Chapter 17: La Vie en Rose

802 42 6
                                    

"Erin, you can do it!" sigaw ng mga kaibigan ko.

Gusto ko ibaon ang sarili ko dahil kanina pa sila ganiyan. Nasa may gitnang parte sila kaya madali lang sa akin na tanawin sila lalo na nasa stage ako.

Nagmistulang theater room ito sa laki nito kaya marami ring estudyante ang nanonood para suportahan ang mga kalahok sa audition.

"Rock my world, baby!" sigaw ni Polo sabay wagayway pa ng banner na ikinatawa ng mga estudyante roon at maging ang mga judges na pawang mga professors din from the University and ofcourse Isabella which is na nasa unahan na napatingin sa gawi ng mga kaibigan ko.

Nakita ko na lalong naging seryoso ang mukha ni Isabella matapos lingunin si Polo.

Sabi nang narinig kong tsismisan sa likod, strikta at hindi madaling maimpress si Isabella kaya marami ang natatakot at naiintimidate na sumali sa Music Club.

Napangisi na lamang ako dahil hindi na bago sa akin ang ganito. Madalas ang tumugtog lalo na kapag may party na ginaganap sa mansion o sa mga taong malalapit sa akin.

There are also some talent agency invite me to join. But since after the Avery's accident, I lost my passion, my life in everything. I lost myself for years.

"Idaan mo na lang sa dimples mo kapag may nakalimutan kang notes, Erin." narinig ko nanaman ang sigaw nila na kalaunan nakalimutan ang iniisip. Sinamaan ko nang tingin sina Japo dahil sila lang naman ang may lakas na gawin iyon.

Sina Lissa at Mira naman ay natatawa na lamang pero hindi sila pinipigilan. Nakita ko pa na may hawak na camera si Mira na para bang anytime ay handa na siya sa anumang gagawin ko.

"Let's just get married kapag hindi ka natanggap diyan, baby!" halos palakihan na ako ng mata nang sumigaw ulit si Polo pero mabilis itong binatukan ni Lissa dahil para siyang tanga sa paningin naming magkakaibigan pero sa ibang tao ay natutuwa sa kaniya.

"Kahit araw-araw mo ako tugtugan, hindi ako magsasawa. I can still remember your sweet voice. It's irresistibly hot, baby." dugtong niya ulit na ikinatawa ng mga tao sa loob pero umiiwas sa kamay ni Lissa na mapanakit. Maging iyong babaeng announcer na nasa podium ay hindi na rin maiwasang matawa. Siya yung President ng Music Club na sinasabi ni Polo na isa raw sa hinahangaan sa University bukod sa mga unggoy kong kaibigan.

Ang mga kaibigan ko ang nakakaalam sa talent ko sa musika kaya todo na lang suporta nila dahil ngayon na lang ulit nila maririnig at makikita na gagawin ko ito.

"Miss. President, can I just punch that ugly monkey. I'll just make him sleep." salita ko sa mic at itinuro ang kaibigan kong kinulang sa sustansya ng alak. Natawa nanaman ang lahat. Hindi ko alam na naging comedy bar na ito. Kulang na lang alak dahil para na silang nanonood ng live show.

Nakita ko na naging uneasy si Polo. This is new. Matinik sa babae si Polo pero pagdating sa kaniya tumitiklop siya. Pero nakabawi rin kalaunan.

"Baby, that's violence. Your baby would get mad." gusto ko na lang himatayin sa kahihiyan dahil iyon yung boses na ginagamit niya sa mga babaeng nakukuha niya. Alam ko na gumaganti ang loko dahil siya yung napagdiskitahan namin magbayad ng bills namin noong last na bar hopping namin. "Look, baby. We're wearing a couple polo tapos gaganyanin mo lang ako. You're hurting me but I still love you, baby." tukoy niya sa niregalo niya sa akin na silk navy polo. Pinaresan ko ito ng high waisted white pants and I put a leather women belt to emphasized my curve. I also wore my gold necklace na niregalo ni Mommy. Most of the time, kapag may important event ko lang ito sinusuot and today, I consider it as one.

Hindi ko naman alam na parehas kami nang suot ngayon. Kaya halos kalbubin ko na siya nang makitang parehas kami nang suot. Sinadya niya iyon, sure ako. Nasabihan ko kasi sila na sasali ako nang Music Club at ang loko naman, akala ko matino na binigyan ako ng damit pero may gagawing kalokohan.

The Devil in DisguiseWhere stories live. Discover now