Chapter 10: One Step at a Time

831 41 3
                                    

Natapos ang ibang klase ko at masasabi ko masaya ako kahit na nakakapagod. Kinuha ko ang cellphone at binasa ang chat box namin sa Viber.

Seryoso sa buffet talaga kami kakain? WTF.

Nagulat ako dahil nandoon na sila at kami na lang nila Mira ang hinihintay. I texted Mira at sinabi niyang sa parking lot na lang kami magkita at isang kotse na lang ang gamitin.

Nasa isang buffet restaurant na kami at mukhang masusulit ang bayad namin dahil ang dami nila kumain which is hindi na nakakagulat dahil ganoon naman talaga kami kapag kumakain. Pero hindi na sa akin ngayon at kela Lissa at Mira matipid din kung kumain.

Kumuha ako ng less carbs na pagkain. Kadalasan puro gulay ang kinuha ko. Kinuwestiyon pa nila ako at sinabi ko na busog pa ako kaya ganoon lang ang kinain ko pero ang totoo nagpapasexy ako nang sobra. Pagdating sa dessert ay pare-parehong cake at ice cream ang kinuha na mahirap iwasan.

"Japo, classmate ko sa isang major si Sabrina." pagbibigay balita ko na ikinatingin ng mga barkada ko.

Nasa loob pa kami ng restaurant at nagpapahinga sandali dahil nakita ko na nabusog sila.

"Woah! Naunahan ka pa ni Erin." pang-aasar ni Polo sa kaibigan.

"Have some balls, Japo." sabi naman ni Kael na nakaupo sa gilid habang hawak ang toothpick na gamit niya.

Nakita ko pa na binatukan niya si Sevy na nananahimik sa pag-ubos ng cake na kinuha niya. "Hey! Why did you hit me?" kawawa naman kaya hindi maiwasang matawa dahil tumama pa ang icing sa ilong niya.

"Ikaw malapit diyan kaya ikaw na lang binatukan ko." paliwanag ni Japo na masama ang tingin sa ibang kaibigan maging sa akin."Besides hindi lang batok ang ibibigay ko sa kanila lalo ka na Erin. Hindi porket maganda ka diyan sa gupit mo hindi kita gagantihan." turo ni Japo sa akin pero sinuklay ko lang buhok.

Nang makita ko si Mira sa parking lot ay ganoon din ang naging reaksyon niya. Hindi makapaniwala na matapang daw akong nagpagupit nang ganoong kaikli.

Pagdating sa restaurant ay napatayo pa sila Polo at Lissa, pati yung kambal at tiningnan ang bagong itsura ko. Gusto ko na lang umuwi nang sinabi ba naman may papakilala sa akin na mga babae at lalaki since hindi naging maganda ang plano niya sa akin with Gab.

Speaking of Gab, hinarap ko si Polo at may gusto sanang itanong kaso...

"Hey, Erin. Remember when I called you last night?" napatingin ako kay Polo at hinintay pa ang sasabihin niya. "I gave your number to Gab." nanlaki ang mata ko pero sa loob ay natuwa dahil mapapalapit ito sa akin na walang ginagawang hakbang na pwedeng ikahalata ni Gab.

"Why?" kunwaring tanong ko.

"Because she asked for it. Besides, it's just a number and mukhang gusto ka ni Gab." ngiting aso niya na ikinangiti rin ng iba kong barkada.

"Dalaga na ulit si Erin natin." napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Mira sa gilid. Hawak nila ang buko juice nila at pinagdikit ito na parang umiinom ng alak. "Kampay." sabay-sabay nilang sabi na ikinataas ko ng kilay.

"Sumakit sana tiyan niyo sa empatso!" nasabi ko na lang dahil ako nanaman ang topic nila.

---

Dumaan ang oras para sa klase ko. Hindi ko napansin na alas singco na ng hapon hudyat na pwede na akong umuwi.

Habang naglalakad napatingin ako sa blackboard na nasa hallway. Puro mga clubs at organization ang nandoon. Required kami sumali pero hindi ko alam kung ano sasalihan.

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon