Chapter 40: It's her Birthday

2K 75 39
                                    

"Erina, what is the meaning of this?" It's only 10 pm pero nandito ako sa excluded area ng mansion habang kausap si Carlos. I am now celebrating my birthday and he just arrived earlier at nagulat ako dahil nakita niya kami ni Isabella. We're kissing na parang walang pwedeng makakita sa amin. 

He is smoking and I immediately grab his spare cigarette from his hand at nagsindi rin ako. I wasn't use to this. Pero sa  ngayon, this is my escape plan for him. I need to calm dahil once na magsalita at magalit si Carlos, pwedeng makarating ito sa magulang ko. 

He can actually tell them pero ano pumipigil sa kaniya? I can accept my parents wrath and setiments kung iyon ang iniisip niya.

"I asked you to help me pero pumunta ka ng States. That's why I planned without your help, Carlos. As if you don't know anything about this." sagot ko sa kaniya. Iniwan ko ang mga bisita ko para kausapin si Carlos. 

"Stop this now, Erina. Marami kang masasaktan sa ginagawa mo." he said while eyeing me. Napatingala ako sa langit at tinitingnan kung gaano kaganda yung mga stars na nakikita ko. How I wish I could be just like them.

"No one can stop me. It's too late for that, Carlos." saad ko at tumingin sa kaniya nang seryoso. "I have to go. Marami pang darating na bisita and I heard, dad invited the Dela Vista's." nakangising saad ko at tinalikuran siya.

"I agreed on helping you dahil alam ko naman hindi aabot sa ganito. Pero this is too much and too big to handle, Erina." sagot niya. "Stop it from here, Erina. He didn't kill your sister." biglang saad ni Carlos na nagpatigil sa akin. I paused for a moment at inabsorb lahat nang sinasabi niya. 

"I know." lumingon ako sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa kaniya pero ngumiti lang ako nang mapait. "I know you would say that. But, you can't just stop lalo na alam kong pinagtatakpan niyo ang mga Dela Vista. I can do evil things alam mo yan, Carlos." naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at para bang pinipigilan ako sa anumang gagawin ko.

"I know that man very well. I won't do this kung wala akong ebidensya, Carlos. The documents you've been hiding for so long, I retrieved it. I actually have it." nagagalit na saad ko. Ang boses ko ay mahihimigan na pagkapoot. Hindi lamang sa mga Dela Vista pero nakaramdam din ako nang pagkadismaya sa magulang ko dahil sa ginawa nila sa aming magkapatid. 

"H-how come you have it? It's not what you think, Erina." naguguluhan na tanong ni Carlos. 

"I'll be nothing if I'm not a Sebastian. Kaya huwag na huwag mong sasabihin sa akin na hindi siya ang pumatay sa kapatid ko.  I trusted them pero anong ginawa nila? You all fucking betrayed my sister by hiding the truth. Kapatid ko siya Carlos and you know us since we were little."  I don't have such evidences. But witnessing Carlos' reaction makes me think there's a bigger reason behind it.

Nagtitigan kami nang matagal at walang sinuman ang gustong magpatalo. Nahinto lang nang may marinig akong pinangggalingan ng boses.

"Erina." mahinang sigaw nito pero may diin. Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses at nakita ko si Isabella na papalapit sa amin ni Carlos. Pero ang kamay ni Carlos ay nanatiling nakahawak sa akin kaya nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Isabella sa nakikita niya ngayon.

"What's going on, Erina? Is there something wrong?" tanong agad ni Isabella at hinawakan ang pulsuhan ko para mailayo kay Carlos. I smirked na tanging si Carlos lang ang nakakakita. I showed him kung paano ako pinapahalagahan ng isang Dela Vista. 

"He's my dad executive secretary, Isabella. Carlos meet Isabella Dela Vista, my professor." saad ko at napansin ko kung paano nasaktan si Isabella sa naririnig na pagpapakilala ko. Pero hindi ko na lang pinansin at tinuon ang paningin ko kay Carlos na nakikipagkamay kay Isabella. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Devil in DisguiseWhere stories live. Discover now