Chapter 14: Brunch

708 31 0
                                    

It's saturday at nakahiga pa rin ako. Hindi natuloy kahapon ang audition sa music club dahil nagkaroon daw ng emergency meeting ang faculty members which is pabor sa akin dahil wala pa rin akong naiisip na gagawin.

Ilang araw ko na rin hindi nakakausap si Gab. May usapan kami today with Isabella at hindi ko alam kung matutuloy ba o ano at kaya kinuha ko na yung number niya kay Polo. Ang loko natuwa pa dahil kumikilos na raw ako. I texted her number but no reply from her.

"Hey, Gab! Tuloy ba tayo ngayon? I haven't see you for days. By the way, this is Erin."

Kung anu-ano na ginagawa ko. Halos three hours na rin ako naghihintay pero wala pa rin siyang text. Almost lunch time na pero hindi pa rin ako kumakain.

"Hinihintay ko tong araw na ito" sabi ko sarili habang nakaupo sa couch ng bahay at tinitingnan kung tutunog na ang cellphone ko.

Kinakausap ko na nga si Gala dahil wala talaga ako magawa. "Gala, puntahan ko na ba?" kausap ko ang aso pero ginalaw niya lang ang ulo niya at humiga ulit sa legs ko.

"Bahala na nga." dugtong ko at tumayo na ako kasabay ni Gala. Pero sa pag-aakalang susunod siya sa akin ay kay Nanay Nery siya sumunod papuntang kusina.

"Gala! Basta talaga sa pagkain nagkakalimutan na tayo." natawa na lang ako at dumeretso sa kwarto ko para maligo.

Nasa tapat na ako ng condo ni Isabella. I'm wearing a marvel sweater and denim shorts. Ilang beses na akong nagdoorbell pero wala pa rin sumasagot. Naka slippers lang din ako dahil wala ako sa wisyo para mag-ayos dahil sa gutom ko.

"Fuck! Gutom na ako." pagkasabi na biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang babaeng naka silk pajama dress na above the knee.

Wait? Wala ba siyang suot na brassiere?

I even smirk for that. Yes, attractive siya and tempting pero hanggang doon kang iyon.

"What are you doing here, Ms. Sebastian?" malamig na tanong niya at mukhang bagong gising lang siya. Kinusot pa na niya ang mata mukhang hindi alintana ang suot niya ngayon.

Hindi niya siguro napansin na ganoon lang suot niya.

Napatingin ako sa wrist watch ko at napansin kong 12 nn na. Napataas ang isang kilay ko dahil tamad pala siya kapag ganitong walang pasok.

"Pwede pumasok muna? Nakakangawit kakatayo sa labas." sabi ko na lamang at bahagya siyang tinulak patagilid para makapasok na sa loob. Lumingon ako sa kaniya at binatuhan ng throw pillow na nasa sofa. Nasalo niya ito ng may nagugulat na mga mata.

"You look sexy pero hindi ako sanay na walang brassiere yung mga nakakausap ko." nang-aasar na tugon ko ulit na ikinagulat niya at sabay takip sa harap niya.

Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita."Tell me what do you need from me?"

"I texted Gab pero hindi siya sumasagot. And as far as I remember may usapan tayo ngayong sabado." dugtong ko para ipahiwatig na lutuan ako tulad nang naging usapan noong nakaraan. "Kakain tayo, right?"

Umupo ako ng prente sa sofa niya at pinagmasdan muli ang kabuuan ng condo.

"Nasa Palawan siya ngayon dahil may shooting siya for the magazine." sabi niya habang nakatayo pa rin at sinisipat ako.

"Talaga? So siya pala talaga yung nakita kong nasa billboard." nakakahanga si Gab dahil parang ang dami na niyang accomplishments.

"Wait for me here, magbibihis lang ako." pagtatapos niya nang usapan at naglakad na papunta sa room niya.

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon