Chapter 15: Best Actress

677 34 2
                                    

Alas tres na ng hapon at nakahilata ako ng prente sa sofa. Nandito pa rin ako at hindi umaalis. Ala una siya umalis at talagang hindi siya nagpapigil.

Kausap ko ngayon yung seller at sinabing on the way na daw yung pinadeliver ko. Nasa Makati ako ngayon at nanggaling pa ito ng Manila kaya medyo matagal din bago dumating.

Nakalagay sa bandang tiyan ko ang chips na kinuha ko sa kitchen ni Isabella habang nagpipindot sa remote ng tv niya.

"Hindi talaga siya nagpapigil sa pag-alis. Fuck! Bisita kaya ako." bulong ko sa sarili dahil hindi ko matanggap na naiwan ako mag-isa rito at parang wala lang sa kaniya ang presensya ko.

"Makikita mo, Isabella. Hindi ako aalis ng bahay mo na hindi kita napapatiklop." dagdag ko pang turan ko at nagpokus na sa pinapanood sa Netflix.

Sa wakas dumating na rin ang binili ko. "Thank you, Ma'am." sinabi ng delivery boy pagkabigay ko nang bayad at tip sa kaniya.

Hinanda ko sa living room ang lahat ng pulutan at pag-iinuman ko. Naglabas din ako ng yelo galing sa refrigerator ni Isabella at baso para sa iinumin ko.

Alas siyete na ng gabi pero wala pa rin si Isabella. Binuhos ko na ang huling laman ng alak sa baso ko.

"Mapapalaban nanaman ako sa gym nito." tinaas ko ang sweater ko at sinipat ang tiyan ko.

"Damn it, Isabella. Umuwi ka na!" kausap ko sa sarili. Medyo namumula na ang pisngi ko pero alam ko sa sarili na hindi ako lasing.

Salamat sa mga kaibigan ko dahil madalas kaming laman ng Bar at iba't-ibang klase ng alak ang iniinom namin.

Nakaupo ako sa lapag at nilagay ko ang ulo sa sofa na kinasasandalan. Halos naka limang episodes na ko sa pinapanood kong Lucifer.

Maganda siya pero mas maganda kung nandito ka na Isabella.

Lumipas ang isang oras at cake na isang buo naman ang kinakain ko. Inorder ko ito at wala pang trenta minutos ay dumating na. Hindi na ako kumuha pa ng platito dahil doon ko na mismo kinain.

Nilabas ko ang wine na nakitang tira sa winery ni Isabella kaya ito naman ang iniinom. Uminom ako sa mismong bote nang bumukas ang pinto. Lumantad si Isabella na may nagugulat na tingin.

"What the hell, Ms. Sebastian." pambungad niya sa akin.

Binaba ko ang bote at tiningnan siya. Hindi naman makalat dahil niligpit ko na iyong kinainan ko kanina. Tanging ang bote ng hard liquor lang ang nasa maliit na lamesa. Iyong buong cake na kinakain ko at hawak kong red wine.

Sinadya kong hindi ligpitin ang bote ng alak na pinaginuman ko para akalain niyang lasing na ako pero sa totoo lang hindi pa rin ako tinatamaan pero may nararamdamang kaunting hilo.

"Hey, you're here." tumayo ako nagpanggap nang lasing. Nilapitan ko siya at kinuha ko ang nakasabit niyang shoulder bag sa balikat at nilagay sa single sofa na nandoon.

"Are you drunk?" tanong niya at nilagpasan ako tsaka hindi makapaniwalang kinuha ang wala nang laman na bote ng alak.

"This is a hard liquor, for pete sake, Erin! Are you this dumb?" konti na lang talaga makapagsasalita na rin ako nang masama pero ganoon na lang ang pagpipigil ko.

"I'm just having fun." kinuha ko ang hawak niyang bote at binato iyon sa sofa na nasa likod niya.

Nilingon pa niya ang bote pero walang pag-aalinlangang hinawakan ko ang pisngi niya. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya.

Gamit ang index finger ko, I traced her eye brows down to her cheeks at tumigil ako sa labi niya. Nakita ko ang pagkagulat niya at para siyang naestatwa sa ginawa ko.

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon