Chapter 36: Her First Time

882 40 21
                                    

A/N

Hello! Another chapter for Erina's. I saw your replies and message for me and I was totally happy for appreciating my story knowing this is my first time.

Enjoy the chapter! Please like and comment. It means a lot to me. Love you all!

Yours truly,
Pitahpann

————————————————-——

"Señorita!" nagulat ako sa mga sumisigaw sa likod ko. Maging sina Mom and Dad na nasa di kalayuan ay napatingin din kung saan nanggaling yung ingay. Napangiti ako na papunta sa amin ang mga matatandang tauhan maging ang mga kasing-edad ko na naninirahan dito sa Hacienda. Bumaba ako sa kabayo ko na madalas kong gamitin kapag nandito sa Hacienda. 

"Natutuwa kami na pumarito ka." niyakap ko sila dahil para rin silang si Nanay Nery. Ang mga matatandang ito ay maituturing na kapamilya ko na rin kaya malapit din ang loob ko sa kanila. May mga kapatid din si Nanay Nery na nakatira rito kaya todo ang pagbibigay alaga ko sa lugar na ito tulad nang pag-aalaga sa akin ni Nanay Nery.

"Matitiis ko po ba kayo?" nagbibirong saad ko. Kagabi nang makarating dito ay nagulat akong nandito rin si Nanay Nery na hindi magkandaugaga sa pagkilos kahit matanda na. Lagi niyang sinisigurado ang kailangan ko kahit sa pagkain o sa mga gamit na gagamitin ko. Minsan nga si Mommy na pumipigil sa kaniya na ikinasama naman nang tingin ni Nanay Nery. Si Nanay Nery din ang naging tagapag-alaga ni Mommy kaya ganito na lang siya rito kung sungitan niya. 

Sobrang aga pa ngayon to the point na hindi pa sumisikat ang araw ay nandito na sila at ganoon din ang magulang ko. Namiss nila ang probinsya and cozy ambiance ng Hacienda. Talagang gumising din ako nang maaga para makapagharvest ng mga prutas and isa sa paborito kong kapeng barako. We also manufacture kapeng barako and tablea na madalas namin dinedeliver sa mga Coffee Shops, Markets, at hindi magtatagal maeexport na internationally. That's why, I negotiated with Jonathan. 

Two birds in one stone. 

"Dapat kumain ka muna at mamahinga na lang dito. Hayaan mo na kaming magtrabaho rito, iha." saad ni Nanay Nora na mas nakakabatang kapatid ni Nanay Nery. 

"Nay, naman! Nakasuot na ko ng Jumper Suit ko tapos naka-boots pa ko tapos uupo lang po ako? No way, Nay! Maghaharvest din po ako." nakapout na saad ko at tinakbuhan na sila Nanay at pumunta sa mga tauhan ng Hacienda na halos kaibigan ko lahat. Natatawang binigyan nila ako ng gloves at basket na sinuot ko sa likod. Naka farmer's hat din ako na kulay na kaparehas ng kulay ng denim jumper suit ko. 

"Señorita, maaraw ire diyan bumalik ka na rito." napatingin ako sa likod ko at nakita ko nga sina Nanay at ganon din sina Mom and Dad na tinatanaw ako habang tumatawa pa. Napapailing na lang si Nanay Nery at nagtawag ng tao para hatiran ako ng payong na mabilis kong sinenyasan yung lalapit sana sa akin na bumalik sa pinanggalingan niya. 

"Kuya Bambi, pakisabi na lang po kela Nanay mag-utos pong maghanda ng maraming pagkain mamayang gabi, may magandang balita po ako iaanunsiyo para po sa Hacienda." nakangiting pag-uutos ko na agara namang sinunod. Sa totoo lang masaya ako sa ginagawa ko rito. Hindi pa naman ganoon kaaraw dahil 7am pa lang ng umaga. Pero dahil nga sa probinsya, mabilis talagag umaraw sa ganitong oras pa lang lalo na puro taniman lang ng mga mababang puno yung pinuntahan ko. 

"Tsaka pakisabi po na magpaparty po tayo mamaya kaya ihanda na po nila yung mga alak at karaoke, Kuya Bambi." dagdag na sigaw ko pa na ikinatuwa ng lahat na nandito. Kung bibilangin ko, nasa mahigit 80 ang tauhan ng hacienda hindi pa kasama ang kaanak nilang naninirahan na malapit dito. Gusto kong ibalita sa kanila na ang pagsilbi at pagtira nila rito ay may kapalit na magandang kinabukasan sa lahat. 

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon