I Purple You

94 8 0
                                    


Vice's PoV

Nandito kami ni Jaki sa kwarto at nagpapahinga, kaka-uwi lang kasi namin galing sa studio

Habang nandito kami sa kwarto ay narinig ko ang boses ni Buern, galing sa labas ng kwarto

"Meme!" tawag nito sa akin

"Oh? Pumasok ka na" sabi ko naman at mukhang narinig niya ako kaya pumasok na siya

Nakita ko siyang may bitbit na box. Luh! Ano kayang laman nun?

"Ano yan? Para kanino?" tanong ko sa kanya at lumapit naman sa akin ai Jaki at yumakap mula sa bewang

"Ano yan Mama B? Para kanino yan?" sambit ni Jaki

"Para sa iyo daw Meme, may tag na nakalagay. From Balenciaga at Dior" sabi ni Buern

"Ay ang taray. Sige na, salamat sa pagdala ah, Buern. Sige na, kami na bahala dito" sabi ko naman at sumunod din naman si Buern sa sinabi ko

"Baby, buksan mo na. Daliiiii!" mas excited na sabi ni Jaki

Dahil excited na rin ako ay binuksan ko na ang dalawang box. Sobrang saya ko sa nakita kong laman nito. Si Jaki naman ay kinukuhanan ako ng video, for IG story yan, so I speak

"Ayan, an ganda mga mamuhh! Thank you Dior and Balenciaga fam. Mahal na mahal niyo talaga ako, not only me as well as Jaki. Ang ganda ah" sabi ko

Tig-2 pairs of jackets kasi ang laman nung boxes. Yung isang pair ng jacket, ang design is logo ng BTS. Yehess naman. Pansin ko namang hininto na rin ni Jaki ang pagkuha ng video sa akin

"Ayan, ang ganda ah. Bibigyan mo ako dyan?" sabi ni Jaki

"Syempre, para pair tayo. Yiiee" sagot ko sa kanya

"Gusto mo yan? BTS yan?" tanong niya sa akin. Tumango lang naman ako sa kanya and then she smile at me

"Suot natin tomorrow, gusto mo?" tanong ko sa kanya

"Sige sige" sang-ayon naman niya












Kinabukasan...













Jaki and I are preparing para sa pagpasok namin sa It's Showtime. Gaya ng napag-usapan namin kahapon, sinuot namin yung binigay sa akin na pair of jacket with same color, Purple. Halatang, ARMY na ARMY ah. Hahaha

At we're on our way papuntang studio at magkatabi kami ni Jaki, as usual dito sa sasakyan

"Akala ko ba, Blinks ka? Bakit nakiki-ARMY ka, ha?" birong sabi ko pa kay Jaki

"Syempre, ARMY ka eh. Hahaha may bias na kaya ako dun, sa BTS" sagot niya

"Ah talaga ba? Sino? Sino?" tanong ko pa

"Si ano.. Hahaha basta! OT7 pala ako, sorry. Pero Baby, dapat support mo din BlackPink" sabi niya sa akin

Oo nga ano, para same same kami nito ni Jaki. Hahaha, magagaling naman silang lahat, I love them, yung KPOP pero hindi ko din nakakalimutan syempre, yung dito ss atin. Syempre SB19. Hahaha. Super saya kayang magsupport-support

"Sige, support ko din sila" sagot ko kay Jaki

"Yiiee. Tsaka naisip ko lang if you can't marry your bias, marry their fanboy. Eh fanboy ka, yiiee" sambit ni Jaki

Tila ba, parang may tumusok sa pusod ko para makaramdam ng kilig. Pakilig talaga ito, kahit kailan. Hahaha

"Ah talaga ba? Hahaha" sabi ko na lang. Tumango lang siya sa akin

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now