Still You #2

95 8 2
                                    

So someone requested to do the Part 2 of 'Still You' and your wish, granted. Mabait kasi ako eh, 'di gaya ng mga ex niyo. Charaught na maharot kayo. Hahaha

If you haven't read the 1st part yet, I sincerely recommend to read it first




Jaki's PoV

It was already 8 PM nang maihatid ako ni Vice dito sa condo. Niyaya pa kasi niya ako sa bahay niya, nandun kasi si Nanay Rosario

Pagkapasok ko ay sinalubong ako agad ni Ate Neri. Nababasa ko na agad ang mga nito. Hahaha kwento na naman hinihintay nito

"Talaga?! O to the M to the G!!! Pa-kipot ka pa kanina, magbabalikan din naman pala kayo. Sana ol" sabi niya, with matching hampas pa yan ah

"Aray ah, yung hampas ah. Hindi naman agad nagbalikan agad, syempre nag-usap muna kaming dalawa, oh!" sagot ko naman

"Pinahaba mo pa, dun din naman napunta. Pero, I'm happy for you ah" biglang soft na sabi niya

"Thank you Ate" sabi ko naman and then she hugged me, yumakap naman ako pabalik







•••









"Talaga? Oy Ate girl, hindi ka na nagke-kwento sa akin ah, porket hindi tayo nagkikita ngayon?" sumbat na sabi ni Ate Madc sa akin

Nag-video call kasi itong si Ate Neri sa kanya

"Sorry na Ate Madsuyy! Sasabihin ko din naman sa iyo eh. Sorry na, promise" sagot ko naman with matching peace sign

"Hmp! Sige na, hindi rin naman kita matiis, Bebe ghorl! Pero Neri boom boom, ano pang kwento dyan? Tutal ayaw sabihin ni Jackie" sabi pa ni Ate Madc. Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi niya

"Hoy sobra siya!" sabi ko naman

"Hahaha! Ayun, diba nanood ka kanina, pansin mong nag-iba yung damit ni Vice dahil dun sa FUNishment nila, yung suot ni Vice, iting si Ate mo girl ang bumili nun eh. Yiiee, may pa-T-shirt si Mayora" sabi ni Ate Neri kay Ate Madc

Nakatakip na lang ang mukha ko gamit ang mga kamay ko, ayaw ko makita yung reaction ni Ate Madc

"Hoy Jackie, kilig na kilig. Hahaha" rinig kong sabi ni Ate Madc

"Sorry na, at least kay Vice lang ako kikiligin" sagot ko naman sabay tanggal ng mga kamay ko sa mukha ko

Nahampas na naman ako ni Ate Neri at narinig ko pa ang pagtawa din ni Ate Madc

After ng kulitang yun via Video Call ay nahiga na ako sa kama pero wala pa akong balak matulog

Nakaka-miss kulitan namin nun, ni Ate Madc. Kailan ko kaya ulit makikita yun?





•••





Nandito ako sa DR namin ni Ate Neri habang hinihintay na magstart ang show. Ang aga kasi ata ng dating namin dito sa studio

Inaayos ko ang gamit ko nang bigla akong tawagin ni Ate Neri

"Ano ba yun 'Te? Inaayos ko pa yung—" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Vice while smiling at me. Agad ko namang nilipat ang tingin kay Ate Neri, kinikilig, base sa reaction niya ah. Hahaha! Agad naman akong nagtungo sa dako nila at umalis din naman si Ate Neri, alam ko na agad ibig sabihin

"K-Kanina ka pa ba dito? Sorry inaayos ko pa yung gamit ko" sabi ko

"Ah hindi, actually kararating ko lang din" sagot naman niya

"Nice, aga mo ah. Pero bakit ka nga pala nandito? May kailangan ko ba or what?" sambit ko

"Wala lang. Gusto ko lang makasabay ka papunta sa stage" sagot niya. Tumango lang din naman ako sa kanya

And we're on our way papuntang stage and guess what? Sumabay din sa amin si Ate Neri, ewan ko dito. Hahaha

At nagsimula na nga ang show at nagsimula na rin ang pang-aasar sa amin ng ibang hosts. Ang awkward tuloy

"Masaya ako para sa inyo, Ate Girl" mahinang sabi ni Ion, sakto lang para marinig ko at tumango lang din naman ako. I felt some guilt sa loob ko, syempre, I can feel him, pero siguro naka-move on na rin siya

"Thank you" sagot ko sa kanya

"Hoy ano yan?! May iba kayong pinag-uusapan ah" rinig kong sabi ni Vice using his mic. Napa-pikit na lang ako, sasagot na sana ako kaya lang mas naunang sumagot si Ion. Napatingin din sa amin yung ibang hosts

"May sinabi lang ako sa kanya" sabi ni Ion

"Ano? Ano?" tanong ni Vice with his awkward face

"Na masaya ako para sa inyo" honest na sagot ni Ion

"Talaga? Yun lang ba yun Jackie?" serious na tanong sa akin ni Vice. Ang kulit mo Bakla. Hahaha

"Oo yun lang yun" sagot ko naman at umayos na siya ulit at ganun din naman ako










•••










"Sayawin nga natin. Dali!" sambit ni Vice at sumayaw sika with the steps na tinuro ng babaeng contender

Nakangiti lang naman ako dito sa may audience's seat habang pinapanood sila lalo na si Vice. Ang gwapo niya kapag lalaki siyang kumilos. Dagdag pogi points. Pumalakpak pa kami dito nung natapos sila

"Isa pa nga, isa pa nga" suggest pa ni Vice and they dance again, at muli din naman kaming pumalakpak sa kanila

"Ay proud na proud. Galing ba Jackie?" biglang tanong sa akin ni Kuya Vhong

Nagthumbs lang naman ako saka tumango. Nakita ko namang napangiti si Vice dahil sa sinabi ko

"Ahihihi yiiee!" pang-aasar pa na sabi ni Kuya Vhong

"Galing ko ano?! Minsan nga sayawin natin yan dito Jackie ha. Hahaha" birong sabi pa ni Vice pero natawa na lang din ako, medyo kinilig pa nga ako. Hahaha

Nagpatuloy ang TNT hanggang sa nagbiruan na naman sina Vice Kuya Vhong at Ate Kim. Tinali ba naman ni Kuya Vhong yung isang sleeve ng sweatshirt ni Vice, akala namin tatanggalin na ni Ate Kim pero mas tinali niya pa ito. Hahaha mga loko

"Luluwag tuloy ito mamaya" reklamong sabi ni Vice na parang bata

"Oh sige, tanggalin mo mag-isa yan" pang-aasar pa ni Kuya Vhong

"Ah hahaha. Ah talaga?! Kainis ito" sambit naman ni Vice

Ilang sandali pa ay natapos na rin ang show at hanggang ngayon nakatali pa tin ang sleeve ng sweatshirt ni Vice

"Akin na nga, tanggalin ko na" sambit ko sa kanya kaya napahinto kami para tanggalin ang pagkatali dito sa may hallway papuntang parking

"Oh okay na" sambit ko nung matanggal ko na

"Salamat, pero ang luwag na. Yaan mo na nga. Let's go" sambit niya at nagtungo na kami sa sasakyan niya

Habang nasa byahe ay tahimik lang siyang nagda-drive, hindi ko namang maiwasang magtanong sa kanya

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya

"Ah oo naman" maikling sagot niya habang nagpo-focus pa rin ss pagda-drive

"Something's bothering you, pansin ko lang. Kung tungkol yun sa kanina, I'm sorry" sabi ko sa kanya

"Bakit ka na nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan" sambit niya

"Alam ko, pero maniwala ka, yun lang yung sinabi sa akin ni Ion, na masaya siya para sa atin kaya huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano" saad ko naman

"Okay Ma'am" sagot naman niya

"Sira!" sambit ko at natawa lang siya

Nang maihatid niya na ako sa condo ay umalis na rin siya, magtext na lang daw siya kapag nakauwi na siya. Luh! Hahaha























Author's Note:

Eyy! What's sup mga moots? Sorry for my delayed update at sorry din kung medyo sabaw itong Part 2 ✌

Free to vote and comment kung anuman po ang reactions, suggestions ninyo. Stay safe and always PRAY mga moots

See ya on next part ☺♥

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now