Chapter 13: Been Through

695 29 0
                                    

"Sweety, please say something." nakahawak ang dalawang ni mommy sa pisngi ko pero parang wala akong naririnig.

Nakaupo ako sa gilid ng kwarto at umiiyak. Walang boses o tunog nang paghikbi, tanging luha lamang ang mapapansin.

Dinaluhan din ako ni daddy at niyakap pero hindi ko pa rin mapigilan ang nararamdam. Nangingibabaw ang takot na nadarama dahil sa ulan na nakikita. Bawat pagpatak nito ay kasabay ng aking mga luha.

"I c-can still remember her, mom and dad." iyon lamang ang nasabi ko. Sariwa pa rin sa alaala ang nasaksihang pagkawala ng kapatid.

"B-bring her back." dahan-dahan ngunit naging garalgal ang boses dahil sa sakit na nararamdaman.

"She needs assistance from the expert. She's emotionally unstable." wika ng doctor habang nakatingin sa akin.

"Please do everything for my daughter." mahihimigan ang sakit ng boses. Napatingin ako sa aking ina ng may lungkot sa mga mata.

"I will recommend you to the Psychiatrist I know to check on her." diskusyon ng doctor pero napatingin na lamang ako sa aking kamay. Pilit inaalis ang lungkot at bigat na nararamdaman pero okupado ang isip sa kapatid na pumanaw.

"She has an Anxiety Disorder." wika ng doctor na ikinaiyak ng aking ina. Yakap-yakap ni Daddy si Mommy at inaalo ito. Alam ko na mali ito pero laking tuwa at paggaan ng aking kalooban na nariyan ang magulang ko para tulungan akong malagpasan ang pangyayaring ito. "I'm sorry to tell you but she has a Post-traumatic stress disorder. From our observation, she often experience feelings of panic or extreme fear, similar to the fear she felt during the traumatic event that happened after she witnessed her sister's death."

Kaya ganoon na lamang ang pag-aalala nila sa akin. Ayoko maging pabigat at pinilit na nagpagaling at harapin ang pait nang nakaraan. Pinilit na maging masaya ulit at buuin ang sarili. Gumigising ng may ngiti at kumilos ng may sigla kahit mahirap at labag sa aking kalooban.

Madalas akong pumupunta sa doctor ko at tinatanggap ang bawat session na nilalaan sa akin. Walang sandaling hindi ako umiiyak at natutulala pero kahit paunti-unti ay nalalagpasan ko ang hirap na pinagdadaanan ko.

Ilang buwan kong kasama ang magulang maski sa ospital at check-up ko. Hindi ko lubusang isipin na naging makasarili ako dahil alam ko na hindi lang ako ang nasasaktan sa pagkamatay ni Avery. Alam ko na doble rin ang nararamdaman dahil nawalan sila ng anak.

Kahit na hindi gusto ng aking magulang na hindi umalis papuntang ibang bansa, walang magawa dahil nagkaroon ng problema sa negosyo namin.

"I'm okay, mom and dad. I can manage myself." pagbibigay intindi ko sa aking magulang dahil kahit anong gawin ay hindi maalis na mag-alala sa aking kalagayan.

"I will take my medicine and go for my daily check-ups. I'm a grown up woman now." pilit na ngiti upang ipakita na walang kailangan alahanin sa akin. Pinakita ko pa ang mp3 player ko na madalas ko gamitin kapag inaatake ng Anxiety ko.

Nang makaalis ay napagdesisyunan pumunta sa sementeryo upang dalawin ang kapatid ko. Pinabayaan ako ng magulang na mag-drive kapalit na nakasunod na guards sa akin. I know how worried they were knowing my condition.

I touched my sister's grave and can't help but to cry.

"I'm still mourning. Kung kaya ko lang ibalik ang oras, hindi ka sana mapupunta diyan. Kung pwede ko lang pagpalitin ang sitwasyon, mas gugustuhin kong ako na lang napunta sa ganiyang sitwasyon." madamdaming saad ko at pilit na pinapalakas ang loob.

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon