Chapter 18: Loving Banana

696 33 3
                                    

"Fuck!" hinihingal ako habang nakahawak sa dalawang tuhod ko. Napatingala ako at nakita kong tumatama sa mga mata ko yung sinag ng araw na nagpadagdag sa inis ko. Sumakto pa dahil nakatapat ako sa glass window.

"Are you having your migraine again?" tanong ni Mira at tinakpan ang katawan para hindi ako maarawan. Concern ang mukha niya habang pilit tinatakpan ang katawan niya sa araw.

"Blame them." turo ko sa mga lalaki na nakahiga na sa lapag.

"What about us?" hinihingal na tugon ni Japo na tumayo na para uminom from his bottled water.

"Usapan natin five am, anong oras na kayo nagsidatingan?" sisi ko sa kanila at humiga na rin sa tabi nina Polo na hinihingal pa rin.

"Alam mo naman galing tayo sa South. You should have known na malalate kami. Almost past three na kami nakauwi nina Japo." bulyaw ni Polo at kinuha ang towel na nasa mukha ko at hinagis palayo.

Hinampas ko siya agad sa tiyan na nagpadaing sa kaniya pero tumatawa pa rin ang loko.

"Excuses. Pare-parehas tayong nasa South kagabi." masungit na sabi naman ni Lissa at binalik sa akin yung towel na binato ni Polo.

"Inabutan na tayo nang tanghali dito. Nakakagutom tuloy." naiinis pa rin ako sa kanila. Mga nagsidating ng eight am kaya nakatanggap sila ng bulyaw pa lang kay Lissa pagkadating nila.

"Buffet tayo. Our treat." paglalambing ng dalawang kambal. Binigyan nila ng bottled water sina Lissa at Mira na kinasama ko nang tingin. "Besides, it's a private celebration for Erin." tukoy niya sa audition kahapon. Ginagawa talaga nilang big deal but I'm happy na suportado nila ako even though I have my hidden agenda kaya ako sumali roon.

"Okay. I'll pay for the fee in the sports hall. My treat for Erin." sabi naman ni Japo. We always rented this hall kapag may exercise kami since ayaw nilang pumunta ng gym dahil masikip daw para sa amin. And we always play sports kapag nandito kami.

"Tubig ko?" lahad ko ng kamay dahil wala man lang inabot sa akin.

Tinuro ng kambal si Polo na dalawang bottled water na yung walang laman.

"Gago ka talaga, Polo. Kakalbuhin na talaga kita!" napatayo na ako at sinampahan ko siya sa likod at sinabunutan.

"Inubos mo tubig ko. It's freaking mine, asshole." dugtong ko pa na ikinangiwi niya at humihingi nang saklolo sa mga kaibigan namin na tumatawa lang.

Hawak ko ang ulo ni Polo at sinenyasan yung kambal at si Japo na batuhan ng bola.

"Bullseye" natatawang saad ni Mira sa gilid habang nagpupunas nang pawis. Mira has a perfect body since she's an athlete. Though, wala pa kaming nababalitaan na boyfriend niya.

Naiintimidate siguro sa kaniya. She's a good catch and her beauty is execptionally good.

"Three points from number 3" sigaw naman ni Japo na tinamaan talaga sa mukha si Polo. Bumitaw na ako sinimulang tumakbo papunta sa kanila dahil siguradong gaganti itong si Polo.

"Run for your life, Erin." natatawang sigaw ni Lissa kasama si Mira na papunta na ng shower room at hinubad yung shirt niya habang papasok sa shower room. She's wearing sports bra so malakas loob lalo na kami-kami lang naman nandito.

"Lissa! May baby fats ka tapos dito ka pa naghubad. Have some decency." sigaw ni Polo habang naghahabulan kami.

Namumula yung ilong ni Polo dahil sinadya talaga ni Japo na tamaan ito sa mukha.

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon