Chapter 5: Not So Naked

1.4K 57 0
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa tunog na nanggagaling cellphone. Kinapa-kapa ko ito dahil nahihirapan pa akong imulat ang mata ko. Pinindot-pindot ko lang at tumigil din ang tawag. Pero nagawa kong imulat ang mata may napansing kakaiba.

Ayokong isipin pero parang ganoon na nga ang nangyari.

I just slept with a stranger.

Bumangon ako kahit masakit pa ang ulo dahil sa dami ng alak na ininom ko. Nakita ko ang babaeng katabi ko na mahimbing pa rin natutulog.

Sinipat ko ang katawan ko kung may pagbabago ba akong nararamdaman o sakit man lang pero wala bukod sa hangover. Nakasuot pa rin sa akin ang  underwear ko pero hindi ang dress na suot ko kagabi.

Hinanap ng mata ko ito at nakita kong nakasalampak lang sa single sofa na mukhang hinubad ko at tinapon lamang doon.

Hindi ko alam kung ano nangyari kagabi pero ang tanging naaalala ko lang ay may pinakilala sa akin sina Polo na kaklase raw niya ito sa isang minor subject.

Gusto kong pagmumurahin yung mga gago lalo na si Polo dahil siya ang lagay nang lagay ng alak sa baso ko. Alam ko motibo nila at iyon ay ang madiligan ako. Fudge! Even those twins and Japo. 

Kilala ko ang hilutsa ng bituka nila pero nagpapasalamat na lang ako dahil mukhang walang ginawang kababalaghan ang kasama ko ngayon sa kwarto.

Napabaling ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng kama. Gumalaw siya at minulat ang mata niya.

Tulad ko nagulat din siya sa sitwasyon niya. Napatayo rin agad sa kama na kinahihigaan niya pero napahawak din sa ulo.

"Argh. Fuck! Who the hell are you and what the hell are you doing in my room? " gusto kong matawa dahil may natuyo pang laway sa gilid ng labi niya.

Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto at masasabi ko na may taste siya sa design ng interior. Maganda ang pagkakagawa, sakto ang kulay at hindi masakit sa mata.

"I know what you're thinking pero sa tingin ko walang nangyari sa atin." malumanay na sabi ko para hindi na siya ulit pa maguluhan. "Okay, miss? Besides, we are both girls. So please, calm down." pang-aalo ko sa kaniya dahil hindi pa rin siya nagsasalita.

Tinuro ko ang gilid ng labi niya and mouthed na punasan niya. Hindi niya ako naintindihan kaya inaabot niya ang salamin sa may vanity table niya.

Tiningnan ang sarili at nanlaki ang mata. Natawa ako at nakita kong pinunasan niya iyon agad gamit ang nakuhang wet wipes doon.

"So you're Polo's classmate, right?" pagkukumpirma ko kung tama ba ang pagkakaalala ko kagabi o baka imagination ko lang iyon.

"Yes." iyon lamang ang nasagot niya at tumingin sa akin.

Iniwas din agad ang tingin at nakita ko namula ang pisngi niya. Kumunot ang noo ko at napansing wala akong suot na damit maliban underwear lang.

"Tangina." napamura ako. Hindi ko madalas gamitin ang murang iyon pero nagamit ko ngayon dahil sa kahihiyan.

---

Nasa banyo ako ngayon ni Gabriel. Nagbigayan na kami ng pangalan tutal mukhang mapagkakatiwalaan naman siya. Pero ang hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako kabila ng kahihiyan.

Babae naman kami pareho kaya bakit ako nahihiya. Walang malisya.

Iyon ang tinatak ko sa isip ko at lumabas na. Maayos na ang suot ko dahil pinahiram niya ako ng isang denim shorts at ng isang dark blue polo shirt. Medyo fit ang damit dahil mas matangkad ako kaysa sa kaniya. Sinagad ko na rin at nakiligo na rin ako.

The Devil in DisguiseWhere stories live. Discover now