Chapter 3: Encounter

2.2K 70 0
                                    

Kinagabihan ay hindi na ako kumain. Kahit anong pilit ni Nanay Nery ay hindi ko mapagbigyan ang gusto niya. Sa pag-aakalang makakaligtas na sa kaniya ay hindi pa rin ako tinantanan. Hinatiran pa ako ng gatas dito sa loob ng mini gym.

"Nanay Nery naman!" bulyaw ko habang nakita ko siyang nilalapag ang gatas kasama ang extra bottled water na dala rin niya.

"Ano? Pagkatapos mo uminom mg tubig, inumin mo itong gatas. Pampatibay ng buto yan. Mataas yan sa calcium kaya hala sige na" napatawa na lang ako habang tinitingnan siya sa gilid ko.

"Okay pero matulog na kayo para mainom ko na iyan. Maghapon kayong palakad-lakad sa bahay kala niyo naman kumakandidato kayo" biro ko at as expected nakatanggap ako ng palo sa bandang puwetan ko.

"Ginawa mo naman ako matanda niyan. Pero sige na bababa na ko para makapagpahinga. Tawagin mo na lang ibang kasambahay dito kung may ipaguutos ka pa" hindi pa rin talaga siya tumigil na ikinailing ko dahil da kakulitan niya.

"Nay, you see I can manage myself. I've been away for years. I'm independent now" pagmamalaki ko pero sa loob ko ay nasasaktan sa kadahilanang iyon ang naging dahilan kung kaya't nagbago ako.

Napagbuntong hininga siya sa aking sinabi "Sige na basta inumin mo ito at matulog ka na pagkatapos mo diyan" umalis na siya matapos ko marinig ang pagsara ng pinto.

Tumingin ako sa oras at nagulat ako na na past ten na ng gabi. I started running around eight o'clock. Mahigit dalawang oras na ako nandito. Tumitigil man ako kapag iinom lang ng tubig pero bumabalik din agad.

Madalas ko ito gawin bilang routine ko. Kasama ko ito sa plano, ang pagpapanatili ko sa kurba ng katawan ko. Kailangan maging maganda sa paningin ng lahat at kaakit-akit.

Nakatingin ako glass window at tinatanaw ang sinag ng buwan sa langit. Pilit ko siya inaabot pero sa gigil ko ay hininto ko na ang ginagawa.

Bagkus sinimulan ko na ang isang daang push ups at sit ups. Napahiga sa sahig dahil sa hingal at pagod na habang nakatingala sa kisame. Nakikita ko ang neon stars sa kisame na halos maluma na. Maganda ang Interior ng loob at sa tingin ko hindi nababagay ang neon stars na nakadikit.

Hindi ko alam na hindi pa pala ito tinatanggal. Wala sa sariling may tumulong luha sa magkabilang mata at inalala ang sandaling kinabit namin ni Avery iyon para raw sa tuwing nag eexercise ako may extra light daw ako. Gusto kong matawa sa explanation niya.

Winaglit ko na sa aking isipan iyon. Bagkus uminom ng tubig pati ang gatas na halos lumamig na sa kakahintay sa akin.

Bumalik na ako sa kwarto para maligo at maayos ang sarili para makatulog na.

"Tomorrow is just the start" Bulong ko sa aking sarili at nakatulog na nang mabilis dahil sa pagod na naranasan maghapon.

---

Nakatanaw ako gilid habang pinagmamasdan ang bawat kilos niya. May kumakausap sa kaniya pero hindi makikitaan may interes sa kaniyang kausap.

"Erin, are you ready" tumabi sa gilid ko si Carlos na halos pitong taon ang tanda sa akin. Wala akong nababalitaang kasintahan o asawa man lang. Malihim siya pero naiintindihan ko naman kung gusto niya maging private ang buhay niya. Matagal na siyang naninilbihan sa pamilya namin kaya malaki ang tiwala ko sa kaniya.

"I waited for this day, Carlos. Gusto ko makilala niya ako sa paraang hindi niya inaasahan." saad ko habang nakatingin pa rin sa babaeng kanina ko pa pinagmamasdan.

Pero tumingin ako gilid ko kung saan nakatayo si Carlos "Gusto ko kapag nakita niya ako makikilala niya agad ako kapag nagkita ulit kami" mahinahong hayag ko pero may diin sa mga salitang binitawan ko.

The Devil in DisguiseWhere stories live. Discover now