Chapter 12: First Fall

823 33 7
                                    

Nagulat ako ng may pasimpleng inabot sa table ko ni Sabrina.

"Erin, here." sabay baba niya sa table ng gamot at bottled water na hindi pa nabubuksan. "May medicine kit ako and hindi ko pa nabubuksan yung bottled water kaya inumin mo na yan." dugtong niya.

"Thank you, Sab." kailangan ko ito pero sana kape yung gusto kong nasa harapan ko.

"Mukhang naparami inom mo." mahinang sabi niya na sandaling dumako ang paningin sa akin pero tumingin din kay Isabella na nasa harap.

"Nagkayayaan lang kagabi kasama mga kaibigan ko." bigkas ko at binuksan ang gamot na binigay niya. Ininom ko ito para kahit papano ay mawala ang sakit ng ulo ko. "And you should meet them someday specially my friend, Japo. He has a crush on you." sabi ko na nakangiti kay Sabrina para kumilos na si Japo.

"Yeah, sure." nakangiti siya pero napansin ko ang pagkapula ng pisngi niya dahil sa huling sinabi ko.

Natapos ang klase at tinapik na lang ako ni Sabrina sa balikat. "Goodluck, Erin. Kita na lang tayo sa afternoon class." nagbibirong saad ni Sabrina kaya ikinatawa ko ito.

Isa-isa na sila lumalabas kaya nilagay ko ang ulo sa desk ko at pumikit.

Kung ganito nararamdaman ko, sana sila rin. Mungkahi ko sa mga kasabayan kong kaibigan na uminom kagabi.

Napaangat ako agad ng tingin na may narinig ako bumagsak na libro sa lamesa.

Nakita ko si Isabella na nag-aayos ng gamit niya pero hindi nakatingin sa akin.

"Ms. Dela Vista." saad ko habang papunta sa harap dala ang sling bag na ginamit ko kagabi. Pero hindi pa rin siya tumitingin.

"I'm sorry about earlier." mahinang sabi ko na siya lamang nakakarinig na ikinakuha ko nang atensyon niya.

Narinig na bumuntong-hininga siya muna bago humarap sa akin.

"You should know your limitations, Ms. Sebastian." pormal na saad niya pero mahihimigan na hindi niya gusto ang inasal ko kanina.

"Kung matutulog ka lang sa klase ko dapat hindi ka na lang pumasok." dugtong pa niya na may seryosong tingin.

"I know but it's just a matter of situation." pagpapaliwanag ko. Gusto kong sabihin na natulog at nagising ako sa bahay na hindi ko kilala. And take note, for the second time.

Kung bahay ko lang iyon baka nga hindi muna ako pumasok.

Naglakad ako papunta sa blackboard niya at ako na mismo ang nagbubura roon.

Gusto ko mapalapit sa kaniya pero ng dahil sa kalasingan ko mukhang back to zero nanaman ako.

Pinagpag ko muna ang kamay tsaka lumingon sa kaniya na nakatingin sa akin nang diretso.

Nakita ko na tinitingnan niya ang nakasaksak na charger ng laptop niya sa outlet. Pero bago pa ako makareact at humakbang na siya para tanggalin iyon.

Pero mukhang ang swerte ay nakalatag ngayon sa harapan ko. Nakita ko kung paano siya maglakad at sa isang iglap ay natapilok siya sa kurdon na nakasaksak.

"Lucifer!" bulalas ko habang nakahawak ang kaliwang kamay sa waist niya at ang kanan naman ay sa kaniyang balikat.

Nagulat ako sa paggalaw niya kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kaniya at mas napalapit pa ang mukha namin para hindi kami pareho mahulog.

Nagkatitigan kami sa mata at dinako ko ang paningin sa kaniyang mga labi at tumingin ulit sa mata niya na may pang-aakit na tingin. Mas lalo ko pang nilapit ang mukha ko na lalo niyang ikinagulat.

The Devil in DisguiseWhere stories live. Discover now