunan daw sila dun bago bumyahe, kaya yan

"Hindi mo kasi ako sinama sa Baguio kaya ka nilalagnat" sabi ko pa

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now