It's A Prank!

129 10 0
                                    

Jaki's PoV

Nagpaalam naman ako kay Direk na hindi muna ako papasok today at pumayag naman siya. Alam na rin ni Vice syempre ito, na hindi ako pumasok

Syempre nag-explain talaga ako kay Direk kung ano yung gagawin ko today kaya hindi ako pumasok. Naisip ko kasing i-prank si Vice. Hahaha. Ngayon,parang ayaw ko ng ituloy kasi for sure, magagalit yun sa akin. Hahaha. Pero, kailangan nating panindigan ito, syempre

Ipa-prank natin si Vice, kunwari buntis ako at hindi siya ang Tatay. Pero hindi talaga ako buntis, syempre. Hahaha. Na-iimagine ko na yung reaction niya. Hahaha. Syempre, hindi ko magagawa mag-isa ito, kasama ko dito ang mga angels niya at si Mama Buern, hindi siya sumama kay Vice eh

"Ate girl, okay na ito ah. Ito yung una mong ipapakita sa kanya. Yung ultrasound tapos sabihin mo 2 weeks preggie ka na, ganun" sambit ni Mama Buern

Nagtawanan na lang kami dahil sa ideyang ito. Hahaha humanda ka na Vice

"Paano kung magalit siya Mama Buern, at hindi niya magustuhan ito? Hahaha" tanong ko

"Bahala na Ate girl. Pare-parehas tayong papagalitan nun, hindi ka nag-iisa. Hahaha" sagot ni Mama Buern

Muli kaming nagtawanan dahil dito. Hahaha. Binigay na rin niya sa akin yung PT bukod dun sa ultrasound at nabigay na rin sa akin yung fake DNA Test. Hahaha. Hindi ko alam, pagkatapos nito, hindi ako kakausapin nun. Hahaha







_____________________________________













"Oo, pauwi na ako. Miss mo na naman ako" sabi niya sa kabilang line

"Syempre, ingat ka. Love you" sabi ko

"Opo, love you too" sambit naman niya at natapos na rin ang tawag na yun

Nandito ako sa sala at hinihintay siya. Ilang sandali pang paghihintay ay sinenyasan na ako nung isang angel ni Vice na papasok na si Vice

"Magandang hapon po Sir" bati sa kanya nung mga angels niya

"Magandang hapon din po" sagot naman ni Vice

Palihim akong sumenyas sa kanila na umalis muna sila ay iwan muna kami saka lumapit si Mama Buern sa pwesto namin at naupo naman si Vice katabi ko

"Meme, may sasabihin daw sa iyo si Jaki" sambit ni Mama Buern

Halla! Ito naaaaaa!!! Kinakabahan ako. Hahaha, ganito ba yung feeling kapag nagpa-prank? Hahaha

"Hmm, ano yun Baby?" nakangiting tanong niya sa akin

Sandali! Para akong malalagutan ng hininga dahil sa kaba. Hahaha

"Baby, huwag kang magugulat ah" kabadong panimula ko

"Oo naman, ano ba kasi yan?" sambit niya

"Sige na Ate girl, sabihin mo na" mahinang sabi ni Mama Buern, sapat na para marinig ko

"Baby... Buntis ako" malungkot na sabi ko

"T-Talaga? As in? Magkaka-baby na tayo? Yess!!" napatayong sabi ni Vice dahil sa saya pero binawi niya rin ito, napansin niya kasi kami ni Mama Buern na walang reaction, poker face lang

"Oh? Bakit hindi kayo masaya? Jaki? Magkaka-baby na tayo oh" sabi niya

"Baby... B-buntis nga ako, pero hindi ikaw ang ama" malungkot na sabi ko

"Oo Meme, ito yung DNA test oh. Hindi ikaw ang ama nung dinadala ni Jaki" sabi pa ni Mama Buern

"Ha? Paanong..." sambit niya at bahagyang tinignan ang result ng DNA Test

"Oh God! How could this be? B-bakit hindi ako?" sabi niya sabay alis dito at nagtungo siya sa taas

Nanatili kaming walang reaction ni Mama Buern, hanggang sa naramdaman ko na lang na nakapasok na siya sa kwarto namin kaya nagreact na kami ni Mama Buern. Nag-high five pa kaming dalawa

"Galing mo talaga Ate girl, best actress" sabi pa nito sa akin

"Grabe Mama B, yung kaba ko. Hahaha" sabi ko naman

"Ako din eh. Pero ano yung next? Ayun, suyuin mo na yun, dali. Hahaha" sabi niya sa akin at sinunod ko ang sinabi niya

Pa-akyat na ako pero pansin kong pababa siya kaya bumalik ako sa pwesto namin ni Mama Buern at sinabing paparating si Vice. Sinabi din niya na siguro, sabihin ko na din kay Vice na prank lang ito

"Ah V-Vice..." pagtawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at nagtungo lang sa kitchen area

Napasapo na lang ako sa ulo at narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Mama Buern

"Hahaha, lagot ka Ate girl. Sige na, suyuin mo na yun" sambit ni Mama Buern

Sumunod ako kay Vice at nagtungo din ako sa kitchen area. Pansin ko namang umiinom ng wine

"Ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin

"V-Vice... Galit ka ba?" saad ko naman

"H-hindi, na-disappoint lang. Magkasama tayo, a year tapos hindi ako ang ama ang dinadala mo. So tell me, sino ang Tatay nyan?" mahinahong sabi niya

"V-Vice" paunang sabi ko

"So sino nga?" tanong niya at tila ba naghihintay siya kung ano yung isasagot ko

Nagulat ako nung lumapit sa tabi ko si Mama Buern at sumenyas ito sa akin na sabihin na ang totoo

"IT'S A PRANK!!!" sabay na sabi namin ni Mama Buern

Halata naman sa mukha ni Vice na naguguluhan na naman siya. Hahaha ang cute

"It's a prank. It's a prank. Hindi totoong buntis ako" sabi ko sa kanya at natuktukan naman niya ako sa ulo, napa-Aray na lang ako at ganun din ang ginawa niya kay Mama Buern

"Mga bwiset kayo! Napaniwala niyo ako dun ah. Umalis kayo dito, umalis kayo. Nanggigigil ako sa inyo, talaga!" sabi niya sa amin at natawa na lang din kami ni Mama Buern

"Nagpapaka-senti ka pa dyan ah, may pa-wine si Mamuuhh! Hahaha" sabi pa ni Mama Buern

Naiinis na natatawa si Vice at tuluyan na nga siyang umalis

"Ikaw! Nanggigigil ako sa iyo" sabi niya sa akin at marahang pinisil ang ilong ko, napasimangot akong humawak sa ilong ko dahil sa ginawa niya

"Ang galing mo! Ang galing mong mangloko ah. Saan mo natutunan yan? Kaka-gigil ka" sabi niya sa akin

"Wala, naka-panood lang ako nun. Hahaha, sorry na" sabi ko sa kanya at napayakap ako mula sa bewang niya

"Sorry ka dyan! Kapag ako, gumanti sa iyo, sinasabi ko sa iyo" pagbabantang sabi niya

"Sorry na nga po" sabi ko sa kanya at sinubsob ko ang mukha ko sa bandang dibdib niya at yumakap din naman siya sa akin at tinap-tap ang likod ko

"Sige na, nanggigigil talaga ako sa iyo. Pinakaba mo ako, alam mo ba yun? Pero love na love pa rin kita" sabi niya at hinalikan naman niya ang uluhan ko

"Love you too!" sagot ko naman at muli niyang hinalikan ang uluhan ko at lumayo siya ng konti sa akin at humalik siya sa noo ko

Naging successful ang ating Prank syempre, pero at the end of that, ako pa rin ang sumuyo kay Bakla. Hahaha. Nice experience, hahaha






















Author's Note:

Eyy! What's sup mga moots? Kamusta kayo? Sorry for my delayed update. Wala pa akong class ngayong week na ito pero I'm busy sa paggawa ng fanarts tapos my problem pa ang family namin, pero okay na kaya medyo natagalan pag-update ko. Sorry po

Free to vote and comment mga moots, kung anuman ang inyong reactions, suggestions. Stay safe and always PRAY mga moots

See ya on next part ☺♥













PS. If you're an A'TIN (Fan of SB19) or not, if you're not busy or wala kayong masyadong ginagawa, I highly recommend to watch the MV of the newest single of SB19 " WHAT❓" on their YT account. Thank you ♥

THOOS [ ViceJack Edition #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon