Chapter 21: Soft-Hearted Sebastian

629 30 6
                                    

"Excuse me, saan po ba yung sections ng spices?" tanong ko sa grocery staff. Kanina pa ko nag-iikot dito at nabili ko na ang ibang pinapabili ni Gab. HIndi ko na siya sinabihan pa na pupunta ako dahil kahapon lang ay nalaman kong pagod ito at galing photoshoot. 

I'll just surprise her since two weeks na since nakausap ko siya sa phone. Busy rin ako sa university at kay Isabella.

"Number 4 po, Ma'am." nakangiting turo niya na ikinapasalamat ko.

Kumuha rin ako ng chips, chocololates, and liquors. Napansin ko na wala siyang alak sa condo niya. Kung hindi siya iinom ako na lang iinom. I want to cherish this day dahil sa susunod na mga araw ay lalayuan ko na siya.

Hindi ko siya gustong paglaruan at saktan. That's the least I want to do. 

"Aha! I got you." nakangiting sabi ko pa. Napasinghap pa ako nang hangin dahil ilang beses pa lang ako nakakapunta ng grocery dahil ang madalas gumagawa nito ay sina Manang. Dati naman ay minsan lang ako nakakasama kay Carry sa grocery dahil nasa condo rin siya nakatira at dahil din focus ako noon sa studies ko pero kahit kailan ay may naglalaan ako ng oras sa kaniya dahil mahal ko siya.

"Erin, sama mo na ito." napalingon ako sa likod at nakita ko ang mga kaibigan ko. Paano nila nalaman na nandito ako? 

"Bakit ba nagsosolo ka?" sapaw ni Japo na naglalagay ng mga hard liquor din sa cart. Sina Mira at Lissa naman ay may dala ring ibang chips na mas mahal pa sa kinuha ko. Sina Sevy at Kael naman ay may dalang beers na nasa maliit na basket. Si Polo ay naglagay ng nuts. Nagulat ako puro pistachios, cashews, and almonds nilagay.

Ito mahirap sa mga kaibigan mong hindi uso tingin sa presyo. 

"Ano ginagawa ninyo rito?" tanong ko sa kanila. Si Polo ay niyakap ako at hinalikan pa ko sa pisngi ko. Siguro sa mata ng ibang tao ay mapagkakamalan kaming couple dahil sa sobrang clingy ng lalaking ito. "Wtf, Polo! Yung laway mo." sabay punas ko sa pisngi pero tumawa lang ito at kinindatan ako.

"Lissa yung binasted mo oh, ang harot." nakakalokong asar ko kay Polo. Namula nang kaunti ang pisngi niya pero nagbago bigla nang tiningnan ito ni Polo.

Oops. Something is fishy here.

"Kapag nanligaw sayo, gawin mo rin yung ginawa ko." bawi agad ni Lissa. Iyong kambal ay tumawa nang malakas maging si Japo ay tinap na lang iyong ulo ni Polo.

"Wow. You sounded like a jealou--" hindi na natuloy ang sinasabi ni Mira kay Lissa nang pitikin ang noo nito na ikinaaray naman ng isa.

"Ouch, Lissa. Ughh. I'm just stating the fact here." nakairap na sabi ni Mira pero ngumisi ito. Pero si Lissa naman nang ang timpla nang itsura.

"Ikaw Polo maghanap ka na lang ng ibang babae." gatong ko naman at nagsimula na kaming naglalakad.

"Para naman hindi ka na namin inaasar kay Lissa. You already moved on, right?" nakakalokong tanong ko. Syempre maliban kina Polo at Lissa, nagsipag-fist bumb pa kami.

"Should I look for a new one, Lissa?" seryosong tanong ni Polo. Napasinghap kami nang hangin dahil mukhang hindi na biruan ito.

Nakatingin lamang si Lissa at tumango. Pero typical Polo ay ngumisi lamang ito at tumawa nang nakakaloko.

"Kahit hanapan pa kita, Polo tulad nang ginagawa mong paghahanap sa akin sa mga flings ko. Pero make sure yung hindi na flings lang. Be a man." seryoso ring saad ni Lissa pero hinila na siya ng kambal sa dalawang braso at nauna na sa amin.

"Okay, my fault." nagpeace sign pa ako. Hindi ko naman kasi alam na big deal pa iyon sa kanila. Pero mukhang si Polo na lang aasarin ko dahil wala sa bokabularyo niyang nagseseryoso.

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon