Chapter 1: Memories

6.9K 117 8
                                    

"Ineng, baka gusto bumili nitong suman sa latik. Bagong luto at specialty namin ito rito" bungad ng matandang babaeng habang naglilibot sa di kalakihang palengke sa Probinsya ng Bataan.

Umiling ako sa matanda bagkus kinuha ko ang binebenta niyang sapin sapin na siyang mas nakaagaw ng pansin ko.

"Magkano po ba?" Isang mababang ekspresyong tanong ko sa matanda na siyang nakasanayan kong emosyon kapag kulang sa tulog.

"Nako bata ka ito pala ang gusto mo, singkwento pesos lamang ito" kinuha niya sa palad ko ang hawak na gusto kong bilhin at nilagay sa plastic at binigay sa akin.

Hindi ko na lamang siya sinagot at binigay ang halagang singkwenta pesos na siyang hinihiling niya.

Lumakad na ako palayo at narinig ko pa siyang sumigaw "Salamat Ineng, buena mano ka pero napakasungit mo na bata mo." Napailing na lamang ako dahil sa pinagsasabi niya habang papalayo sa tindahang kinatatayuan niya. "Pero napakaganda mo, kutis porselana rin" Pambawing sabi niya na siyang kinangisi ng kaunti dahil sa pagiging masayahin ng matanda.

Sumakay sa motorsikolong binili ko nang mapunta ako rito at tumungo sa destinasyong palaging nakakasanayan tuwing lulubog ang araw.

Morong Beach

Umupo ako sa tabing dagat habang tinatanaw ang malinaw na tubig na bibigyang kulay nang sinag ng araw habang kinakain ang biniling sapin sapin at dinadama ang sariwang hanging tumatama sa katawan ko. Pilit winawaksi ang alaala niya pero hinding-hindi ko makalimutan hanggang sa napatunganga na lamang ako sa dagat na para bang nakikita ko siya doon na kumakaway sa akin.

Napapaluha na lamang ako at inaaalala ang nakaraang gusto kong ibaon sa limot. Napatungo na lamang at doon nilabas ang sama ng loob na hanggang sa ngayon ay nakatanim pa rin sa puso ko.

"Hey, sweet pumpkins" pag-agaw atensyon sa akin.

"Do you know how to make the Princess' castle using this sand, Raven?" napatingin ako sa gawi ng maliit na tiyanak. Hindi ko alam kung saan siya natuto magsalita ng Ingles samantalang pare-pareho kaming sa Pilipinas lumaki.

"Yes, ofcourse. It's your sister your're talking so definitely I know everything" taas noong sabi ko sa kaniya. Ang lola Amor ko ang nagturo sa akin gumamit ng lenggwaheng Ingles dahil sa Ilocos ang kinagisnang probinsya niya. Kaya simula nang lumipat siya sa Manila, Ingles na talaga ginagamit niya kaya pati ako nadamay.

Pero itong kapatid kong ito ang hindi naabutan si Lola Amor dahil namatay na siya pagkasilang pa lang ng tiyanak na ito.

"Can you do something big for me?" pakiusap niya sa akin habang lumalapit sa beach chair na kinauupuan ko. Ginamit pa niya ang malilit na kamay niya para ipakita kung gaano kalaki ang gusto niya.

Tinanggal ko muna ang shades ko ang tumayo sa harap niya na inaayos ang suot na Blue Bikini . Hindi ko mapigilang mapatawa sa harap niya dahil sa mapupula at matabang pisngi niya. "In one condition, Avery" lumuhod sa harap niya habang hawak ang magkabilang pisngi niya dahil sa panggigil ko.

"Drop it now, Raven.. Ate" Doon ko na talaga nilabas ang tawa ko dahil hindi niya magamit ng tama ang salitang ate. Hindi ko alam kung bastos ba ito o hindi lang talaga siya naturuan ng maayos sa Filipino Subject niya.

"I'll pack your things and you're going to come to your field trip and enjoy the company of your classmates there" tinaas taas ko pa ang dalawang kilay ko na parang sinasabi sa kaniya na ito na talaga ang pinatamang desisyon na gagawin niya sa buhay niya.

"What? I told you I don't want to go there. I hate to be with them. I would rather stay to my room and watch my favorite Princess' movies." Diretsong sabi niya habang nakalagay ang dalawang kamay sa bewang. "Then this conversation is done" patayo na sana ako pero hinila niya ako kapantay uli ng mukha niya. Doon lumabas ang matamis na ngiti ko kasabay ng malalim na dimple ko sa pisngi.

" Fine, Raven. But let me bring my tablet with me so I can still watch there while punishing me." Ano raw punishing? Abnormal talaga tong batang tiyanak na ito. Napailing at napangisi na lang ako dahil bata pa rin siya pero ang talas ng dila at utak niya sa ganiyang edad. Grade 1 pa lang siya pero kung makapagdemand, hanep. Napatango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa proposal niya sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan sa pisngi. Tumayo na ako dinala niya ko sa sinasabing gagawan ko ng Sand Castle. Hindi naman mahirap ito sa akin dahil simula bata pa lamang ay ginagawa ko na ito, hindi lang sa Isla na ito.

Mahilig ako sa dagat kaya halos libutin ko na ang Pilipinas para lang makapunta sa mga beaches kapag ganitong walang pasok.

Kitang-kita ko ang pagkamangha niya. Umiikot-ikot pa sa ginawa ko at niyakap ang likod ko habang nakaluhod sa harap ng ginawang Sand Castle. "You know what, Raven. You're really my favorite sister. That's why, I love you, ate".

This kid is really something.

Napangiti ako dahil sa wakas natama na rin niya ang paggamit ng ate. I pinched her nose dahil sa kasweetan niya.

Nagtagal kami roon habang may pailang-ilang tao na nakatingin sa amin maaaring natutuwa sa kaingayan namin. May mga kalakihan din akong nakikita na tiyanta ko gustong lumapit para siguro magpakilala sa akin pero nahaharangan din agad ng mga bantay namin ng tiyakak na kasama ko.

Tumayo na pinagpag ang suot na oversized ripped pants dahil kung magtatagal pa ko doon ay baka mabaliw na ko. Pupunasan ko sana ang luha pero mukhang nakisama ang dagat at hangin dahil paghawak ko sa pisngi ko ay halos natuyo na ang luhang nilabas ko.

This is too much for me to bear, Avery.

"It's been two years and still ganito pa rin ang nararamdaman ko. Namimiss na kitang tiyanak ka." napatingala ako sa langit habang malungkot na tumatawa. Ang dami nang nagbago sa akin simula nang mawala ka. Pati sarili ko di' ko na maasikaso sa kakaisip kung paano ako naging pabaya sa desisyon ko.

Sapat na siguro ang two years para paghandaan nila ang pagbabalik ko. Ilang beses na rin ako tinatawagan pero maski isa ay wala akong pinakinggan. Ngayon ko lang naisip na bakit kailangan na ako magdusa kung pwede naman ibaling ito sa iba? Sa taong mas nararapat.

I'm doing this for you my little sister.

Killing them is the easiest thing for me to do. Nasaktan ako sa aspetong nadurog ang puso ko at halos mawala na ako sa katinuan. Ang dalawang apelyido ng aking magulang ay nagsusumigaw nang karangyahan at kapangyarihan para gawin ang gusto ko. Madali lamang sa akin na paikutin sa mga kamay ko ang lahat.

Tumalikod na ako at lumakad na may ngising demonyo sa mga labi ko. Kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon at tinawagan ang taong siguradong inaabangan ang pagtawag ko.

"Prepare the mansion. I'll be back in a few days."

To be continued...

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon