Baguio Get A Way

95 9 0
                                    


Mini SPG alert! You can skip this part if you want or you don't like about the content


Vice's PoV

"Sama na kasi ako, minsan lang eh" sambit ni Jaki

Kanina pa yan nagpupumilit na sumama sa akin sa Baguio. Hahaha

"Hindi nga pwede. Dito ka na lang, nandito naman sila Ate" sabi ko naman

"Sige na. Bahala ka nga dyan! Kapag ako, umalis din, hinding-hindi kita isasama" inis na sagot niya sabay higa ulit sa kama at nagtalukbong ng kumot

"Inis ka na n'yan?" tanong ko sa kanya
"Oo, minsan lang kasi humiling sa iyo, ayaw mo pang ibigay. Sige na, umalis ka na! Huwag ka ng babalik!" saad niya. Naiinis na nga talaga siya

Tumayo ako at hinanda ang maleta niya at kumuha ng mga damit niya, ilang piraso lang

"Sige na, tumayo ka na dyan. Dali na" sabi ko sa kanya

Pansin ko naman ang pagtayo niya. Nakabihis na rin yan. Hahaha alam niya kasing aalis ako eh

Hindi siya umimik, tumayo lang siya at inayos ang sarili niya

Lumabas siya ng kwarto, palabas na rin naman ako ng kwarto, hila-hila ang maleta naming dalawa at naka-saklay naman sa balikat ko ang sling bag ko

Pagkarating ko sa sala ay nandun pala sila Nanay

"Mag-iingat kayo dun, lalo na kayong dalawa" bilin na sabi ni Nanay

"Opo Nay" sagot ko naman. Kasama ko kasi yung mga kaibigan ko. Nasa sasakyan na sila, hinihintay kami

"Sige po Nay, punta na po kami. Bye Nanay" sabi pa ni Jaki kay Nanay at yumakap pa ito

"Mag-ingat ha, Tutoy" saad nito. Tumango lang naman ako kay Nanay at yumakap






•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•





Habang nasa byahe ay pansin kong tahimik lang naman si Jaki. Ano na naman kaya ang problema nito?

Hindi ko na lang siya pinansin at sinalpak na lang ang earphone ko sa tainga ko. Balak ko sanang kausapin si Jaki kaya lang busy din sa phone niya pero sinubukan ko pa rin

"Galit ka ba?" tanong ko, pero hindi siya sumagot

"Bakit ba hindi ko ako pinapansin?" muli kong tanong ko sa kanya. Alam ko namang naririnig niya pero wala talaga. Hay! Binalik ko na lang sa tainga ko yu g pair nung earphone






__________________________________






Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa hotel dito sa Baguio. Bumaba na rin kami ng sasakyan at ako naman ay hila-hila na naman ang maleta naming dalawa, unti lang naman ang laman nito

"Me, picture daw muna tayo" sabi nung isa kong friend

"Wow, first time niyo? Haha oh sige na" sagot ko naman

"Okay, Jaki tabihan mo naman si Meme" sabi pa nito at sumunod naman si Jaki sa utos ng friend and then we took some photos

Ilang sandali pa ay nakapasok na kami sa loob at kanya-kanyang pasok sa rooms namin. Syempre, nasa isang room kami nitong si Jaki. Pagpasok ko ay ni-lock ko yung pinto at si Jaki naman ay nahiga sa kama

Ano kayang problema nito? Kanina pa ito eh. Naisip ko naman yung nangyari kahapon, hindi kaya yun yung dahilan kung bakut ganyan siya kahapon? Kasama ko kasi si Ion, nagbilliard tapos siya, hindi ko siya kasama. Tapos nag-IG story pa kasi si Buern, kaya nakita ni Jaki. Parang pinag-usapan namin ito kagabi, pero parang ganito lang din ang nangyari. Oh no!

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now