Chapter 6: Old Times

1K 52 0
                                    

Nasa loob ako ng kotse habang nakatanaw sa babaeng nakaupo sa loob ng isang coffee shop sa Quezon City. Mahigit isang oras na rin ako nandito at pinagmamasdan si Isabella kasama ang lalaking kanina pa niya kausap. Humigop ako ng bottled water na nasa tabi ko at tiningnan maigi ang folder na binigay sa akin ni Carlos kahapon.

Hindi ko siya kasama ngayon sa kadahilanan may pinapaayos ako sa kaniya. Sa tingin ko matatagalan siya dahil hindi biro ang hiningi kong pabor sa kaniya para maisakatuparan niya iyon. Mabuti na lang hindi siya nagreklamo sa mga demands ko sa kaniya.

Hawak ko ang folder na puno ng personal information ni Isabella Dela Vista. Napangiti ako sa nabasa ko na siya ang pangalawa sa magkakapatid. Ang panganay na kapatid ay namatay na ilang taon din ang nakakalipas. Ang bunsong kapatid naman niya ay walang gaanong impormasyong nakalagay pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa nang pansin. She's already twenty-six years old. Wala sa itsura niya na sa ganoong edad. Kung hindi ko siya kilala, masasabi ko na magkasing-edad lamang kami dahil sa bata ng itsura niya.

Nilipat ko ang papel at binasa ang pangalan na nandoon. Jonathan Funtelas. Ito ang long time boyfriend niya. Halos tatlong taon na silang magkasintahan. Napansin ko panaka-nakang nagsasalita naman si Isabella sa kaharap na lalaki pero seryoso pa rin ang mukha.

Ganito ba talaga siya kahit sa boyfriend niya?

Kaya hindi ko masisisi kung dumating ang oras na hiwalayan siya nito dahil sa ugali niya. Pero hindi ko iyon hahayaan na iyon ang dahilan nang pagkakahiwalayan nila.

I want it to be painful.

Napansin ko na palabas na sila ng pinto at nagpaalam at humalik sa pisngi ng lalaki si Isabella at pumunta sa kotseng nakaparada roon. Makalagpas ng stop light ng kotseng gamit niya ay siyang pagharurot ko ng sasakyan. HIndi ko pinahalata na sinusundan ko siya dahil sinisiguro ko na malayo ang agwat namin at salamat na rin sa ibang sasakyan na kasabay ko na doon din sa direksyon ni Isabella ang punta.

Napangisi na lamang ako at makitang pumasok siya sa isang Restaurant na pag-aari nila. Isa rin ito sa mga pinamamahalaan ng pamilya niya kaya hindi na ako nagulat na pumunta siya rito.

Umalis na ako doon dahil nakaramdam na ako ng gutom. Balak ko sana sa Restaurant na iyon kumain pero nakita ko na may humalik sa pisngi ni Isabella. Hindi ko alam na magkakilala sila pero hindi ko itataya ang oras na ito para lamang kumain doon at makita sila ng sabay.

Dumiretso ako sa madalas kong kainan noon. Marami ring nakaparada na sasakyan. Bumaba ako binasa ang pangalan ng kainan. Aling Pasi Eatery. Marami ang tao ngayon dahil tanghali, puro mga taxi driver na matatanda. May namumukaan ako pero ang mas kinagulat ko ay ang pagkita ko ay Mang Goryo ang taxi driver nakilala ko dati dahil sa pagkakaligtas ko sa kaniya sa isang holdaper.

Lumapit ako sa kaniya at kinalabit ang likod niya. Napansin ko na kakaorder pa lang niya kaya mas lalo iyon ikinangiti ko. "Wala ba akong libreng ulam diyan, Mang Goryo" lumingon siya sa pinanggalingan ng boses at nagulat sa pagkakakita sa akin.

"Erin, ikaw ba iyan?" napansin ko na mas lalo na siyang tumanda pero matalas pa rin talaga ang memorya. "Ang nag-iisa at namumukod-tanging, Mang Goryo" tinapik-tapik niya ang balikat na para bang hindi siya makapaniwala na makita ako.

Umupo na ako sa tabi niya na may bakanteng upuan. "Kumusta ka ng bata ka? Kay tagal na ng huling pagkikita natin." mahabang saad niya dahil kung dati rati ay madalas ako kumakain dito at nakakasabay pa kapag nagkakataon ng oras na makalabas.

"Naglibot-libot lang po at ngayon lang ho ang nakauwi sa bahay"pagbibirong saad ko pero may laman ang bawat salitang binigkas ko.

"Aling Pasi, bopis at half-rice po." sigaw ko sa matandang nasa sisenta anyos na pero mabilis pa rin kung kumilos. Tumingin ako sa kinakain ni Mang Goryo "Tsaka Pinakbet, Sinigang na Baboy, at dalawang Royal po" lumingon Si Aling Pasi at nagulat pagkakita sa akin.

The Devil in DisguiseWhere stories live. Discover now