Chapter 2: Start

3.2K 85 4
                                    

Papunta ako ng kusina para magtimpla ng kape. Ilang buwan na rin simula ng bumalik ako ng Mansion.

"Erin, tumutunog ang telepono mo." pambungad sa akin ni Nanay Nery na siyang naging care taker ng bahay.

Humalik muna ako sa pisngi niya at kinuha ang cellphone ko na naiwan ko sa sofa.

"Ikaw talaga bata ka. Pawisan ako tapos hahalikan mo ko sa pisngi" I just winked at her dahil sa paglalambing ko sa kaniya. Bukod sa parents ko at kay Avery, si Nanay Nery ang nakakuha ng amour ko para sa kaniya.

Si Nanay Nery ang tinuturing kong nanay sa Pilipinas. Ang mga magulang ko ay nadestino sa ibang bansa para sa negosyo. Ilang beses na rin ako sinabihan na pumunta roon pero mas gusto ko rito kaya madalas ay sila ang nag-aadjust at labas masok sa bansa.

"Carlos, any updates?" bungad ko agad dahil alam ko na kung ano ang tinawag niya.

"Pampanga, tomorrow, alas nuebe ng umaga, Senorita Erina Raven Sebastian" napangisi ako sa balitang iyon. "Erin lang Carlos tanggalin mo na ang Senorita dahil hindi ako natutuwa sa tabas ng dila mo." napatawa siya sa kabilang linya kaya hindi ko na rin mapigilang mapangiti dahil sa kalokohan niya. Erin ang gusto kong itawag sa akin at wala ng iba. Si Avery lang pinayagan ko na tawagin ako sa Raven dahil mas matigas pa ang ulo niya kahit ilang beses ko na sinabi sa kaniya na Erin lang gusto ko.

May binigay pa siyang info at sinabi ko na lang magsend ng email sa akin para mabasa ko lahat.

Binaba ko na ang telepono at humigop ng kape na tinimpla ko. Simula nang bumalik ako rito, pinag-aralan kong kontrolin ang emosyon ko. Pinag-aralan kong tumawa at ngumiti na bukal sa loob ko.

Gusto kong maging natural ang lahat. Malinis ang pagkakagawa ng plano para maisakatuparan ito na naaayon sa gusto ko.

I was diagnosed with Anxiety Disorder way back nang mamatay ang kapatid ko. Pero nalagpasan ko iyon. Hindi ko nga lang maiwasang pigilan minsan sa tuwing bumabalik ako sa lugar na lagi kaming magkasama ni Avery at sa tuwing naiisip ko siya. 

Avery is my little sis. She's my everything. Simula pagkabata ay hindi ko na nakakasama nang matagal ang magulang namin pero simula nang dumating si Avery sa kaniya ko binigay ang atensyon at naging masaya kahit wala ang presensya ng magulang namin. Pero kahit ganoon pa man ay kahit kailan ay hindi nagkulang sina mom and dad na ipakita ang pagmamahal sa amin sa anumang paraan. 

Kaya naging mahirap sa akin nang mawala siya sa paraang hindi niya deserved.

She deserves to live and be with us. But everything turns into a nightmare.

Pero ngayon sigurado na ko. Ito na ang umpisa ng sinimulang plano ko. Wala akong pakialam kung sino man masasagasaan ko. Ang mahalaga maramdaman nila ang sakit na nararamdaman ko.

Kinuha ko ulit telepono ko at tumawag sa Registrar ng University na papasukan ko.

I was only eighteen huli nang pasok ko sa isang University. Pero hindi ko pa rin pinabayaan ang pag-aaral ko dahil ginawan ng paraan ng magulang ko ang lahat. I was home schooled habang sinasabay ko ang pagpunta sa therapy session ko.

Naging mahirap sa akin ito pero pilit ko nilagpasan. Nakalimutan ko na ang kaibigan, pero sila? Hindi nila ako iniwan.

They were there and will always be there for me.

Palagi pa rin sila pumupunta sa Mansion para bisitahin ako. Umiinom kami na lagi naming nakasanayan. I loved once pero nasaktan din sa huli dahil mas pinili niya akong lokohin at pagsabayin. Hindi ko na siya pinahirapan pa at ako na ang kusang nakipaghiwalay.

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon