Modern Talk

106 10 4
                                    


Jaki's PoV

What a tiring day. Hindi sana ako papasok ngayon eh pero pinilit ako ni Ate Neri kaya eto, nandito ako ngayon sa DR kasama siya

"Oh bakit ka pumasok? Haha" sabi nito

"Eh pinilit mo ako eh, di sana nagpapahinga ako ngayon" sagot ko

"Ay wow, sumbong kita kay Direk ah" sabi nito

"Oy huwag, joke lang Ate, eto naman" sagot ko

"Oo na. Pero ano ba kasing nangyari?" sabi nito

"Hmm, alam mo na yun, hindi ko na ikwe-kwento" sagot ko

"Ah tungkol kay ano.. Last na talaga yan Bebe ah, last na yan" sambit nito at tumango lang ako sa kanya

Last na talaga! Kasi tinapos ko na eh. I mean, nakipaghiwalay at tinapos ko na kung anuman ang ugnayan namin ni Tom. Nakakapagod na kasi. Ngayon ko lang narealize itong bagay na ito

"Mga Bebe, 5 minutes ah, be ready" sabi ng isang staff sa amin

Agad din naman kaming nag-ayos ng sarili ni Ate Neri. Buti, hindi halata yung mugto kong mata

Lumabas na kami ng DR ni Ate Neri at siya naman ang nagsara nito. Naglalakad na kami nun nang biglang tumunog ang phone ko

It was a text message from Vice. Na-flutter pa ako ng konti. Kinilig ako. Hahaha


Vice: Usap tayo, later! 5 PM


Pagbasa ko sa text niya, pero tama ba na kinilig ako? Kinakabahan ako, ano naman kayang pag-uusapan namin nito

"Oy Bebe, bilisan mo dyan" pagtawag na sabi sa akin ni Ate Neri

Binulsa ko na yung phone ko at sumunod kay Ate Neri at nagtungong stage at saktong nakita ko yung nagtext sa akin. Why so pogi niya, today?

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang show at kinanta namin ang Theme song at after nun ay nagbasa na ng spiels

Bahagya pang tumingin sa akin si Vice saka nagsalita, ako na naman ang nakita. Hahaha

"Ang fresh naman ni Jaki" nakangiting sambit ni Vice

Ngumiti lang naman ako, nahihiya pa ako. Kainis! Hahaha

"Fresh na fresh" pagsang-ayong sabi ni Tyang Amy

"Ang taray" saad ni Vice ulit

"Bery simple" nakangiting sabi ko

"Ang taray ng itsura, mukha kang makikipagkita" Vice

Natawa pa kami sa sinabi niya, pero huli na nung narealize ko yung sinabi niya. He's referring kaya yung text niya

"Very simple lang daw" saad ni Tyang Amy

"Eyeball" singit na sabi din ni Kuya Teddy

"Mukhang nakatanggap ito ng text na "Usap Tayo. Hahaha" Vice

Nagulat ako sa sinabi niya at nilakihan lang niya ako ng mata, kaya nagpretend ako na wala lang yun

"Wala, wala" sagot ko naman at umiling

"Sabi mo usap lang" sabi ni Kuya Jugs

"Mukhang makikipag-usap lang eh" pag-ulit na sabi ni Vice

Kaya muli kaming nagtawanan dahil sa sinabi ni Vice. Kainis talaga ito

"Ang fresh ni Jaki" nakangiting sabi ni Vice sa akin, kaya napangiti lang din ako

At nagpatuloy na nga ang show at patuloy pa rin ang Oplan-Okray ni Vice sa akin




THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon