I'm Better When I'm With You

107 6 0
                                    



Jaki's PoV




"Oo, ayaw ko na! Pagod na akong intindihin ka!" sigaw at inis na sabi ko kay Tom

"Intindihin? Sino ba itong nawawalan na ng oras sa akin? Hindi ba dapat, ako ang magsabi n'yan sa iyo?!" sagot niya sa akin

"Ako? Nawawalan ng oras sa iyo? Sino ba itong, laging wala, puro excuses. Pucha! Napapagod na akong intindihan ka. Nakakasawa na, Tom. Itigil na natin ito" sabi ko sa kanya

"Oo! Siguro, tama ka. Itig na natin ito. Pucha!" saad nito bago umalis sa lugar na ito

Para akong nakawala sa tanikalang nakatali sa mga kamay ko nung umalis siya. Bumuntong-hininga muna ako bago ko inayos ang sarili ko saka umalis din sa lugar na yun at bumalik sa condo

Matagal ko namg gustong gawin ito eh, and here it is, nangyari. Kaya, other side of me was thankful. Matagal akong nagtiis sa kanya, sa ugali niya. Lahat yun, tinago ko pwera lang kay Ate Madc. At ito siya, naka-abang sa hallway, halatang hinihintay ako

"Beb, ayos ka lang? Anyare?" bungad na tanong sa akin ni Ate Madc. Hindi ako sumagot sa kanya at yumakap lang sa kanya, yumakap din naman siya pabalik at tinap-tap ang likod ko

"Hindi ko na kaya, kaya nakipagbreak na ako sa kanya" sabi ko

"Hmm. Dito lang ako. Tsaka tama rin ang naging decision mo. Nandito lang ako" sagot ni Ate Madc

"Thank you, Ate" sabi ko

"Wala yun" sambit niya at niyaya niya na ako sa loob para kumain ng dinner. Akala ko naman kanina, kumain na siya nung umalis ako, hindi pa pala






•••








Kakapasok ko palang ng DR ay nanghihingi na agag chika sa akin si Ate Neri

"Ate for sure akong nabanggit na sa iyo ni Ate Madc, last night. Ano pang sasabihin ko? Talakan mo na lang ako. Hahaha" sabi ko sa kanya

"Grabe siya. Syempre, hindi naman detailed ang nasabi sa akin ni Madsuyy, kaya dali na" pagpupumilit na sabi pa nito

"Mamaya na lang, after ng work natin. Ke-aga aga, chismis hanap mo" sagot ko naman

"Sige na nga. Mamaya ha, kapag ako tinakasan mo, yare ka sa akin" may pagbabantang sabi niya

"Oo na po, Neri boom boom" sambit ko naman

Sabay na kaming nagtungo ni Ate Neri dahil magsisimula na ang show. Saturday din pala ngayon, kinakabahan ako kung ano yung FUNishment namin. Halla!

"Okay Vice, lublob ka pa" rinig kong utos nina Kuya Vhong kay Vice

"Lulublob pa?! Ang daya naman" rinig kong sagot niya

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para lumublob ulit. Hahaha, feeling ko kasi kulang pa yung akin. Hahaha

"Yehey! Okay na. Galeng ah" sabi pa amin ng Team Vhong

Lumapit pa sa akin si Vice para i-check at tanungin ako, kung okay lang ako. Tumango lang naman ako sa kanya

"Cute mo" sambit niya at napasimangot naman ako

"Sa lagay na ito, ha. Cute ako? Sipain kita eh" sagot ko sa kanya

"Luh! Kabayo ka na rin? Charot! Seriously, ang cute mo kahit ganyan itsura mo. Lab pa rin kita" sagot niya sa akin

"Sira ka talaga! Lab you too" sambit ko

After nun ay bahagya siyang lumapit sa akin at nilabas ang phone niya at tinutok sa aming dalawa and then we took some photos, nilagay niya pa sa IG as his story. Para kaming magjowa dun. Hahaha

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon