Chapter 19: Thick-faced Sebastian

601 31 3
                                    

Two weeks had passed but I'm still in the urge of punching Carlos dahil wala siya sa Pilipinas ngayon. He then promised me na ready na ang lahat pero ito naman ang biglaang pag-alis niya dahil sa errands nina Mom and Dad.

Hindi pa kasi ako mautos-utusan dahil nasa gitna pa ako nang pag-aaral at masiyadong malayo ang bansang tinutuluyan nila para puntahan ko ng ilang beses kung gugustuhin nila.

"I know, Erin. But I'll be away for a month or two." saad ni Carlos na nagpatayo sa komportableng higaan ko.

"What? Nangako ka hindi ba?" napataas na boses ko. Naiinis ako dahil hindi ko malapitan si Isabella sa University dahil ayokong magkaroon ng issue na patungkol sa amin. Mahirap na pero kung wala na talagang choice, then so be it. Dobleng ingat lang baka magulat na lang ako nasa mansion na ang magulang ko.

May security nga ako pero yung loyalty nito ay sa akin at kay Carlos kaya kung ano man ang update ng mga guards ko ay scripted na nakakarating sa magulang ko.

"Yes, I know that, kid." turan niya pero lalong nagpainis sa akin na gawin nanaman akong paslit dahil sa pagkakatawag sa akin.

"Should I call you, Kuya?" sarkastiko kong saad pero tumawa lang siya.

"Why not? I treated you like my sister and Avery of course." may lambing saad niya. Sandaling lumambot ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Having Carlos is such a blessing.

"If that's the case, a brother should seldomly spoiled their little sis." sabi ko naman at sana naman pumayag siyang huwag na lang umalis. Pero I'm sure imposible lalo na importante ang gagawin niya.

"Maybe next time, kid. Kahit gusto ko magstay dito at suportahan ang soon to be unsuccessful plans mo, I just can't lalo na kailangan ko pang tulungan sina tito at tita." saad naman niya. Yes, tito at tita na ang tawag niya kela mom and dad. Gusto ko siyang bangasan man lang dahil sa pang-aasar sa plano ko kay Isabella.

"I'll call your sister para siya na lang ang tumulong sa akin." pananakot ko pero si Carlos ay tumawa nanaman.

Mukha ba akong joker para pagtawanan lagi?

"You can't do that, Erin. She's with me dahil gusto siya makausap ni tita para kumbinsihin doon mag-aral." saad ni Carlos. Nagulat at the same time ay natuwa dahil ang nakakabatang kapatid nito ay halimaw din sa talino.

"Wow! Really? Sana pumayag si Sandy na doon mag-aral. She's only seventeen, right?" natutuwang saad ko. Biglang nagbago mood ko dahil ngayon pa lang ay proud na ko sa kapatid ni Carlos dahil nakilala ko na ito noon pa man. She's smart, beautiful, and a soft-hearted person. Siya yung tipo ng tao na hindi papayag sa kalokohan ko sa buhay. Ilang beses na rin ako pinilit sa ibang bansa mag-aral pero ayoko. Hindi nila ako mapipilit even my parents though.

"Yes, Erin and I just think I need to hang up dahil nasa airport na kami papunta sa States." saad niya na ikinagulat ko nanaman. Seriously? Ginawa nilang jeep yung eroplano. From that country to another country. Hindi ba sila napapagod kakabiyahe?

"What? Kapag ako talaga nakagraduate na, I'll make sure na ipapalipat ko lahat ng business sa Pilipinas para umuwi na rin sina Mom and Dad. I swear!" nahihibang na saad ko pero alam ko na ngayon pa lang ay kinakabahan na si Carlos dahil alam niyang may isa akong salita.

"Yeah? Should I arrange the papers now?" kabadong saad niya pero napatawa ako nang bahagya.

"Brother, I have two years para pag-isipan ang plano ko na iyan but I think it's a good idea na ayusin mo. Tell my parents about my plans." napalakas na talaga ang tawa ko dahil ganoon na lang ang pagkabuntong-hininga nang malakas si Carlos.

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon