Chapter 7: Painful Mistakes

986 49 0
                                    

"Erin, sabihin mo na kung ano nangyari sa inyo ni Gab" paghihimutok ng mga kaibigan ko. Sa totoo lang kanina pa nila ko tinatanong simula nang dumating ako.

Nakatikim na nga ng batok sa akin si Polo dahil siya ang pasimuno sa paglalagay sa akin sa sitwasyon na iyon.

"How does it feel, Erin?" tumataas pa ang kilay ni Lissa dahil base sa itsura niya ay naniniwala siyang may nangyari sa amin ni Gab.

Pero wala naman ako sinasabi sa kanila. Hinahayaan ko sila mag-isip nang mag-isip. Ang sarap nilang asarin kasi mukha silang tsismosa at tsismoso sa pinaggagawa nila.

"It's been years nang huli, right?" saad ni Mira habang tumingin sa akin. Inamin ko sa kanila na may nangyari sa amin ni Cary noong kami pa kaya sobra sila maintriga sa sex life ko which is ayokong gawing big deal.

At first, hindi sila boto kay Cary dahil mukhang hindi naman daw ako seseryosohin. Six years ang gap namin. I was only seventeen and she's twenty-four that time pero mas mature pa ako kung mag-isip kay Cary kaya balance lang.

"Makinig kayong lahat" pagkuha ko sa atensyon nila. Lahat naman sila ay medyo lumapit pa para marinig ang sasabihin ko. Natawa ako sa mga itsura nila

"Fuck Erina Raven! Wag mo nga kami binibitin" pasigaw na sabi ni Japo na nasa tabi at walang hiya na pinalo pa ako sa balikat ko.

Tiningnan ko nang masama pero walang epekto dahil mas nagingibabaw ang pagkabitin sa itsura nila.

"We slept together" pag-amin ko. Nanlaki mga mata nila at mga loko nag apiran pa sa tuwa.

Napaawang ang bibig."That's my girl." kumindat pa si Mira na parang sinasabi na proud siya sa akin.

Tumagilid ang ulo at gusto kong linawin sa kanila ang sinabi ko. "We slept together. Literal na natulog lang na magkasama sa kama" isa isa ko silang tiningnan at parang isang bula nawala yung saya nila.

Tumawa na lang ako dahil mukha silang pinagbagsakan ng langit at lupa. "Walang nangyari, okay. Kung ano man iniisip niyo ay hindi iyon nangyari." pagbibigay linaw ko para hindi na nila ako kulitin.

"Hindi ka naman pinanganak kahapon pero bakit ang bagal mo, Erin?" gago talaga. Binato ko si Kael ng buto ng chicken dahil kung anong kabahuan ang lumalabas sa bibig niya.

"Baka naman kasi hindi pa rin nakakalimutan si Cary." walang prenong saad ni Lissa habang may kinakalikot sa phone. Natahimik ang lahat kaya bigla niya inangat ang tingin.

"Oops. I didn't mean to mention her name." may pilit na ngiti na dugtong niya at nagpeace sign pa sa akin. "Sorry, Erin."

"Erin, hindi naman sa hinuhungkat natin ang past mo pero..." pambibitin ni Sevy sa akin. "Do you still have feelings for Cary?" sinabi niya iyon tsaka sumubo ng pizza na niluto ng mommy nina Sevy.

Lahat sila nag-aabang at nag-uusisa. Makikita mo na nababahala sila sa sasabihin ko. Napabuntong hininga muna ako sa sumandal sa kinauupuan ko.

I crossed my arms. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may nararamdaman pa ba ako. Siguro ito na rin ang oras para magkwento sa kanila at nang hinanakit ko because of Cary. Sumeryoso ako ng ekspresyon at inalala ang lahat.

"The day I saw her betrayal with me, nasaktan ako nang sobra dahil nagsabay-sabay lahat ng problema ko." sinabi ko iyon na para bang inaalala ko ang nangyari sa araw na iyon.

Kung paano ako pumunta sa Condo niya para pagaanin ang loob ko dahil sa nangyari sa kapatid ko. But then I just saw her naked body on top of that woman. Hindi nila ako napansin na nasa pintuan na ako at nakatingin sa kanila.

The Devil in DisguiseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora