Chapter 9: Lucifer

835 43 1
                                    

Kasalukuyan akong nasa loob ng walk-in closet at nag-aayos. Naglagay ng light make-up at gumagamit ng blower para matuyo ang buhok. Hindi ko na kailangan pang ayusin ang buhok dahil maikli na ito at kaunting suklay lang ay maganda na.

Sinipat ko ang sarili sa salamin at tiningnan kung maayos ba ang kinuha kong pares na damit. Sinuot ko ang cropped polo top at black highwaisted pants. Tinernuhan ng black high cut sneakers at binitbit ang shoulder bag na binili ko pa sa mall.

Bumaba na ako sa hagdan para pumasok. Kahit na gusto ko kumain doon ay hindi magawa dahil late na rin ako nagising. Bagkus pinadala na lang sa akin ni Nanay Nery and sandwich na ginawa.

Nakita ko pa si Gala na kumakain ng almusal kaya nilapitan ko ito at hinahawakan ang mabalahibong katawan."Ang takaw mo ha. Mukhang kailangan mo na mag-exercise." nakangiting tingin ko sa aso busy sa pagkain niya.

"Ipapasyal ko siya mamaya sa subdivision para kahit papano makapaglakad-lakad." saad ni Nanay Nery sa akin dahil maging siya ay natutuwa. Nagpaalam na ako at sinabing niyang mag-ingat ako.

Halos trenta minuto ang estimadong biyahe ko kaya hindi na rin ako nagdalawang isip sumakay sa kotse para makaalis na.

"I want coffee, Erin." biglang bungad nang tumawag sa akin. Sinilip ko pa kung sino ang caller at nakitang si Japo ito.

"Then drop to the nearest coffee shop." sabi ko habang nakatingin pa rin sa daan at konsentrado sa ginagawa.

"Sabayan mo ko uminom, Erin. Please." may paglalambing pa na saad niya. Si Japo ang pinakaadik sa kape at pumapangalawa ako sa kaniya. Kaya siguro ako niyaya niya dahil nagkakasundo kami rito.

"Nasa Starbucks ako malapit sa University. What do want to have? I'll take your order, Erin." dugtong pa niya kaya napangiti na lang ako at walang magawa dahil gusto ko rin naman.

"Capuccino sa akin, Japo." paliko na ako ng kalsada at natanaw na ang Starbucks. Makikita na puro estudyante at mga officials ng University rin ang napapadpad dito. "Thank you and I'm on my way there."

Nilock ko muna ang kotse at hindi na inabalang dalhin ang bag. Naglakad papasok at nakitang nakaupo si Japo sa may bandang tagong parte ng Coffee Shop.

"What the hell, Erin." hindi makapaniwalang gulat ni Japo at tumayo para lapitan ako. Sinipat niya ang buhok at talagang hinawakan pa.

"Layuan mo nga ako Japo! Ginugulo mo yung ayos mg buhok ko." kahit na hindi ko naman inayos ay sinabi ko lang iyon dahil may ibang tao na napapatingin sa gawi namin.

"When did you cut your hair?" hindi pa rin siya makapaniwala. "You look so beautiful, Erin. I swear! Kung hindi lang kita kaibigan baka niligawan na kita pero ayoko dahil hindi talaga tayo talo." diretsong saad ni Japo kaya kinatawa ko na lang.

"Kung hindi kita kaibigan..." pambibitin ko. "Basted ka sa akin." sabay kindat ko sa kaniya na ikingiwi kaya hindi ko maiwasang tumawa habang nakatingin sa kaniya.

"Sir here's your blueberry cheesecake and chocolate cake." sabay baba ng babaeng server sa table namin. Napaupo na rin ako dahil nakita ko yung coffee ko doon.

"Thank you, Miss." nakangiting pasasalamat ni Japo at umalis na ito para bumalik sa counter.

"So what makes you change in that way. It's literally not you, the Erin I know. " nakatingin si Japo sa akin dahil kilala niya ko na madalas kapag nagpapagupit ako ay trim lang dahil mas gusto ko na may kahabaan ang buhok at madaling ayusan kapag may party o ganap.

"For a change?" natatawang tanong ko rin. Pero natutuwa naman ako dahil hindi ako nagkamali sa napili kong haircut.

"Naisip ko lang kasi ang tagal ko nang hindi nagpapagupit tsaka libre ito kay Tita Marga." natawa si Japo sa huling sinabi ko.

The Devil in DisguiseWhere stories live. Discover now