Pre-Celebration

155 8 0
                                    


The Last OneShot and Last PoV of Jaki


Jaki's PoV

Dahil sa announcement ng management, bawal munang maglive ang It's Showtime kaya nandito lang kami sa bahay. Wala, watch-watch muna kami ni Vice ng mga movies, series

Yun lang muna ang mga ginagawa namin ni Vice habang nandigo kami sa bahay. Quality time na rin ito para sa aming dalawa

Habang nasa kwarto ay pumasok si Mama Buern, nasa kabilang kwarto kasi si Vice

"Mama B, anong meron?" tanong ko sa kanya

"Ah, hinahanap ka sa baba, may inorder ka daw" sagot ni Mama B

Ay oo nga pala, malapit na kasing magbirthday si Vice tapos monthsary na din namin, kaya nag-order ako kanina ng cakes, mga designs for decoration nang hindi alam ni Vice. Hahaha, lagot tayo nito

Kaya sumunod ako kay Mama Buern papunta sa baba at agad naming kinuha yung mga inorder ko at dumiretso kami sa kusina. Wala pa naman si Vice, nasa kwarto pa, mamaya pa yun babangon, maliligo pa yun. Hahaha

"Tama ba ito Ate girl?" tanong sa akin ni Mama B

"Opo Ma. Sasabihin natin, hindi sa akin galing ito, pero may card na nakalagay at pangalan ko ang nakasulat para magulat siya. Haha" sabi ko naman

"Ay taray! Iba talaga si Madam" birong sabi pa ni Mama B, nagtawanan naman kaming dalawa pero agad din kaming tumahimik, baka kasi biglang magising eh

"Oh ayos na ah. Sige na, dito muna ako. Tignan mo muna si Meme" sabi sa akin ni Mama B. Tumango naman ako at agad na nagtungo sa kwarto ni Vice

Pagkapasok ko ay pansin kong nakabihis na siya, at naka-ayos na rin ang wig niya. Uy, boy look ah. Hahaha

"Akala ko si Buern. Ano naman ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin

"Wala lang, iche-check ko lang kung tulog ka pa tapos gigisingin kita, kasi tanghali na" sagot ko

"Sira ka. Sorry na my human alarm clock" sabi naman niya

"Baliw! Halika na, may cake ka dun sa baba, from your Little Ponies ata" sambit ko

"Talaga? Halika na pala, sabay na tayo" sambit naman niya at agad na lumapit sa akin at inakbayan ako hanggang makapunta kami sa kusina ay naka-akbay pa rin siya at buti naman, nandun pa si Mama Buern

"Ay Meme, may pa-cake ka oh tsaka balloons. From your Little Ponies ata" sambit ni Mama Buern

"Wow naman" masayang sabi niya at nilabas niya yung phone niya. Kukuha ata siya ng video for his IG story kaya nag-suggest ako na ako na lang ang kukuha nito, buti pumayag siya

Habang binubuksan niya yung cake ay tuwang-tuwang siya kasi may post cards ito ng BT21. Galing ko mamili no, hahaha. May freebies pa yun na photo cards ng BTS

Nang mabuksan niya ay tuwang-tuwa siya kasi ang nakalagay sa cake ay BT21 din as design. Nilapit ko ang phone niya to film that cake

"Ang cute naman. Awww! Naiiyak ako. Hahaha" sabi ni Vice. Pansin kong nagthumbs sa akin si Mama B. Hahaha surprise for Vice, check na ah. Hahaha

"At may pa-balloon pa. Pa-early birthday gift ito ah. Salamat at may card pa" sabi niya at bini-videohan ko pa rin siya

Nakangiti ako habang nakatingin kay Vice. Saya-saya niya

"Guys tignan niyo, ang saya niya no" sabi ko nung in-switch ko yung cam sa akin

"Oh? Hindi naman pala galing sa Little Ponies ko ito eh. Galing naman pala ito sa Baby ko ito eh. Awww! I realky appreciate Baby" sabi niya at tinutok ko naman sa amin yung phone niya

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now