Love in Boracay

138 13 5
                                    

Jaki's PoV

Excited ako ngayong araw kasi may sasabihin ako kay Vice kaya lang biglang napawi ang kasiyahan ko nang wala akong nakitang Vice sa stage. Iniisip ko rin na baka late lang siya, pero hindi eh. Nandito na kasi si Ion tapos wala si Vice, baka na-late nga lang

Inalis ko sa isipan ko na hindi siya papasok today at iniisip lang na late siya

Nagpatuloy na nga ang show at nagpatuloy rin ako sa paghihintay pero wala pa ring dumarating na Vice. Bagsak ang balikat kong bumalik ng DR ko. Excited ako tapos wala naman pala siya. Binalak ko pang magtungo ng DR ni Vice pero nasalubong ko si Kuya Aaron at ang sabi sa akin, absent nga si Vice, tinanong ko kung bakit, hindi niya rin daw alam at ang sabi lang sa kanya ay hindi ito papasok

Inayos ko na ang gamit ko at after nun ay sumabay na ako kay Ate Neri palabas ng studio

"Oh? Bakit ganyan itsura mo? Para kang naluging intsik dyan" sabi sa akin ni Ate Neri

"Ah, wala kasi si Vice eh, may sasabihin pa naman sana ako sa kanya" sagot ko naman

"Bebe, may bukas pa, huwag kang ano dyan" sabi ni Ate Neri sa akin

At ilang sandali pa ay nagtaxi na lang kami pauwi ng condo at habang nasa sasakyan kami ay nagscroll lang ako saglit sa IG at tinignan ang some IG stories ng mga ka-kilala ko, hanggang sa makita kong may IG story siya

"Eh? N-Nasa...Nasa Bora siya?" mahinang sabi ko saka ko tinignan ang mga sumunod niya pang story

Halata sa mata niya na malungkot siya, hindi ko lang kasi kilala ang mga kasama niya pero mga friend niya ito. Ngayon, alam ko na ang gagawin, kailangan niya ng comfort today at binalik ko na nga phone ko sa bago ko

"Oy, okay ka lang?" tanong sa akin ni Ate Neri

"Oo Ate, ah Manong, balik mo po punta po tayo ng airport, pakibilisan na lang po" sabi ko kay Manong

"Hoy Bebe, saan ka pupunta at sa airport ang tungo natin?" takang sabi sa akin ni Ate Neri

"Basta, sa airport ko na lang sasabihin sa iyo Ate" sagot ko

Mga ilang sandali pa ay nakarating na kami sa airport at agad akong bumili ng ticket ngayong oras

"Ate, pupuntahan ko si Vice sa Boracay, okay? Pretty much sure, hindi ito alam ng ibang hosts or baka alam na rin, basta. Pasabi na lang kay Direk na hindi ako papasok bukas, sige na Ate, please" sabi ko kay Ate Neri

"Hmm, sige na, sige na. Mag-iingat ka ha" sabi nito at tumango lang naman ako sa kanya saka ako sumakay, ngayong oras na rin kasi ang napili kong flight

Binalak ko pang tawagan si Vice pero hindi niya ito sinasagot

Around 6 PM nang makarating ako ng ligtas dito sa Boracay at agad kong hinanap ang pwesto nila Vice, buti may location yung IG story niya kanina kaya mas alam ko kung ano yung itatanong kung sakali

"Ah Ate, pwede pong magtanong? Saan po banda yung Villa De Boracay?" pagtanong ko dun sa babae

"Ah, pagkatapos ng building na yan, yung susunod, yun na ang Villa De Boracay" pagturo at pagsagot sa akin ni Ate. Nagpasalamat naman ako sa kanya saka ako naglakad dito

Ganito pala dito, kalsada at sa gilid nito yung mga resorts and villa tapos dagat na. Ang ganda lang

Nang makita ko na ang pangalan nung Villa ay agad akong nagtungo rito, sobramg lawak ng villa na ito at ganun din karami ang tao. Natawa na lang sa sarili ko, tama pa ba itong desisyon ko? Hahaha

Agad akong nagtanong sa front desk kung nagpa-book nga sina Vice dito, nagulat pa sa akin yung Ate, kilala niya pala ako, syempre, napapanood sa TV, naka-mask na ako dzai ah, nakilala pa rin ako baka sa boses

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Where stories live. Discover now