Chapter 22: 39 Degrees

561 30 2
                                    

"Ugh. What the fuck!" hiyaw ko matapos isipian ang pangyayaring iyon kay Gab.

Halos isang oras na akong lumalangoy sa pool ng mansion. Malamig ang simoy ng hangin at mahamog na pero ito pa rin ako pinapakalma ang sarili.

Sabay-sabay kaming magbabarkadang umalis sa condo ni Gab. Hindi ako manhid para hindi isipin na may gusto ito sa akin. Gusto kong sumayaw sa tuwa pero alam kong magiging parte lamang ito nang imahinasyon ko.

Alam kong napansin ni Gab kung paano ko siya layuan kanina at kitang-kita ko kung paano siya nanlumo sa pinaparamdam ko sa kaniya.

"Iha, umahon ka na riyan. Magkakasakit ka." napabaling ang tingin ko kay Nanay Nery na nakatayo roon dala-dala ang robe para sa akin. "Madilim na at nakabathing suit ka pa talagang bata ka."

"Mamaya na po, Nay. Pakilagay na lang po diyan yung robe ko." napipilitang ngiti ko sa kaniya. Sanay ako sa ganitong swimwear lalo na kung nasa beach. Mas daring pa nga rito ang sinusuot ko.

Conservative your ass, Erin. Sabihin mo excluded kasi yung swimsuit sa pagiging conservative mo.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at bumalik sa realidad ang isipan ko. "May problema ka ba, Erin? Hindi mo maitatago sa akin iyan." umupo si Nanay Nery sa single sofa na katapat ko habang nasa pool. Tinungkod ko ang dalawang braso sa gilid ng pool at bumuntong-hininga rin.

"There is someone na gusto ko po." nakangiting saad ko. Sa wakas may napagsabihan din ako. Wala man nag magulang ko pero nagpapasalamat ako nandito si Nanay Nery.

Ngumiti siya nang matamis at tumawa nang mahinhin. "Sabihin mo diyan sa gusto mo na ligawan ka niya. Hindi ka kamo marunong manligaw kaya siya na ang kumilos." nagbibiro pa talaga siya. Naroroblema na nga ako.

"Nay naman!" pagmamaktol ko. Napasuklay pa ko ng buhok dahil tumatama sa mata ko ang dulo nito.

"Nagbibiro lang ako. Pero sa totoo lang bata ka, masaya ako dahil binubuksan mo na ulit ang puso mo." saad naman niya. Niyayakap pa niya ang sarili dahil siguro sa tama ng hangin sa katawan niya.

Naawa naman ako dahil matanda na si Nanay Nery at madali lamang siya lamigin.

"Ngunit sana lamang ay hindi ka na ulit masaktan. Ipapasadiyos ko na kung sino man iyang minamahal mo ay siya na ang panghabang-buhay na makakasama mo. Nasaktan ka man kay Cary ngunit alam kong mas mamahalin mo ito nang lubusan." dugtong pa ni Nanay Nery. Biglang nagseryoso ang ekspresyon ko dahil alam kong imposible ang sinasabi niya.

Maliban na lang kung puputulin ko na ang ugnayan ko kay Isabella. No, Erin! Huwag kang makasarili. Your happiness depends on Dela Vista's sufferings. Keep that in mind.

"Salamat po Nay sa pakikinig." iyon na lamang ang nasabi ko. Kahit gusto kong magsumbong sa kaniya ang totoong nararamdaman ko. Ang sakit sa puso ko nang maalala ang paglalayo sa sarili sa taong gusto ko.

"Pumasok na po kayo sa loob, Nay. Baka kayo po ang magkasakit niyan." dugtong ko at ngumiti. Ang ngiting lagi kong gamit para pagtakpan ang totoong emosyon.

"Ikaw talaga bata ka. Umahon ka na riyan. Papaluin na talaga kita sa pwet mo." natawa na lang ako at lumangoy palayo sa kaniya.

"Matulog na po kayo. Aahon na rin po. Maaga pa po pasok ko bukas, Nay. Kaya gusto ko po ng masarap na luto mo sa breakfast." nanlalambing saad ko para hindi na kami pa magtalo.

"Binola mo pa ko bata ka. Basta bilisan mo na diyan. Magtawag ka na lang ng ibang kasambahay kung may gusto ka pa." napagod na talaga sa pakikipagtalo sa akin. "Gala, halika ka na." tawag ni Nanay Nery kay Gala at sumunod sa kaniya ang aso na kanina pa ko binabantayan sa gilid ng pool. That dog is really cute. 

The Devil in DisguiseWhere stories live. Discover now