Chapter 8: Hectic Day

923 41 3
                                    

Nandito ako ngayon sa Coffee Bean sa isang Mall sa Makati habang naghihintay ng inorder kong Cinnamon Bread. Yes, paborito ko iyon bukod sa spanish bread at kababayan na nabibili ko sa bakery na malapit lang sa Carinderia ni Nanay Pasi. Masasabi ko may kamahalan ito pero hindi rin naman nagkakalayo ang lasa ng mga iyon kaya binabalik-balikan ko iyon kapag napapadpad kela Mang Goryo.

Hawak ko ngayon ang cellphone ko habang nakacrossed legs sa single sofa na kinauupuan ko. Naghahanap ng haircut at dye color para sa akin.

Hindi ko alam kung ano pumasok sa kukote ko pero gusto kong may magbago sa akin. Gusto ko lang paghandaan ang pagkikita namin ni Isabella sa University sa ganon paraan mapapansin niya ako.

I'm really craving for your attention. Makuha ko lang talaga hindi ko iyon pakakawalan kahit gusto mo pa kumawala, Lucifer.

Nawala sandali ang atensyon ko dahil binaba na ng server ang inorder ko. Nagpasalamat ako pero napansin ko na nakatayo lamang siya sa tabi ko na para bang tinitingnan.

I asked him nicely at tinuro niya ang cellphone na hawak ko.

"I suggests ma'am, this haircut will really suits you." nakangiti na sabi niya kaya ikinangiti ko iyon dahil iyon din ang napansin ko pero hindi ko alam kung babagay ba sa akin. Pero nang dahil sa sinabi niya nagkaroon ako nang lakas ng loob.

Thanks to him anyway.

" Salamat. I appreciated that." sinabi ko bago siya ngumiti at pumunta sa kabilang table na humihingi nang permiso sa kaniya.

Naubos ko na iyo at ininom Black Coffee na binili. At first, gusto ko talaga iyong mga frappe tapos iyong maraming whipped cream pero mahirap mag-exercise kaya iniiwasan ko muna iyon.

Lumabas na ako nag-ikot ikot muna. Napadpad ako sa isang boutique na kilala at tumingin-tingin ng mga damit. Naalala ko na matagal na ang huling bili ko kaya hindi na ako magdalawang-isip na bumili dahil alam ko ay gagamitin ko rin ito sa University.

Nabasa ko nakaraan na walang Required Uniform. They allow their students to wear whatever they want kahit pajama pa iyan o pambahay as long as pumasok ka at mag-aral.

Halo ang klase ng mga tao doon. May mayayaman, mahihirap, at napapagitnaan ng dalawa. Pero kahit kailan walang mapagmatang mapanghusga doon at pantay-pantay ang estado kahit ano ka pa. Yung info galing sa mga barkada ko. Ang tanging importante lamang ay matalino ka at masipag mag-aral.

Matalino sila Mira at Japo, pero yung masipag? Never mind.

Marami rin akong dalang paper bags at sa wakas ay nakita ko na rin ang parlor na pagmamay-ari ng amiga ni mommy.

I guess makakalibre ako nito. Para saan pa ang koneksyon nila mommy kung hindi ko gagamitin.

Pagpasok ko pa lamang doon ay nakita ko na agad si Tita Marga na mommy ni Lissa. Ang swerte nga naman nasa palad ko, makakatipid ako ng libo libo nito dahil nandito si tita.

Nakipagkumustahan muna ako at sinimulan na ang paggugupit ng buhok ko. Hindi ko na kailangan pa ng appointment dahil diretsong VIP na agad. Napangiti na lamang ako sa treatment na binigay sa akin.

"Are you sure about this, sweety?" tanong ng mangugupit sa akin na bakla pero nagsalita ulit. "But I think this haircut will looks good on you, so let's give it a try. I'll make you more beautiful." pambabawi niya at  mukhang excited pa sa gagawin na gupit para sa akin.

"Sabi mo yan, Mamita. Dapat hindi ako magmukhang lalaki niyan." biro ko senior hairstylist ng salon. Sabi ni Tita Marga kilala raw siya sa tawag na ganon kaya ganoon na lang din daw itawag ko sa kaniya.

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon