Chapter 11: Drunk State

788 40 3
                                    

Napagdesisyunan kong pumunta sa mini gym ng Mansion para makapag-exercise.

Abnormal kasi itong sila Sevy, kung ano ano pagkain pinaglalagay sa akin noong nasa Buffet kami.

Kaya ngayon todo pagpapawis ako kahit alas nueve na ng gabi. Naka isang daang push-ups at sit-ups na ako. Kinuha ko ang sports strap bandage sa shelves at pumunta sa nakasabit na punching bag.

Nang mapagod ay dumako naman ako sa speed ball para maramdaman ko ang sobrang pagkabagot. Puro suntok at sipa ang ginawa ko. May nalalaman ako sa martial arts dahil dati pa man ay iyon ang kinukuha kong sports.

Simula nang dumating ako rito ay todo na ako sa pag-aalaga ng katawan ko na hindi ko ginawa noong naisipan kong magsolo muna at iwanan ang mundo.

Pabagsak akong nahiga sa mat at pabato kong hinagis ang suot na strap bandage at habol ang hininga ang ginawa ko. Ilang minuto rin ako nagpahinga at pumunta sa bottled water ko na kaunti pa lamang ang bawas.

"Pst. Gala!" tawag ko sa kaniya dahil kanina pa niya ako binabantayan. Ginalaw niya ang buntot at patakbo siyang tinalunan ako.

Napahiga ako sa sahig at kinukulit din siya. "Ang laki-laki ng tiyan mo, Gala. Masiyado kang spoiled kay Nanay Nery." kausap ko sa kaniya at binuhat na rin palabas para makatulog na rin siya nang maayos sa mat niya.

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako nakakaramdam nang pagkaantok. Kaya naisipan kong magbabad sa bath tub na pinuno ko ng liquid soap. Imbes na wine, kumuha ako ng hard liquor at doon uminom.

Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Kahit mga bagay na imposible ay sinasama ko sa plano kahit kapalit nito ay ang aking sarili.

I can kiss you the way he kissed you, Isabella. Baka nga hanap-hanapin mo.

"Fuck, Erin! Hindi ka desperada para gawin iyon." pinapagalitan ko pa ang sarili pero nawaglit sandali ang iniisip ko nang tumawag si Polo.

"Erin, come on! Bar tayo." laging ganoon na lamang ang tinatawag niya sa akin. Napangiti ako dahil sakto na kesa uminom mag-isa, mas mabuti nang magpakasaya ako kasama sila.

"Still on South?" tanong ko kung doon pa rin ba sa huling pinag-inuman namin.

"Yes. There's a plenty of fishes here, Erin. It's a free catch." pagbibiro niya. Walang pinagbago dahil playboy pa rin.

Makatagpo ka lang talaga ng babaeng kalolokohan mo, magpapamisa ako sa bar na yan.

"Save a few fishes for me, Polo." pagsakay ko sa biro niya. Siguro ito kailangan ko. Naaalala ko pa dati na karelasyon ko pa si Cary, siya ang laging sweet at gumagawa ng mg bagay para sa monthsary and anniversary namin.

Kaya siguro wala man lang ako kahit anong landi sa katawan bukod sa pagbibigay ko ng sarili noong first anniversary namin.

I'm no virgin anymore. Cary is adventurous and wild. My innocence started to fade out when we became intimate.

"I'll be there in a minute." maikling saad ko na ikinatuwa ng kabilang linya. Narinig ko pa ang boses nila Kael na nagsasalita.

Pinarada ko ang kotse na malapit sa ginanapan nang trahedya noon kay Isabella.

Inayos ko muna ang sarili sa loob ng kotse at tiningnan ang sarili kung maayos ang suot. Tanging leather pants at fitted sleeveless top ang suot na tinernuhan ko ng black stilletos.

Hinawi ko ang buhok na medyo humaharang sa mata habang naglalakad sa loob ng bar para hanapin sila Polo. Napapansin ko ang pagtingin ng mga tao sa akin pero todo hanap pa rin ako sa mga kaibigan ko.

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon