Chapter 4: Your Name

1.7K 54 1
                                    

Umahon ako sa pool matapos marinig ang tunog na nagmumula sa cellphone ko. Kinuha ang towel na nakapatong sa table at pinupunasan ang basang buhok at katawan.

"Sweety, I heard you've got into an accident." nilagay ko sa loudspeaker ako phone ko para makagawa pa rin ako ng ibang bagay. Hinigop ang pineapple juice na pinahanda ko kay Nanay Nery at tiningnan ang inang halos di' mapakali dahil sa balitang narinig.

"Mom, stop acting like na ngayon mo lang iyon nalaman" napabuntong hininga ako dahil nahuli ko nanaman ang inang ko sa akto. "I clearly saw your hired guards sa event na iyon."

Hindi agad nakasagot ang ina. I already told them for so how many times na ayoko nang may nagbabantay sa akin. Napagkasunduan na namin iyon kapalit ng napag-usapan namin.

"Okay, Erin. I'm sorry but you can't just stop me for caring too much. Alam mo naman na hindi safe lalo na ang mga pinaggagawa mo" I can hear my mom sentiments kaya napagbuntong-hininga ako dahil tama siya.

"I'm sorry too, mom. I know you just love so much but I can definitely can take care of myself. Besides, Carlos is also here para bantayan ako." may lambing na pagsagot ko sa ina. Dinawit ko ang pangalan ni Carlos para tumigil na ina ko sa pagbabantay sa akin.

I trusts Carlos na walang siyang sasabihin tungkol sa akin. Si Carlos ang naghire sa mga guards na iyon na inutos sa kaniya nina mom and dad kaya sigurado kaya sigurado ako na wala pa silang alam.

Nakita ko ang Daddy ko na nakadungaw din sa frame ng camera. Ikinangiti ko iyon dahil ang gwapo pa rin talaga niya kahit may katandaan na.

"Kailan ba kayo uuwi rito, mom and dad?" tanong ko pero sana ay huwag muna dahil ayokong malaman nila ang mga pinaggagawa ko.

"Erin, I called Carlos and told him na tigilan na nila ang pagbabantay sa iyo." natuwa ako sa sinabi ng daddy ko na ikinakunot-noo naman ni mommy na para bang hindi siya natutuwa sa mga pinagsasabi nito sa akin.

"I love you, dad!" may kaunting ngiti saad ko pero biglang nagbago ang ekspresyon ko nang magsalita ulit si daddy. "But nagpaiwan ako ng two guards for you. I told them na huwag magpapakita sa iyo pero when the time na nakita nilang you're in danger, well doon mo sila makikilala" diretsong saad ni daddy na ikinagulat ko.

"I just can't believe you, dad. I'm too old para sa body guards. I'm already in my 20's and turning twenty-one for the few months" pagpapaliwanag ko sa kaniya na para bang sinasabi ko na matanda na ko at hindi na ko minor para sa mga ganiyang bagay. Gusto kong magalit pero pinigilan ko.

"No more arguments, Erin. I made my decisions and it's final. Always remember that we love you. By the way, we will be going home on your birthday." mukhang excited na makikita sa mukha ng magulang ko dahil sa balita nilang uuwi sila sa araw ng birthday ko.

"Okay. I love you too. Please be safe there" iyon na lamang ang nasabi ko. Alam ko na may nalalaman silang tungkol sa pag-alis alis ko at pagpunta sa mga iba't-ibang lugar. Iyon din kasi sinabi ng therapist ko sa akin kaya hinayaan nila ako na gawin iyon.

Madalas ay tinatakasan ko pa ang mga bantay ko pero hindi naman ako natatakot dahil walang makakapigil sa kung anong gusto kong gawin.

Pinipilit kong bumalik sa dati. Gusto ko ulit bumalik ang sigla ko na madalas kong tinatakasan. Ayoko nang mag-alala ang magulang ko sa akin kaya ginagawa ko ang lahat para pigilan ang emosyon ko. 

Inayos ko ang suot na white bikini bottom ko dahil sa ginawang pagsandal ko sa table habang kausap ang magulang.

Tatalon na sana ulit ako dahil wala akong ganang magpalit ng damit matapos kong marinig ang balita ng magulang ko.

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon