Chapter 23: Stray Feelings

596 25 7
                                    

Nakaramdam ako ng haplos sa bandang pisngi na ikinamulat ko. "Finally! How are you feeling?" hindi makapaniwalang tanong ni Gab sa tabi ko. Yes, It's Gab. Pati ako ay nagulat sa presensya niya.

"Nag-alala ako sa'yo, Erin. Do you need anything? Water? Are you hungry?" aligagang tanong niya. Natawa ako nang mahina dahil sa ginagawa niya.

"It's not funny. You, dork." nakapamaywang pa niyang saad. Akala mo wala kaming pinagdadaanang dalawa. Umupo ako sa kinahihigaan ko at napansin kong nasa clinic pala ako ng university.

"Be careful." nag-aalalang dugtong ni Gab at umupo sa tabi ko na humarap sa akin.

"How did you know that I'm here?" tanong ko dahil sa pagkakaalam ko ay si Isabella ang huling kasama ko at sigurado akong sa kaniya ako bumagsak.

Inayos pa ni Gab nang panandalian ang hibla ng buhok kong napupunta sa mata ko bago siya sumagot.

"Ate Isabella called me for help. Hindi niya kasi alam ang gagawin niya since nakita ka raw niya sa fire exit na wala nang malay." sagot niya pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa boses niya. Sa sinagot pa lang ni Gab alam ko na pinagtakpan ni Isabella ang tungkol sa aming dalawa.

"Mabuti na lang I was on your department building dahil kinausap ko yung prof ko sa minor subject." dugtong niya. Siguro ito na ang magandang timing para mapag-usapan na namin yung tungkol sa aming dalawa kung meron. Pero hindi ko alam kung paano.

"Gab..." tawag ko sa kaniya sa seryosong ekspresyon. Try harder to control your emotions, Erin.

"Erin." pagpigil niya sa anumang sasabihin ko. "I like you. I know na ikaw yung pumunta kagabi para asikasuhin ako. Ikaw rin ang ang nagprepare ng hangover breakfast ko. And you're also the one who changed my password sa condo." hinawakan niya ang kamay ko at napansin ko na medyo malamig ang kamay niya na kabaliktaran sa akin. Kinakabahan ako sa katotohanang ito na ang huli para sa aming dalawa. "Please let me do it for you too, Erin. I really like you a lot."

"Tell me that you feel the same way. I never knew na that I will feel this way at sa babae pa. There are a lot of hunk men and suitors pero ikaw lang nagparamdam sa akin nang ganito. I don't care if I would be the one who will court you as long as you're going to allow me to show you how much you mean to me." mahabang saad niya pero hindi inaalis ang paningin sa akin. Nakikita ko kung gaano siya kasaya dahil sa wakas ay nasabi na niya ang sikretong matagal na niyang kinimkim sa puso niya.

Umurong lahat nang sasabihin ko sana nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin at tanging naramdaman ko lamang ang lambot ng labi niyang nasa labi ko. Gumalaw ang kamay at napunta ito sa pisngi ko. Nararamdaman ko ang kaba niya pero hindi ito naging hadlang para hindi niya laliman ang ginagawang paghalik sa akin.

Pero bigla ako natauhan at bahagya ko siya nilayo sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya at napansin ko nasaktan siya sa ginawa ko. "Gab. I'm sorry. But--" para na akong pipiyok kaya sandali ako napalunok. Kahit na nilalagnat pa rin ako ay hindi ko na ito naisip pa dahil ang tanging alam ko lang ay tapusin na ito habang maaga pa.

"I'm in love with someone else." tanging nasabi ko at pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kaniya dahil anumang oras ay pwede kong bawiin ang sinabi ko.

"You, what?" hindi makapaniwalang saad niya at doon ko nakita na napaluha siya sa nalaman.

Pinunasan ko ang luha niya at pinatatag ang sarili. Try harder, Erin. Tandaan mo si Isabella nasa labas lang ng pinto at nanonood.

Yes. I pushed Gab dahil nakita ko nandoon si Isabella at nakita ang nangyari. This is the only way just to prove to Isabella that I love her. 

Act according to the plan, Erin!

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon