Chapter 26: Alejandra Carpio

660 28 6
                                    

Everyone's in the University's website is on fire. It's been announced na magkakaroon ng University Night with all the students and teachers of Unibersidad ng La Filipina. Akala ko Filipiniana or barong ang theme ng taon dahil celebration ng ika-85th year ng University.

But then it was a 80's clothing style kaya kanina pa ko kinukulit nina Mira and Lissa tungkol dito. I was inside the room kasama si Sabrina at hinihintay namin si Isabella. Yes, she's the professor of today's period pero 30 minutes wala pa rin siya.

"This is not her. Lagi kaya siyang on time kapag may klase." saad ni Sabrina habang may hawak na bottled water na ikinabalingan ko nang tingin.

She's avoiding me.

"Attention, guys!" sigaw ng Class Rep namin sa section. Lahat ay nakatingin sa kaniya at ako na nakapalumbaba dahil sa nararamdaman kong baka may katotohanang lumalayo si Isabella.

"Ms. Dela Vista sent an email regarding our next plate for her. She's giving us 3 days to comply the said activity before the celebration of the University Anniversary."

Lahat sila ay napabuntong-hininga dahil maikli lang yung araw na binigay. Ako naman ay hindi inisip ang problemang iyon pero mas iniisip ko kung paano ko siya makikita. She's literally hiding.

"Aww. That's too short to finish. Marami pa naman magpagawa si Miss." nalulungkot na sabi ni Sab pero minsan talaga sarap din niyang sakalin dahil alam ko naman na madali lang iyon sa kaniya. Well, she's humble and that's make her to look cute and adorable.

"Gawin mo na ngayon, Sab tapos kapag natapos mo, sunod mo na rin yung akin." saad ko kay Sabrina na ikinaliit ng mga mata niya. Pinalo niya ang balikat ko na ikinaiwas ko.

"Magpapagawa ka pa sa akin, eh sayo lang baka nga isang gabi mo lang yan." natatawa na siya dahil pinalo ko rin siya bilang ganti sa ginawa ko.

"Please check your email. I already forward the instructions. Have a safe day, guys." sabi ulit nung Class Rep namin na si Jasper. Pagkakaalam nasa Student Council din siya kaya no doubt he's responsible.

Isa-isa na lumalabas lahat maging si Sabrina ay nauna dahil may next class pa siya. Ako? I'm free now for now. Hihintayin ko na lang sina Mira at Lissa dahil may pupuntahan kami together with kambal, Japo, and Polo. Sasama naman ako sure ako kaya I'll just wait them here.

Napayuko ako sa table ko at pinapagaan ang lahat nang iniisip ko. Napaangat ako nang tingin ng tumunog ang phone.

"Hey, Erin. May meeting tayo now. Just directly proceed to the music room. Ciao!" bungad agad ni Gracy sa phone call pero binaba rin agad. Mukhang nagmamadali at urgent din yung meeting na ito. Napatingin ako sa relos ko and I have 5 hours left para sa meet up namin ng mga kaibigan ko.

I walked to the other building and nakita ko na halos kumpleto na sila sa loob. Halos maoccupy na nga yung mga upuan kaya pumasok na ako sa loob at nakita agad ako ni Gracy. Hinalikan niya agad ako sa pisngi pagkakita sa akin.

"You're here! Come, upo ka sa tabi ko." hila-hila niya ako at napipilitan ako napapangiti sa mga tao nandoon na sa tingin ko ay mga seniors na at mga bagong members ng Music Club.

They are all smiling at me kaya I felt relief dahil they're all friendly. Hindi ako mahihirapan na pakisamahan sila. Napasuklay agad ako sa buhok dahil feeling ko natangay ako ni Gracy nang ganon-ganon lang.

Napakahyper niya talaga na kabaliktaran ni Dela Vista. Paano kaya sila nagkakasundo?

"This is an urgent meeting para sa gagawing performances ng Music Club sa incoming party, Erin." hindi pa man ako nagtatanong ay nagsalita na si Gracy sa tabi. She's very energetic at parang hindi napapagod. Kaya pati ako ay kahit papano ay nahahawaan na rin niya.

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon