Matchy ft. Landian

207 11 0
                                    


Jaki's PoV

Gaya nung sinabi ni Vice sa akin kahapon, para akong saleslady dahil sa suot ko. Grabe siya noh, hindi man lang na-appreciate suot ko. Ganda ganda na nga nun ee. Hahaha

At kahapon din, pinagpapatuloy niya na naman yung pinauso niyang 'O Loko' na expression niya. Kainis talaga kahit kailan, nagtweet pa nga, buti na lang di ako tinag. Hahaha

Kaya ngayon, sabi ko sa kanya kanina siya na ang pinapili ng isusuot ko baka mamaya, asarin na naman ako. Kainis talaga

"Ito na lang, para matchy tayo, my saleslady--- este my lady" pambibirong sabi nito kaya nahampas ko siya

"Nakakainis ka talaga kahit kailan. Hindi ka lang kamo, marunong maka-appreciate. Bahala ka nga dyan" sabi ko sa kanya at inirapan

"Halla siya oh, parang binibiro lang ee" sabi pa niya

"Eh ayusin mo din kasi minsan yang biro mo" mahinang sambit ko sa kanya

Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran

"Sorry na. Akala mo lang na hindi ko na-appreciate, syempre na-appreciate ko, ganda-ganda mo kaya. Sorry na" saad niya

"Oo na" sagot ko sa kanya

Pinalabas ko muna siya saglit para magbihis, kasi naman nakabihis na siya. Ewan ko dyan. Hahaha










Ilang sandali pa ay nakarating na nga kami ng studio at agad kaming nagtungo sa DR niya. Dun na rin kasi akonl tumutuloy, pinaalam naman niya ito kay Direk

Nagsimula na nga ang show at Name It To Win It na ang segment. Halla! Sana maka-Team ko si Vice. Hahaha asang-asa ee

Ilang sandali pa ay nagstart na nga ang pilian at ayun, pinili din. Hahaha sana ol

"Oh ayan ah, Jaki ah" sabi ni Vice habang papunta sa pwesto namin

"Ooh" medyo pa-cute na sabi ko. Hahaha

"Pag ako, di mo ako binigyan ng discount" pambibirong sabi nito

Natawa na lang ako. At ayan na naman siya, galing talaga. Hahaha

"Matching kayo. Ang cute nga ee" sabi naman ni Ate Karylle

"Matching kami kasi ako pumili ng damit niya ee" sabi naman ni Vice

Awiiee bumabawi si Bakla. Kinilig ako at ganun din ang mga kasama namin

"Nagpapalakas ako kay Jaki para bigyan kami ng discount. Employees discount, ganun" muling birong sabi ni Vice

Kaya naman, muli na naman akong natawa ganun din ang mga kasama namin. Patawa talaga kahit kailan

Nagpatuloy na nga ang show at nang matapos ito ay nauna ako kay Vice na nagtungo sa DR niya para ayusin ang gamit namin

Ilang sandali pa ay naayos ko na ang gamit namin kaya lumabas na ako ng DR ni Vice at sakto namang dating niya

"Oh, akin na yan nang makauwi na tayo and after nun, may pupuntahan tayo" sabi niya

Nakangiting tumango lang naman ako sa kanya saka kami nagpatuloy hanggang sa makarating ng parking lot





















"Saan ba tayo pupunta? At gagamitin natin itong white mo na sa sasakyan?" tanong ko sa kanya

"Wala naman. Bibisitahin lang sana natin yung new house" sagot niya

"Talaga? Sige. Pero confuse lang ako sa suot mo Baby, may liga ka bang sasalihan at nakaganyan ka?" tanong ko pa sa kanya

Kasi naman, naka-jersey short siya pero ang gwapo niya sa suot niyang yan. Hahaha

"Baby, walang nagliliga ng naka-Tshirt okay? Anong mali sa suot ko? Ikaw ah, bumabawi ka noh? Kung picturan mo kaya ako?" sabi niya saka niya inabot ang phone niya sa akin

Natatawa na lang ako dito sa kanya, kulit. Hahaha and then I took a photo of him at ang paborito ko sa lahat, yung nakasandal siya sa sasakyan. Gwapo

At saka naman kami umalis and then he drive hanggang sa makarating kami sa bagong bahay niya. Nang makarating kami dito ay agad akong nagtungo sa favorite part ko sa bahay, ang sala. Sobrang nakaka-refresh lang kasi ng interior design ng bahay at sobrang ganda sa sala

Habang nagpapahinga sa sala ay kinuha ko naman ang phone ko at biglang may nagpop-up sa akin na notification, tinag niya pala ako sa IG story niya, with his picture na kinuhanan ko kanina. Speed talaga. Hahaha

"Baby anong gusto mong kainin?" tanong niya sa akin

Agad akong lumapit sa dako niya, nasa kitchen pala siya. It's already 6 PM na pala hindi ko namalayan. Napanganga na lang ako nang makita ko si Vice na naka-topless at naka-apron lang. Agad ko namang iniwas ang tingin ko mula sa kanya saka ako nagsalita

"Baby, hindi ka ba nilalamig? Magdamit ka nga" sabi ko

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko yung damit na suot niya kanina agad ko namang kinuha ito at lumapit sa kanya

"Itigil mo nga muna yan. Oh suot mo muna ito" medyo naiirita sabing ko saka siya lumapit sa akin, tinanggal niya muna ang apron na suot niya

Oo na! Hot siya pag ganun pero ayaw ko rin namang ibalandra niya yung katawan niya ano. Paano kung magkasakit siya? Ano daw?

"Oh? Bakit nakataas yang kamay mo? Ito na yung damit mo oh" sabi ko pa sa kanya

"Suot mo sa akin, please" pagpapacute niya pa saka niya ako hinawakan sa bewang. Nakurot naman siya sa ilong muna bago ko sinuot yung damit niya

"Ayan, ayos na? Kainis ka talaga" saad ko at nahampas ko siya

"Ouch ah! Pero ano nga gusto mong kainin Baby?" tanong niya

"Bread lang, o kaya Burger" sagot ko

"Eh? Hindi ka magdi-dinner? Sayang naman itong niluluto ko" sambit naman ni Vice

"Paanong sayang? Edi kainin pa rin natin yan. Sinagot ko lang yung tanong mo" tugon ko saka ko siya hinalikan sa pisngi

Nginitian niya lang naman ako saka niya pinagpatuloy ang pagluluto for our dinner and after nun, sabay kaming kumain ng dinner. Ang sweet lang














Author's Note:

Eyy. What's sup mga moots. Sorry sa late update. Medyo busy po kasi I've my online class. Hehehe tsaka nag-iisip ako ng pwedeng part for this. Hahaha sabaw ito ah kaya huwag niyong masyadong totohanin. Any similarities to actual sequel was didn't mean by the author and its purely coincidental

Free to vote and comment for your reactions, suggestions niyo mga moots
See ya on next part mga moots

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora